CHAPTER 50

2757 Words

    Bumulusok sa paglipad ang nilalang na Minokawa habang galit na galit na nakatitig sa lumalangoy na si Randy pabalik sa dalampasigan. Daig pa ang malakas na bagyo ang hanging nililikha ng kanyang mga pakpak sa bawat pagpagaspas nito sa himpapawid. Naging maalon naman ang dati'y tahimik na tubig ng lawa ng bulkan dahil sa pag-ahon mula rito ng kanyang napakalaking katawan.     "Bilisan mo Randy! Dali!!!" ang sabi nag-aalalang si Odessa na halos sumuong na sa tubig ng lawa para salubungin ang binata.     "Pasensiya na hindi ko kaagad nasabi na hindi puwedeng galawin ang tubig ng lawa dahil magigising ang Minokawa." ang wika ni Demetria. "Nakakakuha lamang ako ng nektar ng Myrho dito sa lawa sa pamamagitan ng paglipad. Iyon ay kapag nasa anyong kuwago ako." Dagdag pa niya.     "Sana sin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD