CHAPTER 16

2397 Words

    Patuloy sa pagbagsak ang naglalabang sina Odessa at Impong Amasale sa bunganga ng nangangalit na bulkang Taal. Nakamasid sa kanila mula sa kalangitan ang pulang buwan na tila nais makita ang kahihinatnan ng kanilang labanan. Unti-unting bumabaon na sa kamay ni Impong Amasale ang mahaba at payat na espadang bahagi ng Eskrihala. Ngunit malakas pa rin ang matanda sa kabila ng unti-unting pagbaon ng latigong Eskrihala sa kanyang leeg. Patuloy namang sumusunog sa leeg ng matandang aswang ang latigong Eskrihala na humihigop din sa kanyang lakas.     "Hinding-hindi mo ako matatalo babae! Wala pang sino man ang nakakatalo kahit na sino man kay Amasale." pasigaw na wika nito kay Odessa na nagngingitngit pa rin sa galit. "Walang sino man ang makakatalo sa akin, ikaw pa na isang baguhan pa laman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD