CHAPTER 15

3669 Words

    Hindi inasahan ni Odessa ang naging aksiyon ng matandang aswang na si Impong Amasale sa kanya. Hindi siya nakahanda sa pagdagit nito sa kanya habang sinasabihan niya si Laurea na tumakas na kasama ang kaibigang si Calisha. Ramdam niya ang pagbaon ng mga matutulis na kuko ng matandang aswang sa mga kalamnan sa kanyang balikat. Hindi niya maigalaw ang mga kamay habang patuloy sa pagdaloy ang sariwang dugo mula sa mga sugat niya. Tagos hanggang laman ang pagkakatusok ng mga kuko ng aswang sa kanya habang inililipad siya paitaas sa ibabaw ng mga madidilim na ulap sa himpapawid. Nasa kamay pa rin niya ang Eskrihala at pilit na hinawakang mabuti para hindi mahulog ang mga ito mula sa kanyang mga kamay. Alam ni Odessa na ang Eskrihala lamang ang magliligtas sa kanya sa kamay ni Impong Amisale

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD