Tanging mga ilaw na nagmumula sa mga sulo ang nagbibigay liwanag sa daan palabas sa basement ng mansiyon ni Claudius. May kagaspangan ang sahig at mamasa-masa ito. Kaunting pagkakamali sa pagtapak ay maari kang madulas at bumagsak sa sahig. Hindi hadlang kay Demetria ang medyo madilim na daan. Isa siyang anak ng dilim at ilang daang taon na siyang naging bahagi nito. Sa kanyang likuran ay dinig na dinig ang mga naghahabulang mga pares ng paa at alam niyang siya ang pakay nila. Hindi pa tuluyang nanunumbalik ang kanyang lakas kaya hindi pa niya kayang makapagpalit ng anyo. Sa gawing kaliwa ay nakita niya ang isang pasilyo. Kahit hindi sigurado ay lumiko siya roon at inakyat ang hagdanang maaaring papanhik sa unang palapag ng mansiyon. "Lagot tayo kay panginoong Claudius kapag

