Ipinikit ni Odessa ang kanyang mga mata at pilit na tinitiis ang hapdi ng unti-unting pagkalapnos ng kanyang balat habang bumubulusok ito sa bunganga ng bulkang Taal. Tanggap na niyang iyon na marahil ang kanyang katapusan, dahil wala ng ano mang paraan para makaligtas pa sa pagkakahulog sa bunganga ng bulkan. Nagsimula na ring umusok ang buong katawan at nasusunog na ang kanyang balat dahil sa sobrang init ng singaw pinakawawalan ng nito. Halos isang daang metro na lamang ang layo niya sa bunganga ng bulkang Taal at mabilis pa rin ang kanyang pagbagsak. Katulad ng kanyang ginagawa kapag pumapatay siya ng mga anak ng buwan, ay binibilangan niya ang bawat mga segundong lumilipas para talunin ang kanyang mga nakakalaban. Ngunit sa pagkakataong ito ay ang nalalabi niyang sandali ang kanya