Infernum Mafia, SUBSTATION Virginia, USA “ANY news regarding the two of them?” - tanong ng isang matandang lalake sa dalawang kausap nito na kapwa lalake rin na nakaupo sa tapat ng kaniyang office table. Siya si Gustavo Payne, 65 years old. Siya ang 5th generation boss ng Infernum Mafia na kasalukuyang pinaka malakas na mafia sa buong mundo, na pinaglilingkuran ng Rogue assassins. Kilala siya sa tawag na Señor Gustavo. “Ipinagpatuloy niya ang kaniyang paghihiganti at kung hindi ako nagkakamali, patungo na siya sa dulo kung saan tuluyang magbabago ang takbo ng buhay niya.” - malamig na tugon ng lalake na nakaupo sa kanan. Siya naman si Alfonso Sy, 34 years old. Kabilang sa elites. Kilala ang pangalan nito sa industriya dahil siya ay nagmamayari ng bangko na matatagpuan sa iba't ib

