Chapter 4

1359 Words
Nightmare. NANUNUOD ako ng balita tungkol sa assassination ng vice president ng United States habang natatawang pinanunuod din si David na ginagamot ang sugat niya. Kanina pa siya pawis na pawis, daing dito daing doon, naiirita na nga ako 'e. Ang ingay niya kasi masyado. Sabi ko naman kasi sa kaniya na ako na ang mag gagamot sa kaniya, aba! Tinanggihan ang lola niyo? Kaya naraw niya. Kaya eto, pinapanuod ko siya sa katangahan niya. Nakita kong napupuno na ng dugo ang katawan niya dahil sa bagal niyang kumilos. Kapag nagtagal pa 'to, siguradong ikamamatay niya rin to dahil sa blood loss. Hays! Pasaway na lalake. Mas inuna pa kasing gamutin yung sugat kesa sa tama ng bala. Mas madali raw iyon. "Argh! f**k!" - David Ikalimang pung beses niya ng mura yan sa loob ng isang oras. Malapit na nga siyang kumota 'e. -_- "s**t! Natapos din!" - Narinig kong bulong niya sa sarili niya. Bumuntong hininga siya ng napakalalim, sabay tingin ng nagaalangan sa mga bagay na nasa harap niya. Napapailing ako ng hindi oras sa lalakeng 'to. Para namang hindi siya sanay sa mga ganitong bagay. "Want me to help you?" - I asked him. Mukha kasing hindi niya kaya 'e. "Oh, shut up, Alexxa!" Kitams? Suplado rin ng isang ito. Tsk! Mamatay ka sana diyan. Dahan dahan niyang kinuha ang isang bote ng whisky tsaka isang towel at tinupi ito sa pinakamaliit. Oh, maguumpisa na siya. Eto na! Eto naa! Nilaklak niya ang bote ng whisky ng mahigit 10 seconds sabay kagat sa towel na tinupi niya, sunod niyang ginawa ay ang pinakahinihintay ko. Unconsious niyang binuhos ang natirang whisky sa kaliwang braso niyang may tama ng bala, sabay hiyaaaaw ng napaka lakas na nakapag patawa rin sa akin ng malakas. Literal! "Aaaarrrggghhh! f**k! f**k! f**k!" "Hahahaha! Tangna! Eto talaga ang scene na pinaka gusto ko. s**t! Hahahahaha!" "Your f*****g face David was so goddamn priceless!!! HAHAHAHA!" Pero mistulang wala siyang narinig. Nakita kong medyo kumakalma na siya, nawawala na siguro 'yung sakit. Agad niya ng kinuha yung gunting tsaka dahan dahang tinanggal ang bala na nasa katawan niya. Napadaing muli siya nang malakas. Aww! Oh, well, that was really hurt. Matapos niyang matanggal, nanginginig niya itong nilagay sa bowl na stainless. Kumuha siya ng bandage at mahigpit niyang binalutan ang kaniyang sugat. Tsaka siya muling huminga ng malalim. Hay! Nabored na ako. Obvious naman na ganong eksena parin ang mapapanuod ko dahil may isa pa siyang tama ng bala. Nakakasawa na. Tumayo ako tsaka dumiretso sa kwarto at nahiga duon. Tinitigan ko ang kisame. Bigla ko na namang naalala ang mapait na nakaraan, mapait na dinanas ko, naming tatlo. FLASHBACK TWELVE YEARS AGO I was six years old that time, while David and Shaw were seven years old. Nasa isang silid kami na hindi gaanong kalakihan, halos puro puti ang nakikita namin at walang ibang kulay na makikita sa paligid. Wala ring bintana, tanging isang pintuan lang ang naroroon na kulay puti at isang makapal na gawa sa bakal. Buong paligid ay naka tiles, mula sa simento hanggang sa dingding paitaas, kisame na singputi ng ulap at ilaw na napaka liwanag. Bukod sa aming tatlo na nakagapos, may makikitang isang puting upuan sa harap namin, at isang malaking lamesa na stainless sa gilid. Nababalutan ito ng puting tela at mula roon, nakapatong ang iba't ibang kagamitan na yari sa stainless. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon, pero sigurado ako nun na ikasasakit namin ang mga iyon. Typical lang ang suot namin. Damit ng isang ordinaryong bata. Cartoons ang design ng tshirt at maiikling short na above the knee. Nakatali ang dalawa naming kamay ng magkahiwalay gamit ang bakal at rehas na nakasabit sa itaas. Nakatayo kaming tatlo ng sunod sunod, ako, si David at Shaw, pilit naming pinipigilan ang takot. Si Shaw, takot na takot siya, grabe rin ang panginginig ng katawan niya pero wala akong magawa. Nakatingin lamang ako sa kaniya, awang awa, dahil sa kalagayan namin. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon. Basta, ang alam ko lang, halos 2 years na kami rito, two years na kaming pinahihirapan ng ganito. Bumukas ang malaki at bakal na pintuan. At niluwa nun ang isang amerikanong lalaki na nasa 30's ang edad. Medyo mataba ito, na may hindi gaanong kapalan ang balbas niya. Tumingin ito sa aming tatlo tsaka napailing. Hindi namin siya kilala. Wala kaming kakilala ni isa sa kanilang lahat, pero tanda ko ang mga pagmumukha nila, bawat parte, bawat taas ng pangangatawan nila, maging ang bawat boses, kilos at lakad nila, tandang tanda ko na. Ngunit kahit hindi ko sila kilala, alam kong isa siya sa mga nagpapahirap sa akin, sa amin. At kung hindi ako nagkakamali, thirteen sila, thirteen silang lalake na nagpapahirap sa amin sa hindi malamang kadahilanan. "How many times do I have to tell you not to disobey my rules?" "Didn't I told you not to escape from this island, huh?" Tama ang basa niyo. Nasa isang isla kami, at dalawang taon na kaming naririto. Isang isla na walang sinomang nakakaalam kung nageexist pa nga ba. Walang sumagot ni isa sa amin. Marahil pagod narin kami. Sa loob ng dalawang taon, pang ilang beses naba kaming nagtangkang tumakas? Halos hindi na mabilang. Pero lagi naman kaming nahuhuli. Ganoon katinik ang mga bantay sa islang ito. Lumapit ang amerikanong lalake sa direksyon namin. Narinig ko ang paghikbi ni Shaw, alam kong natatakot na siya ngayon. Kinalas ng amerikano ang bakal na nakatali sa kamay ko. Tsaka ako malakas na sinikmuraan. Napaluhod ako. Napasuka rin ako ng dugo. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa sakit. Narinig ko ang mga palahaw nina David at Shaw. Halos mabingi ako sa lakas ng mga iyak at sigaw nila, huwag daw akong saktan. Pero alam ko namang wala rin kaming magagawa. Tumingin ako kay David, tsaka kay Shaw at ngumiti ng napakatamis. Alam kong natatakot ka Shaw, pero magiging okay din ang lahat. Ang pahiwatig ng mga ngiting iyon ay alam kong maintindihan niya. Marahas na hinila ng amerikano ang buhok ko at kinaladkad ako patungo sa dulo ng silid. Masakit sa anit, pero pinilit kong huwag dumaing, pinipilit kong maging malakas sa harap nina David at Shaw, ng sa gayon, hindi sila panghinaan ng loob. Nakita ko ang isang parihabang bagay na hindi ko naman napansin kanina. Hindi ko alam kung ano ito dahil natatakpan siya ng puting streamer. Pero ang sukat nito ay parang sukat ng isang tao at may taas na hanggang dibdib ko para sa katulad ko noong anim na taon. Tinanggal ng amerikano ang streamer at tumambad sa akin ang isang glass container. Isa itong parihabang sukat na binabalutan ng glass, kaya naman kitang kita roon ang nasa loob. Punong puno ito ng tubig. Binuksan ito ng amerikano, tumapon pa ang ilang tubig dahil sa punong puno ito. Lumapit ito sa akin tsaka marahas na hinawakan ang mukha ko. "I think you need to take a bath, lil kid." - wika nito tsaka ako binuhat at malakas na ibinagsak sa tubig. Agad nabasa ang buong katawan ko. Medyo malalim pala ito para sa katulad ko. Kapag kasi umupo ako, sobrang lagpas na sa akin ang tubig. Bigla akong nagulat ng may nalaglag sa katawan ko. Isang tubig, napakaraming tubig, halos umapaw na ito sa sobrang dami. Agad bumilis ang t***k ng puso ko ng biglang sinara ng amerikano ang takip ng kinalalagyan ko. Nagumpisa na akong magpanic dahil nauubusan na ako ng hininga. Halos walang hangin ang nalalanghap ko at para akong nalulunod sa dagat na hindi makaahon. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pinagpapalo ko ang mga glass, nagmamakaawang palabasin na ako rito. Pero walang nakakarinig sa akin. Nakita ko sina David at Shaw na sigaw ng sigaw, umiiyak na nakatingin sa akin. Bakit ba sila sumisigaw? Bakit umiiyak si Shaw? Anong nangyayari? Hanggang sa bigla nalang dumilim ang paligid. I clenched my fist. Hindi ako titigil hangga't hindi nagbabayad ang lahat. Wawasakin ko ang buhay nila, maging ang programang nilikha nila labing tatlong taon na ang nakararaan. Thirteen wrath especially for the thirteen sinners? I smirked from that thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD