The Alpha's Downfall. MATAPOS kong masiguro na okay at kompleto na lahat ay bumaba na ako ng kotse ilang metro mula sa tapat ng gusaling pupuntahan ko. Nagsimula na akong maglakad. Taas noong sinasalubong ang mga nadaraanan ko rito sa side walk. Lahat ay napapatingin. Sino bang hindi? 'e sa ganda kong 'to! Miske bulag lilinaw ang paningin kapag nakita ako. Umakyat ako ng hagdan tsaka pumasok sa glass door ngunit hinarang ako ng isang security guard. “Recitar el código.” - seryosong salubong sa akin ni manong guard. (Trans: Recite your code.) “Normal: Gemstone.” - simple kong tugon. Matapos kong sabihin ang code, may kinalikot siya sa maliit na device na hawak niya na kasing size ng iPhone 4 I guess tsaka nagpipipindot duon. They called it Info transmitive device. Makikita duo

