Central Intelligence Agency (CIA) Virginia, USA “Sir, we received a call from our asset. It's positive, she's alive.” Napailing na lamang ang matandang lalake mula sa balitang narinig. Kahit anong gawin nila, hindi parin mamatay-matay ang babaeng iyon. Napakarami na nilang ginawang hakbang at inutusang tao pero bakit hanggang ngayon ay buhay pa ito. “It's been a year, John, bakit ngayon lang naconfirmed ang bagay na ito?” Mahinang tanong ng CIA Executive Director habang nakasimangot na nakaupo sa swivel chair niya. Lumapit ang assistant nito matapos maisarado ang pinto ng opisina. “There's a leak that popped in our system states that the former CIA ops Alexxa Aragon is alive, aside from that, there's no more. It looks like this unknown informant only warned us about Aragon's existenc

