I unconsiously woke up and stood up off the bed. Kinuha ko ang jacket na nakahanger sa closet ko at sinuot ito. Tahimik at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Iniiwasang kong gumawa ng kahit na anong ingay. Ayoko lang mambulabog, dis oras na ng gabi 'e. Hindi ko na pinatagal pa ang bawat hakbang ko at diniretso na agad ang main door ng kwarto na 'to. Tahimik ko itong binuksan at isinara. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Pero nung oras na bigla akong nagising, nakaramdam ako ng kakaiba. 'Yung para bang may mangyayaring hindi maganda. Napapraning na siguro ako. Naglakad lakad ako hanggang sa nakalabas ako ng dorm. Napaka tahimik, sobra. Lumapit ako sa pool at tumayo roon. Gusto ko lang magpahangin saglit. Hindi kasi talaga maganda 'yung naramdaman ko kanina. Tapos para bang bigla ak

