Third Person's Madilim ang aura na naglalakad si Giovanni hawak ng mahigpit ang baril nito sa kamay. Tila wala itong pakialam sa kong sinoman ang nakakakita sa kaniyang mga estudyante na ngayon ay balisa na at nagsimulang matakot sa tuwing nilalagpasan sila ng dalawang hindi kilalang nilalang na ngayon lamang nila nakita sa unibersidad. Dahil matatagal na ang ilang estudyante rito, dali dalian na silang nagtatatakbo patungo sa kani-kanilang mga dormitoryo, maging ang mga professor ay sabay sabay na nagsipanikan sa kanilang mga opisina upang maiwasan na madamay sila. Takot at pagka-bahala ang makikita sa ilan ngunit tila ekpresyon ng pagka-sanay naman sa karamihan. Patungo ang binata sa daan kong saan tinatahak ngayon ng kanilang susugurin. Sasalubungin nila ito at iyon ang gustong man

