Pagka-akyat ni Odessa sa bunganga ng bulkang Pinatubo ay kitang-kita niya ang pagkahulog ni Demetria sa dagat. Hindi niya inaasahan na ganoon kalakas ang Minokawa at iyon ang unang pagkakataong nakaharap nito ang dambuhalang ibon. Pilit niyang inalala ang mga naririnig niyang kuwento mula kay tandang Ursula tungkol sa Minokawa. Katulad ng Bakunawa ito ay naaakit din sa mga maliliwanag at kumikinang na bagay. Pero paanong dito sa lawa ng Pinatubo tumira ang Minokawa? Ang kwento ni tandang Ursula ay halos kasing-laki ito ng isang isla. Pero ang nakaharap nila ay tila maliit kung ikukumpara sa alamat na ikwinento sa kanya. Naalala pa niya kung paano ilarawan sa kanya ni tandang Ursula ang tungkol sa Minokawa. Tila narrinig pa rin niya ang boses ng matandang babaylan: Ang sabi ng amin

