Chapter 2

2024 Words
Chapter 2 Jayden Grey is one of the eligible bachelor in the Philippines. His business is the Grey estate. It is a land ownership properties. He have two hundred farmlands in the Philippines at the very young age. Not to mention his other successful business including building and house rentals. But no one ever saw him. He have assigned persons to act on his behalf. "Primo! Magaling na si Petra.." Nakangiting balita sakanya ni Manong Carding. Ito ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa maliit na baryong ito na isa sa mga pag aari niya. Kadalasan kasi ay siya mismo ang namamahala sa kanyang mga negosyo tuwing may oras siya. Lalo na't hobby niya talagang mamuhay sa mga probinsyang pagmamay-ari niya. Nag lalaan siya ng oras at panahon para makapag bakasyon siya ng ilang araw sa kanyang mga lupain. Ngayong linggo na ito ay narito siya sa "Bariyo Mapagkumbaba" A small town where people are always happy. They are all friendly honest and polite. Kaya naman itong bariyo na ito ang pinakapaborito niya sa lahat ng kanyang pagmamay-ari. Primo --ang tawag ng mga ito sakanya simula pa noon dahil ang ibig raw sabihin noon ay aming mahal na amo. Kaya naman natuwa siya sa kanyang palayaw. He loves people. He loves nature. Kaya naman dito niya natatagpuan ang kanyang sarili tuwing mayroon siyang libreng oras kahit pa napaka-busy niya sa kanyang ibat-ibang negosyo. He's only twenty six years old. Sabi ng iba napakagwapo raw niya at dahil matangkad rin siya ay talaga namang total package raw siya sabi ng karamihan sa mga nakikilala niya. Kaya kahit maruming t-shirt ang kanyang suot ngayon at isang lumang pantalon ay talaga naman napapatingin parin sakanya ang mga kababaehan sa bariyo na iyon. Nangangarap ang nga ito na balang araw ay magustuhan niya ang mga ito Kung babae ang pag uusapan. Wala siyang oras sa romantikong bagay. Masyado siyang busy para sa bagay na iyan. But he loves s*x. He's a little bit playboy. Marami-rami na rin kasi siyang nagiging kalandian. Not to mention his ex-girlfriend Miles. Ang nag iisang babaeng ex-girfriend niya. "Salamat Mang carding. You're the best" Tinapik niya ang balikat ni mang carding bago i-abot dito ang dalawang libo. "Naku Ser masyado naman hong malaki--" "Keep it. You deserve it" Nakangiting sagot niya kay Mang carding. Ginamot kasi nito ang sugat sa paa ng paborito niyang kabayo na si Petra. "Maraming salamat Primo. Hulog ka talaga ng langit" Todo pasasalamat sakanya ni mang carding bago ito nagpaalam sakanya Naiwan siya sa kwadra ni Petra habang hinahaplos niya ang ulo nito. "You missed me? Pinag-alala mo ko" Nakangiting sabi niya sa kanyang alagang kabayo. Napapangiti naman ang mga babae sa loob ng kwadra habang kausap niya si Petra. "Primo napakaswerte naman ng alaga mo. Sana naging kabayo nalang ako" Sabi ng isang babae habang nangangarap itong maging kasintahan niya Naroon ang mga ito dahil ito ang mga taong nag aalaga sa kanyang mga kabayo. Trabaho ng mga itong alagaan ang mga iyon. He have fourteen horses in this town. Kilala siya sa buong bariyo bilang may ari ng lugar na iyon. Siya rin ang nagpapasahod sa mga ito at nag bibigay kabuhayan sa lahat ng naroon. "Kayo talaga. Magagalit ang mga asawa niyo niyan" Biro niya sa mga babaeng nagpapacute sakanya. Halos araw araw nalang nagpapacute ang mga ito sakanya upang mapansin niya Lalo atang kinilig ang mga ito dahil sa kanyang killer smile. "Single kaming lahat basta't para sayo" Kinikilig pang sabi ng isa Napapa-iling nalang si Primo at kinalagan na niya si Petra. "It's time to go home" Sabi niya sa kanyang alagang kabayo bago siya sumakay rito. Kailangan na niyang umuwi sa kanyang bahay sa bariyo na ito dahil malapit ng magdilim. Mayroon siyang simpleng bahay sa bandang tuktok ng burol. Simple lang iyon at hindi katulad ng kanyang condo at mansyon sa Manila. Nagsasawa rin kasi siya paminsan minsan sa marangyang buhay at nais niyang maranasan ang simpleng buhay dito sa bariyo mapagkumbaba. "Bye Primo. Mahal na mahal ka namin!" Kumaway pa ang mga babae sakanya ng magsimula na niyang patakbuhin si Petra. "Bye mga binibini" Kinindatan niya pa ang mga ito kaya naman halos maglupasay ang mga ito sa sahig sa sobrang kilig. This town have no signal. Walang internet at hindi rin uso ang cellphone. Para bang bumalik ka sa 1900 sa lugar na ito dahil napakasimple lang ng buhay doon. Inabutan na si Primo ng ulan habang nakasakay siya sa kanyang kabayo. Madilim na ang paligid dahil ayaw niyang patakbuhin ng mabilis si Petra. Kakagaling lang ng sugat nito kaya ayaw niya itong pahirapan. Basang basa na ang kanyang t-shirt kaya naisipan niya nalang iyon hubarin mas lalo lang kasi siyang giniginaw. Napakunot ang kanyang nuo ng matanaw niya ang isang babae na nakasuot ng kulay puti. Matatakot sana siya dahil iisipin niya white lady ito. Ngunit biglang umilaw ang kotse sa tabi nito. "I hate you Michelle! From now on kakalimutan na kita! I'll be better person now!" Sigaw ng babae. Hindi niya maaninag ang mukha nito ngunit napangiti siya dahil maganda ang hubog ng katawan nito. Basang basa na rin kasi ang damit ng babae kaya naman nakikita niya ang kurba ng katawan nito. Nanlaki ang kanyang mata ng may pindutin ito na maliit na remote control upang magtuloy tuloy sa bangin ang kotse nito "What the?" Nanlalaking matang gulat ni Jayden sa kanyang nasaksihan Bumagsak ang kotse nito sa bangin at agad iyong nagpagulong gulong. Sumabog ang kotse nito at halos mabinge siya sa lakas ng pagkakasabog nito. Natakot si Petra sa pagkakasabog ng kotse kaya naman bigla itong tumakbo ng mabilis. Nahulog siya dahil hindi siya naka-kapit ng maayos. Mabuti nalang at hindi naman siya napuruhan. Nasaktan lang siya dahil gumulong rin siya ng kaunti at nagkaroon siya ng sugat sa kanyang braso at likuran "f**k! f**k!" Mura niya dahil sa pagkakahulog niya Napatingin tuloy ang babae sakanya at nakita nito ang pagtakbo ni Petra palayo sakanilang dalawa. "Who are you?!" Galit na tanong sakanya ng babae. Mukhang natakot ito sakanya. "Ikaw ang tatanungin ko! Sino ka?! Bakit mo pinasabog ang kotse?! " Sunod sunod na tanong niya habang tumatayo siya Napalunok ang babaeng kaharap niya ng mapatingin ito sa magandang katawan niya. Mahina nalang ang ulan sa mga oras na iyon. At medyo nakikita niya na ang mukha ng babaeng kaharap niya. Nakakatakot ang mukha nito dahil kumalat sa eyebags nito ang itim na eyeliner at napakagulo rin ng buhok nito. Ngunit kapansin pansin na maganda parin ito. Parang pamilyar sa kanya ang mukha ng dalaga. Lumapit siya sa babae dahil napatulala ito sa mga abs niya. "Hoy. Tinatanong kita. Who are you?" Kunot nuong tanong niya. Tila doon palang ito nagising sa pagkakatulala sa magandang katawan niya. Nanlaki ang mga mata nito at bigla nalang itong nagsisisigaw. "Maniac! My gosh pervert! Help! May Rapist!" Sigaw nito Napakunot lalo ang kanyang nuo dahil sa pagsigaw nito. Agad niyang tinakpan ang bibig nito. "Anong sinasabi mo?! I'm not rapist okay?!" Sigaw rin tuloy niya para tumahimik ito. Unti unti naman itong kumalma. "Why are you nakabuhad?! My gosh! Are you going to kill me? Are you--" "Shut up!" Napatahimik naman ito dahil sa kanyang kasupladuhan. "I'm not a rapist okay? Taga rito ako. But wait.." Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng babaeng nasaharapan niya "Don't look at me like that--" Reklamo ng babaeng maarte. "Kilala kita ha?" Kunot nuo paring sabi niya ngunit unti unti na niyang nakikilala ang babae habang tinititigan niya ng mukha nito. Hindi siya maaring magkamali dahil kilalang kilala niya ang babaeng ito. It's the only daughter of Jerome Hoffman! Sikat na sikat ang buong pamilya nito sa buong Pilipinas infact mayroon rin siyang partnership sa business ng pamilya nito kaya impossibleng magkamali siya. Kilala sa buong Pilipinas ang pamilya nito lalong lalo na ng mga business minded person na katulad niya. "You know me?" Nakataas ng kilay na tanong nito sakanya. "Your the only daughter of Hoffman" Maiksing sagot niya bago nanlaki ang mga mata nito. "Oh! I'm so sikat talaga! Yeah its me! Michelle Hoffman. But hey don't ever tell anyone as in anyone about me! " Naglabas ito ng isang libo mula sa wallet nito. "What's that?" "Duh? Edi money! It's my payment for your mouth. You will never tell anybody about me. Understand?" Maarteng sabi nito sakanya kaya napangiti tuloy siya "Are you crazy or what?" Napanguso naman ito sa inis dahil tila pinagtatawanan niya ito. "I'm not crazy!--" "Bakit mo hinulog yung kotse mo?" "Because i want them to think na patay na ako. I don't want to go back there anymore!" "Why?" Unti unti naman itong umiyak sa kanyang harapan. Ang lakas nitong umiyak kaya nataranta siya. "Because everybody is laughing at meeeeeeee!" Malakas na iyak nito. Napapakamot nalang siya sa kanyang kilay dahil para itong batang umiiyak sa kanyang harapan "Today is my wedding day. Pero hindi na natuloy because of that bastard! He said hindi niya ako kayang maging asawaaaaaaaa" Lalo pang napahagulgol ang babae sa kanyang harapan "Then?" "Napahiya nako sa lahat ng followers koooooo" Pinigilan niyang mapangiti. Lalo kasing lumakas ang pag iyak nito. "I don't want to go back there anymore! Please help me. I will pay you. Just help me okay?" Pinunasan nito ang sariling luha bago ito tumigil sa pag iyak. Kung gaano ito kabilis umiyak kanina ay ganoon rin ito kabilis tumigil Sa tingin niya tuloy ay parang baliw ang babaeng kaharap niya. Sayang lang dahil napakasexy pa naman nito. "I want to start a new life!--" "Pero mali yang ginawa mo. Mag aalala sayo ang family mo--" "Babalik rin naman ako sa kanila after kong maging better person. I just want to say good bye to my old self. G-Gusto kong matuto paano maging mabuting tao" Tila nakuha nito ang interest niya sa huling salitang sinabi nito. "You want what?" Kunot nuong tanong niya "I'm a spoiled wasted rich girl. Iyan ang sabi sakin ni Carlo--" "Who's Carlo?" "My run away groom" Napapalabi nitong sagot sakanya Hindi malaman ni Jayden kung seseryosohin niya ba ang drama sa buhay ng maarteng babaeng kaharap niya o hindi. "Everything he said is true. I'am nothing. I don't know anything about life. Hindi ako marunong magluto maglinis maglaba at wala akong trabaho panay hingi lang ako ng money kay mommy and daddy. Lahat yun totoo. I'm a wasted person and i want to change myself. " Muli itong napaiyak "Fine. I can help you. Kailangan ko pa naman ng katulong ngayon" Nakangising sabi niya kaya mas lalong umiyak ang babae "I don't want to be a maid!!!!" Hindi niya mapigilan matawa ng malakas dahil sa kaartehan nito. "You want my help or not?" Nag isip pa ito ng ilang beses bago ito napatango. Wala itong choice kundi magpatulong sakanya "Sige help me." "Say please" Pang aasar niya pa sa babae Pina-ikot naman nito ang mga mata nito. "Please! babayaran naman kita eh!" Maarte nitong sabi sakanya "Lahat ng gusto mong matutunan ituturo ko sayo. Pero ayoko ng masyadong maarte." Lalo naman sumama ang tingin ng babae sakanya "Okay fine. Just don't tell anyone about me please?" "Alright" Mukhang nakahinga naman ito ng maayos. "What's your name?" Mataray na tanong nito sakanya "Primo" "Eww. It's so baduy" Napapa-irap pang sabi nito kaya naman napapangiti tuloy siya sa kaartehan nito "Nasaan ang house mo? I need a place to--" "I know a place where you can stay. Two thousand pesos per month" Suwestiyon niya. Hindi niya ito papatirahin sa bahay niya dahil baka maging issue pa iyon "What? Presyo lang iyon ng lipstick ko ha? Are you sure two thousand pesos lang?? Baka may rats diyan or spiders--" Napabuntong hininga nalang siya sa kaartehan ng babaeng ito. "Kung ayaw mo huwag mo. Diyan ka na nga" Naiinis na kasi siya sa kaartehan nito "Wait! Fine! Sasama ako!" Hinabol siya nito "Papayag ka rin pala ang dami mo pang arte." "Where's your car?" "Nakita mo yung kabayong puti kanina? Iniwan ako dahil sa pagsabog ng kotse mo" Nanlaki ang mga mata nito. "Oh no! You mean lalakad lang tayo?!" Hysterical nitong tanong sakanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD