Kahit na nakaalis na sa parking lot ang magkakapatid na Adrian, Margaux at ang isang-taong gulang na si Jhayvee ay hindi pa rin nawawala ang ang kanilang takot sa mga pangyayari. Mabilis ang pagpapatakbo sa SUV ng lalake at pilit na iniiwasan ang mga sasakyang kung hindi nasusunog at nakabaligtad sa kalasada ay nagkandayupi-yupi ang mga ito sa pagkakabangga. Nakapanghihilabot ang bawat eksena na kanilang nadadaanan. Nagkalat ang mga bangkay na kung hindi bukas ang dibdib at tiyan ay nagkalat naman ang nagkahiwa-hiwalay na parte ng mga katawan ng mga ito. Tahimik ang lahat ng nasa loob ng sasakyan. Mabilis pero maagap ang pagpapatakbo sa sasakyan ng lalake habang binabagtas ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Maraming mga tao pa rin ang nagtatakbuhan sa kalsada at naghahanap ng ligtas

