Hubad akong nakatitig sa human size mirror na naririto sa kwarto. Katatapos ko lang maligo at magbibihis na sana ng bigla kong maisipang titigan ang katawan ko. Hindi ko alam na ganito pala talaga ako kasexy? This is a perfect hella figure of a woman. Itataas ko na sanang muli ang bathrobe ko ng mapansin ko na naman ang itim na larawan na nakapinta sa likurang bahagi ko. Dahan dahan kong ipinadausdos ang palad ko sa tattoo na nasa kanang bahagi ng likod ko. Medium size lang siya at hindi sobrang laki. Hindi ko maintindihan kung anong nakalagay pero parang dalawang magkasunod na A na magkabaligtad tapos sa baba merong cursive letter na hindi ko mabasa, medyo maliit kasi ang letra na ito kumpara sa dalawang A, tsaka ibang lenggwahe pa ang ginamit. Pamilyar sa akin ang salitang ito pero h

