Justin Monticello POV. Sobrang sakit pala makita na ang babaeng mahal mo ay may kayakap na iba. Na ang pamilya na dapat ay para sayo ay iba na ang nagmamay ari. Nang dahil sa isang pagkakamali na hindi ko na alam kung paano nangyari. Siguro nga dalat lang na mangyari sa akin to dahil. Sinaktan ko ang babaemg mahal ko. Hindi ko siya pinahalagahan ng nasa akin siya. Alam ko naman na naging malamig ako sa kanya at nawalan ng oras dahil mas tinutukan ko ang business ko at ang anak namin. Inaamin ko naman na nawalan ako ng amor sa kanya noon dahil sa paglaki ng katawan niya pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na lokohin siya dahil mahal ko siya. Pero sana pakinggan niya muna ako. Bagsak ang balikat na yumuko ako at binitawan ko ang paborito niyang bulaklak na hawal ko. Hindi ko kaya na ma

