“Mommy, dali gising na ikaw.” Naalimpungatan ako dahil pagtalon ni Kyrie sa kama. “Mommy, wake up." Ulit pa niya na pinugpog ako ng halik sa aking mukha. “Son, maaga pa okay.” Ani ko na kinusot ang aking mata. Nang tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ayalas 8 pa lang ng umaga. Ibig sabihin tatlong oras lang ang tulog ko. Hindi kasi ako makatulog kagabi dahil sa pag iisip ng mga nangyari kahapon. Hindi ko alam kung paano niya nakuha na magsinungaling sa akin gayong may ebidensya naman na nagloko siya. Pagkatapos niyang sabihin na hindi daw niya alam kung ano ang mga nangyari nung nasa Bangkok siya, kausap lang daw niya noon ang isa mga sikat sa thailand na farm at may malawak na ubasan. Katulad niya gumagawa din ito ng alak niya nakipag sosyo siya dito. Bumuga ako ng hangin

