bc

Her Thirteenth Wrath (BOOK 1)

book_age16+
399
FOLLOW
1.4K
READ
murder
revenge
dark
powerful
mafia
gangster
mystery
betrayal
cruel
brutal
like
intro-logo
Blurb

A woman with dangerous skills and her team set up a mission to kill one by one those thirteen people who have wronged them from the past. A personal vendetta that turns out bloody. But something happened that goes out of control. She is Alexxa Aragon, a legendary assassin, also known as the Alpha— will become just.. a nobody?

Do you wanna see what the hell looks like? You don't need to go there, dear. She will come to you. She will make you feel hell alive, but barely.

BOOK 1 of Frontier series.

--

Book 1 - Her Thirteenth Wrath

Book 2 - The Man Behind the Black Curtain

chap-preview
Free preview
Prologue
First Wrath MARAMING tao ang nagkakasiyahan at nagpapayabangan sa kani-kanilang negosyo at pagmamayari. Mga kumakain, sumasayaw at iba pa ang makikita sa loob nang malaking kwarto kung saan makikita ang liwanag sa bawat paligid. May engrandeng staircase na parang katulad nang nasa fairytale, mga bintanang naglalakihan na waring nasa isang royal palace na may mga pulang kurtina na maayos na nakatali, naglalakihang chandeliers na milyones ang halaga at nagkikintabang mga tiles na makikita. Iisipin mong, heto na talaga ang iyong dream party. Isama mo pa na sa bawat tao na makikita mo sa paligid ay talaga namang kamangha-mangha dahil sa taglay nilang yaman, hindi lamang sa business world, kundi maging din sa underground society. Kulay puti at ginto ang motif nito. Isa itong Royale Ball. Lahat nang kilalang tao sa larangan mapa sikat, kilalang tao na may talento, artista, politika, mabibigat na tao pag dating sa larangan nang negosyo, sa underground society, mga pinakamayayamang tao sa buong mundo ang mga naririto upang ganapin ang isang nakagawiang partisipasyon na kinakaylangang daluhan na minsan sa kada tatlong taon lamang nagaganap. Ang Royale Ball na ito ay nasa pangunguna nang isang kilalang tao sa business world na si Carlo Ibanez. Habang ang lahat ay nagkakasiyahan, biglang bumukas ang pintuan na mahigit 15feet ang taas, gawa ito sa puno na sinasabing pinaka matibay sa lahat, makapal ito at may bigat na tatlong tonelada. Pumasok ang isang babae na may suot na maskara. Itim na itim ang buhok na hanggang bewang, isang napaka gandang fitted gown na umaabot hanggang sa sahig. Kitang kita ang sobrang kasexyhan nang babae na lalong nakapag palitaw dahil sa suot nitong fitted gown. Hindi maipagkakaila, talagang napaka ganda niya, kahit pa man nakatakip ang mukha niya. Halos lahat ay natigil, ang musika, ang ilang nagsasayaw at nagkkwentuhan, at ang lahat ay napatingin sa kaniya, maging ang ilang staff nang Royale Ball na may halong pagtataka. "This isn't a masquerade party, right?" some elite asked. Mga sarisaring bulungan nang mga tao. Iba't ibang reaksyon ang makikita sa bawat isa, natutuwa, nagagandahan, at nagtataka... Sino ba namang hindi magtataka kung makakita ka nang babaeng napaka sexy pero may suot na maskara? 'E hindi naman ito isang masquerade ball. Pumitik ang babae mula sa kaniyang daliri dahilan para matauhan ang ilan. Nastarstruck 'e! Muling nagpatugtog ang DJ nang musika na talaga namang aakitin ka papunta sa gitna nang dance floor para makipag sayaw. Nakabalik narin sa wisyo ang ilan at nagpatuloy na muli sa kanilang mga ginagawa. Nagsimulang maglakad ang babae. Isa siyang napaka sopistikadang babae, base narin sa ganda at ayos nang paglalakad nito. Hindi parin maiwasan nang ilan ang mapatingin sa kaniya, lalo na nang mga lalake. Nakuha narin nito ang atensyon nang ilang mabibigat na tao sa underground city, mga tinatawag na Elite, ilang reapers, assassins na nakamasid sa buong hall, dahil sa kakaibang presensya na kanilang nararamdaman magmula nang dumating ang nasabing babae. Lahat ay alerto sa maaaring mangyari dahil ilan sa mga elites at assassins ay may hindi magandang pakiramdam sa babaeng kadarating lang. Masyadong madilim ang aura nito na may halong kilabot na hindi mapapansin kung hindi ka mapag obserba. Oo, dahil tinatago niya ang kaniyang aura, pero napansin parin naman iyon nang ilang tao na ngayon ay nakamasid na sa kaniya. Umupo ang babae sa isa sa mga bakanteng upuan sa isang round table na meron pang 5 upuan na nakapalibot dito, hindi alintana ang ilang naka masid sa kaniya. Sa ayos pa lamang nang lamesa at upuan, halatang isang napakagaling na designer ang gumawa nito. Bawat design at sulok ay perpekto, maging ang pagkakaayos nang utensils na gagamitin sa pagkain, halatang pinaghirapang maayos. Itinaas nang babae ang kaniyang kanang kamay at otomatikong may waiter na isang lumapit at kaagad inalok siya nang isang kopita na naglalaman nang champaigne. Agad niya itong tinanggap at inumpisahang inumin habang pasimpleng nagmamasid sa paligid, hinahanap ang kaniyang target. Habang nasa kalagitnaan siya nang pagmamasid, nakarinig siya nang boses na nagmumula sa transmitter na nakatago sa ngipin niya. Medyo nakaramdam siya nang konting vibration dahil duon pero dahil sanay na siya ay hindi na niya ito ininda pa. "This is Shaw connecting to Alpha, system is in control. We got 30 minutes to eliminate the target." Hindi na ito sinagot pa ng babae. Understood naman na iyon para sa mga kasamahan niya. Mahahalata lamang siya kung sasagot pa siya, unang una wala naman siyang kausap sa telepono, o kasama. Pero ngayon, meron na. Lumapit ang isang lalaki at tsaka umupo sa tabi nang babae. Napaka gwapo nang dating nito kung tutuusin, pero kilala ito nang babae. "Hi, milady, you seem to be alone so I am hoping you wouldn't mind if I join you tonight?" - Pilyong wika nang lalake sabay halik sa kamay nang babae. Ngumisi ang babae tsaka malamig na tumingin sa mga mata nang lalake. "Don't f*****g touch me." Tumayo ang babae mula sa pagkakaupo tsaka nagsimulang maglakad lakad dala ang kaniyang baso na may lamang champaigne habang naiwan naman ang lalaki na hindi makapaniwala dahil sa kaniyang narinig. "She is so intimidating..." Mahinang bulong nito sa kaniyang sarili. Siya si Jesser Alfonso. Ang kilalang malapit sa boss ng Salvatorian Mafia. Huminto ang babae sa paglalakad. Napangisi ito ng palihim ng makita na niya ang kaniyang pinakahinahanap-hanap. Tinungga niya ang basong hawak niya at agad inubos ang champaigne, pagkatapos, nilapag nito sa isa sa malapit na lamesa. Inalok pa muli siya nang waiter ngunit tinanggihan niya na ito, at tumungo na sa kaniyang target. Habang naglalakad, nadaanan niya ang isang waiter na may dalang wine. Agad niya itong kinuha at inilagay ang isang tableta na nasa kaniyang palad lang kanina pa, mabilis pa sa isang kurap na kahit sinong may mabilis ang mata ay siguradong hindi mapapansin ang pagkakalagay niya. Dahan dahan niya itong pinaikot ikot konti, kunwaring nilalaro ang wine pero ang totoo ay para mabilis matunaw ang tableta. Nang makalapit na siya sa kaniyang target, may dumaan muling waiter at muli kumuha siya nang isang wine, matapos ay mabilis niyang ipinag palit mula sa kanan niyang kamay na ang hawak ay wine na may tableta, papunta sa kaliwa na may wine na bagong kuha niya lang. Ngayon ay nasa kaliwa na nang kamay niya ang baso ng wine na may tableta, at ang wala naman ay nasa may kanan niyang kamay. Eksakto matapos nitong mapagpalit ang dalawang baso sa kamay niya, ay siya namang dating niya sa lamesa kung saan naroroon ang target niya, tahimik na nakaupo. Inalok niya sa lalake ang wine na nasa kaliwa. Medyo nagulat pa ang lalake dahil sa biglaang pagsulpot nang babae, pero agad niya rin iyong tinanggap. Umupo ang babae sa tabi nang lalaki. Tahimik lang itong umiinom habang nakamasid sa paligid, nang magsalita ang target nito. "You're alone, hmm?" - tanong ng ginoo, tsaka nito ininom ang wine na binigay ng babae. Siya si Cristofer Ibanez, 23. Anak nang isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo na si Carlo Ibanez, a multi-millionaire business tycoon na kabilang sa Thirteen sinners. Ang taong may pasimuno sa event na ito. Napangisi ang babae, hindi dahil sa tanong nang target niya, kundi dahil sa paginom nito nang wine na bigay niyang may lamang tableta. "I'm here for someone's debt." - Wika nang dalaga. Bahagyang napakunot ang noo nang lalake dahil sa pagtataka. Magtatanong pa sana ito ngunit hindi na ito natuloy nang dumating ang magulang nang lalake na lalong nakapag pangisi sa babae. "Hey, son.. you're with someone?" - sweet na ngiti ng kaniyang ina. Tumayo ang lalake maging ang babae, tsaka nakipag beso beso sa nanay nang kaniyang target. Sunod na dumating ang tatay na si Carlo Ibanez. "Nice catch, huh?." - Pilyo nitong bati sa anak. Lihim na nayukom nang dalaga ang kaniyang kamao. Galit na galit ito, galit na galit. Gusto niya nang patayin ito ngayon mismo, pero hindi pwede. Nagsiupuan na ang magasawa kaya naman naupo narin ang anak maging ang babae. "So, who are you young lady?" - pilyong tanong nang ama na si Carlo Ibanez. "What he meant is, what do you do?" - tanong naman nang ina. "I apologise for being rude, madam. My name is Alexxa." Nanlaki ang mata ni Carlo Ibanez. Agad itong namutla na warin nakakita nang multo nang marinig niya ang pangalang Alexxa. Pakiramdam niya ay kilala niya ang pangalang iyon sa hindi malamang dahilan. Napalunok ito nang maraming beses sabay tumingin sa direksyon nang babae na ngayon ay may malamig na titig at ngising demonyo sa kaniya. Muling nakaramdam nang kaonting vibration ang babae mula sa kaniyang transmitter na nakakabit sa ngipin niya. "This is David connecting to Alpha. Securities are down. On time to move." Nang marinig iyon nang babae ay napangisi siya sa loob looban niya. Malapit na. "Oh, nice name. You're a businesswoman?" - Muling tanong nang ina, na halata namang walang alam sa nangyayari. Ngumiti rin nang matamis ang babae. "Yes, madam. I owned the AB Hotel and Restaurant." - Pagsisinungaling ng dalaga. Dahil hindi naman iyon ang totoo niyang negosyo. Kumpara sa binanggit niya ngayon, wala pa ang laki nun sa lahat nang ariarian na meron siya. Pero hindi niya pwedeng sabihin kung sino talaga siya. Tahimik lamang si Cristofer Ibanez na nakikinig sa dalawa kahit na pakiramdam niya ay nagiinit ang kaloob-looban niya. Namumutla na siya at labis narin ang pagpapawis niya, kahit pa napaka lakas nang aircon sa paligid. Hanggang sa naguumpisa ng uminit ang loob nang katawan niya. Medyo nadismaya ang ina dahil sa kaniyang narinig. Hanga na sana siya sa babaeng nasa harapan niya pero nang marinig nito ang negosyo ay agad siyang nadismaya. Maliit lang ang pagmamayari nang Alexxa na ito, walang panaman sa kompanya namin. Hindi ko siya magagamit pagdating sa merging. Ang nasa isip nang ina. Pilit itong ngumiti sa harap nang babae. Na agad naman napansin nito. Napairap ito sa isipan niya dahil sa kaplastikan nang ina. Mukhang pera. "Oh! Really? Then it's an honor to meet the owner of one of the largest hotel in the world, huh?" Kasinungalingang sambit ng ina. Ngumiti na lamang ang babae dahil sa pagkainis. Tatayo na sana ang ina nang bigla na lamang bumagsak si Cristofer Ibanez. Nagulat ang magasawa sa nakita. "Son, are you okay?" - Tanong ng ama na agad tumayo, palapit na sana sa anak niyang nakaluhod ngayon, namimilipit sa sakit. Na agaw narin nila ang atensyon nang ilan. Lalo na nung sumigaw nang malakas ang ina. "OHMYGOD! SON! WHAT HAPPENED? CALL THE AMBULANCE, PLEASE!!" - Maluha luhang sigaw nang ina, nagpapanic na ito sa sobrang takot nang makitang sumusuka na ng dugo ang anak niya. Hirap na hirap na ang lalake. Sobrang sakit, sobrang init! Parang pinapaso at sinusunog ang lamang loob niya ng walang tigil. Pakiramdam niya, unti unti na siyang nauubusan ng hininga, gusto na niyang mamatay para hindi na maramdaman ang sobrang sakit, pero wala siyang magawa, dahil ilang oras siyang mahihirapan ng ganiyan. Walang tigil ang pagubo nito ng dugo na napakarami. May ilang laman narin ang lumalabas mula sa bunganga niya. Nagpanic ang lahat nang tao. Hindi alam ang gagawin habang ang ambulansya ay papunta na raw. Takot na takot ang ilan habang nakatingin sa kawawang anak ni Carlo Ibanez. Wari itong unti unting nasusunog mula sa impyerno. Halos mabaliw na ang magasawa dahil sa kanilang nakikita. Iyak narin ng iyak ang ina maging si Carlo. Hindi alam ang gagawin. "H-Help my son, please! I'm begging you!!" - pagmamakaawa ni Carlo Ibanez habang nakaluhod sa harap ng anak niya na patuloy sa pagluwa nang dugo, umiiyak. Walang magawa ang lahat. Maging ang ilang elites na kabilang sa underground society. Oops! Hindi pala sa walang magawa. Wala lang talaga silang pakialam. Maging ang ilang reapers at assassin na naka masid sa paligid ay walang pakialam sa kung anong nangyayari. Ang bantayan ang bawat amo nila ay ang natatanging mahalaga sa kanila. Naagaw ang atensyon ng ilan ang isang pagtawa. Nilingon ito ng magasawang Ibanez at nakita nilang ang babae na kausap lamang nila kanina ay tumatawa ng malademonyo habang malamig na nakatitig sa mga mata ni Carlo Ibanez. Gulat at takot ang namayani sa ilan, lalo na sa magasawang Ibanez. "W-what?! W-what did you do to my son?!" - Sigaw ng ina na halos mamiyok na sa galit at pagiyak. Ngunit nginisian lamang siya nang babae. "Time to pay your debt, Ibanez." Limang salita na nakapag panginig sa buto ni Carlo Ibanez. Ngayon ay may hint na siya kung sino ang babaeng nasa harap niya pero may part na naguguluhan padin siya. "W-what are you talking about, b***h?!" - singhal ni Carlo Ibanez. "You'll realize it soon, old hag." - Ngising tugon nang babae. Walang nagsasalita, lahat ay naghihintay lang sa anomang mangyayari. Mas naging alerto ang taga underground society dahil sa madilim na aura na pumapalibot sa babae. Ngayon ay isa ang nasisiguro nila, hindi siya basta basta. Ayaw mang aminin, pero ilan sa elite ang nakadama nang takot dahil sa kakaibang presensya nang babae. Naglakad ang babae palapit sa direskyon nang anak ni Carlo Ibanez. Lahat ay nagtinginan, naghihintay. Binend nang babae kaonti ang bewang nito tsaka marahas na tinaas ang mukha ni Cristofer Ibanez gamit ang pagangat niya ng baba nang lalaki, na hanggang ngayon ay wala paring tigil sa pagluwa ng dugo. Malapit na itong maubusan ng dugo sa katawan, ilang sandali nalang ay babawian na ito ng hininga. Pero hindi iyon sapat para sa babae. "W-what are you trying to do, huh?!" - natatakot na singhal ni Carlo Ibanez. "f**k! Where the f**k is my security? f**k! Call the policemen!! Where are those bodyguards around here a while ago? f*****g come out and help my son!!" - gigil na sigaw ni Carlo Ibanez. Nagumpisang maghanap ang naroroon at maging sila ay ganon ang gulat ng marealized na walang anomang security na ang nandoon. Maging ang lahat ng personal bodyguards ng mga kilalang tao ay wala narin duon kaya naman lalong nabalot ng takot ang lahat. Nanlaki ang mata ng mga elite ng mapagtantong wala na ngang anomang security o personal bodyguards sa paligid, pero buti na lamang at nanduon parin ang kani-kanilang reapers at assassins. "Nice trick! Because of the commotion, ngayon lang natin napansing wala na pala ang securities." - iling iling na bulong ng isa sa mga elites habang may ekspresyon na hindi makapaniwala. Siya si Arnold Sy, 32. Isang elite ng underground society. Napailing na lamang din ang katabi nitong isang assassin, isa sa pinagkakatiwalaan ni Arnold Sy. Siya si Akiko. Isang kilalang notorious assassin. "Good bye, sweetie." - Nakakalokong sambit ng babae kay Cristofer na ngayon ay hinang hina na. Habol habol narin nito ang kaniyang paghinga. "Please, not my son..." - pagmamakaawa ng ama maging nang ina. Iyak sila ng iyak dahil wala siyang magawa. Mabilis na kinuha ng babae ang dagger na nakatago sa hinaharap niya, at mabilis at buong lakas na itinarak ito sa ulo ni Cristofer Ibanez. Nagtalsikan ang dugo sa maskara ng babae, kasabay ng pagbagsak ng lalake ay ang malakas na palahaw ng kaniyang ina at ama. Napasinghap ang buong nasa hall. Takot na takot ang lahat, gulat naman ang sumilay sa mukha ng lahat nang kasapi sa underground society. Walang nagnanais magsalita. Lahat ay nanigas sa kanilang kinatatayuan. Maging ang magulang nito na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala na pinatay ang anak nila sa mismong harapan nila. Ngumisi lamang ang babae tsaka nagsimula ng maglakad. Naghawian ang mga tao sa paligid sa takot na madamay sila. Naglakad ito nang prente at taas noo na parang walang nangyari. Walang kinatatakutan. Napangisi si Arnold Sy sa kaniyang napagtanto. "Sa tingin ko, mukhang kilala ko na kung sino siya. Ang babaeng walang takot pumatay kahit pa sa harap nang maraming tao, the one and only...." ".... Alpha." - ngising pagpapatuloy ng assassin na si Akiko. Sabay tingin sa papalabas nang babae. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay sumilay ang malademonyong ngisi sa kaniyang mga labi at sinabing... "This is our wrath for you, thirteen sinners." ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.9K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook