Sapong-sapo ni Claudius ang kanyang baba sa pagkakaupo sa loob ng kanyang opisina. Iniisip niya ang mga susunod na hakbang na gagawin para matupad na ang mga ito. Para sa kanya ay dumating na ang tamang oras para kunin muli ang daigdig sa kamay ng mga tao. Matagal silang nanahimik at nagkubli sa ilang daang taon na kanilang hinintay upang isagawa ang kanilang mga balakin na sa wakas ay maisasakatuparan na nila simula bukas. Inatasang mamuno si Claudius dito sa Pilipinas kasama ng iba pang tulad niya sa iba't-ibang panig ng mundo. Itinalaga sila ng mga nakatataas na opisyal ng pandaigdigang samahan ng mga anak ng buwan. Tinawag nila ang kanilang samahan na La Liga delos Niños dela Luna (League of the Children of the Moon) na pinamumunuan ng pinakamatanda at pinakamakapangyarihang a

