Chapter 1

2213 Words
Chapter 1 Hindi mabilang ni Michelle kung ilang beses na ba siyang napapalunok kasabay ng walang tigil na pag kabog ng kanyang dibdib. Panay rin ang dasal niya sa mga oras na iyon. "No.. Please Carlo.. Don't do this to me" habang pinapakalma niya ang kanyang sarili ay nakatutok siya sa kanyang cellphone. Ilang ulit na niyang tinatawagan ang numero ni Carlo ngunit cannot be reach ito. Hindi niya rin maiwasan mag-alala para dito. Halos mag iisang oras na siyang naka-upo sa loob ng kanyang white limousine bridal car habang hinihintay niya ang abiso ng kanyang wedding planner kung lalabas na ba siya doon Ngunit mag iisang oras na siyang naroon ay hindi parin dumadating si Carlo kaya't hindi parin masisimulan ang kanilang kasal. Today is her wedding day. She will marry Carlo Estrello the famous painter in the Philippines. Wala naman silang problema sa kanilang relasyon ngunit bakit tila umaatras na ito? O baka naman na-aksidente ito? Hindi mapakali si Michelle sa loob ng kotse at panay rin ang pag silip niya sa labas ng bintana. Maraming tao ang nagkakagulo sa labas dahil hinahanap na ng mga ito si Carlo. Walang nakaka-alam kung nasaan ito! Pinahahanap na rin ito ng mga tauhan ng kanyang pamilya. "Oh my gosh. Don't do this to me Carlo you're son of a b***h" Napapamura na siya sa inis. Tumatagaktak na rin ang kanyang pawis at nasisira na tuloy ang kanyang napakagandang makeup ngayon. Napakamahal pa naman ng binayad niya sa hair and makeup artist niya ngayong araw na ito. No one can do this to her! Not on her wedding day! She's Michelle Hoffman for heaven's sake! Ang nag-iisang unica-hija ng pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas! Hindi maaaring mapahiya ang isang katulad niya! What will her friends say after this?! Ngayon palang ay nababaliw na siya sa pag-iisip na maari siyang pag-fiestahan sa internet! Lalong lalo na ng mga followers niya! "Oh noo! C'mmon Carlo don't do this!" Gusto na niyang ipukpok ang kanyang cellphone at ihagis iyon sa labas dahil sa sobrang inis niya kay Carlo How dare him to do this to the one and only Michelle Hoffman?! Kung alam niya lang na gagawin ito ni Carlo sakanya ay hinding hindi na niya ito babalakin pang pakasalan! Five months palang ang kanilang relasyon ni Carlo at siya mismo ang nagsabi kay Carlo na magpakasal na sila. Because Carlo wants to have s*x with her! Gusto niyang ikasal muna sila bago nito makuha ang virginity niya. Ngunit hindi niya akalain na maduduwag ito ngayong araw! Maya maya pa ay nagulat siya ng mag ring ang kanyang cellphone at si Carlo ang tumatawag doon! Nanginginig pa ang kanyang kamay ng sagutin niya iyon. "What the hell Carlo?! Where are you?!" Singhal niya agad kay Carlo ng sagutin niya ang kanyang cellphone "I-I'm sorry Mich. I-I can't marry you" Nanlaki ang kanyang mata dahil sa sinabi nito. Para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa sa bawat salitang sinabi nito "W-What?! No way! How dare you to do this to me?!" Sigaw niya at sunod sunod ng pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata "Please Mich. Hindi ko kayang magpakasal sayo--" "Asshole! You should told me that before! Ano nalang sasabihin ng mga followers ko?! Pagtatawanan ako ng mga friends ko! My gosh Carlo! How can you do this to me! Did you know how much this wedding cost?! And my gown it's from france--" "That's the reason i don't want to be your husband! You don't love me Mich. You just love the idea of getting married! Hindi mo nga sigurado kung mahal mo ako--" "Dambass! Ofcourse i love you! And i know you love me too. I'm Michelle Hoffman for goodness sake! Napakaswerte mo na nga at ako ang magiging asawa mo--" "No mich. I don't love you. Hindi ko kayang maging asawa ang isang tulad mong spoiled brat na walang alam sa buhay kundi magpaganda! Did you know how to cook?--" "No but i have maids! I have money--" Tumawa si Carlo sa kabilang linya dahil sa kanyang sinasabi. "See? Did you know how to do the dishes? How to clean the house?--" "Asshole! What are you talking about?! Marami akong pera! I can pay--" Nag iinit na lalo ang kanyang ulo dahil sa sinasabi sakanya ni Carlo "You are nothing Mich. Wala kang alam sa buhay! Wala kang kwentang tao! You are just a spoiled wasted richgirl! Hindi ko na nga matagalan ang pagiging maarte mo ngayon palang! Sorry to say this but go to hell Mich!" Halos mabinge si Michelle sa lakas ng boses ni Carlo ng sigawan siya nito sa kabilang linya bago nito ibinaba ang tawag. Parang sinaksak siya ng kutsilyo ni Carlo sa kanyang puso sa mga binitawan nitong salita. Nadurog ang kanyang puso at pagkatao! "Bullshit Carlo! You're an asshole!!" Sumigaw siya ng malakas bago niya binato ang kanyang cellphone sa labas ng bintana! Nawasak ang kanyang cellphone ng tumama iyon sa semento. Nagtinginan lahat ng mga tao sa labas ng simbahan sa kanya. Napahagulgol na siya sa loob ng kotse dahil hindi niya matangap na hindi siya sinipot ni Carlo sa araw ng kanilang kasal. Lahat ng mga kuya niya ay nagsilapitan sa kanyang bridal car "Are you okay mich?!" Nag aalalang tanong ng mga ito. Pumasok sa loob ng bridal car niya ang kuya Zach at kuya Kenjie niya. Niyakap agad siya ng dalawang kuya niya samantalang nasa labas naman ng bridal car niya ang iba pang mga kuya niya. "What happened Mich?" Tanong ni Angelo habang nakasilip ito sa loob ng kotse at nag aalalang nakatingin sakanya "He's not comi-meeeeeeeng!" Parang bata siyang umatungal ng malakas at nagpapadyak siya sa inis. Napakapangit tuloy ng kanyang mukha habang ngumangawa siya. Para siyang batang nag-tatrantums habang umiiyak siya. "What the f*ck." Napapamurang sabi ni Kenjie medyo natatawa ito dahil para siyang batang inagawan ng kendi kung umatungal. Ngunit pinigilan lang ni Kenjie ang matawa. Nagkatinginan nalang si Zach at Kenjie na para bang mapapahalakhak ng tawa dahil sa lakas ng pag iyak niya Nagpipigil rin sa pagtawa ang ibang kuya niya sa labas ng bridal car. "What will i do now?! My goodness! Paano na ang image kooo?! Oh nooooo kuyaaaaaa!" Atungal pa ni Mich dahil hindi na niya kayang pigilan ang damdamin niya. Iniisip niya palang na pagtatawanan siya ng mga followers niya ay nanghihina na siya. "Mameeeeeeeeee!" Iyak ni Michelle ng pumasok si Mrs.Hoffman sa loob ng kotse at niyakap agad siya nito "Shhhh my baby. Shhhhh. It's okay darling--" Napangiwi si Mrs.Hoffman ng mas lalo pang lumakas ang pag iyak niya. Yumakap siya sa mommy niya at doon siya mas lalong ngumawa "Mameeeeeeee! What will i do mommy?!" Wala na siyang paki-alam kung napaka-panget niyang umiyak ngayon. Nagtatawanan na rin ang mga kuya niya habang nakatingin sakanya "Shhh darling it's okay. Marami pa naman diyang ibang lalake anak--" "I know mom! I don't care about Carlo anymore! What is important to me right now is my precious beautiful name! Pagtatawanan ako ng mga tao mommy! Do something! Oh my please! How dare him to do this to me!" Napapangiti rin si Mrs.Hoffman habang hinahagod nito ang kanyang likuran. Masaya pa nga ito dahil hindi natuloy ang kanyang kasal. Alam ng mommy niya na hindi naman talaga niya mahal si Carlo at gusto niya lang maranasan ikasal. Naiingit kasi siya sa kanyang mga kapatid na panay may mga asawa na ngayon. She just want to wear her million dollar wedding dress! Gusto niya lang iyon ipagmayabang sa mga friends niyang mayayaman na ikinasal na. Ngayon tuloy ay pagtatawanan siya ng mga ito dahil sa ginawa ni Carlo sakanya. Lahat pa naman ng friends niya ay ininvite niya sa kasal na ito. Anong mukha nalang ang ihaharap niya sa mga ito?! "Mich nag aksaya ka lang ng pera" Natatawang sabi ni Kenjie sa kanyang tabi kaya pinalo niya ito "Shut up kuya!" Lalo naman nagtawanan ang mga kapatid niya. Sinenyasan lang ito ng kanyang mommy na huwag siyang pagtawanan dahil mas lalo siyang umiyak. "Mommy uwi na tayo! Right now!" "Okay okay darling. We will go home now" "Sayang yung hairstyle mo oh?" Pang aasar ni Kenjie sakanya at pinalo naman ito ng mommy niya sa braso nito "Dun na kayo. Huwag niyo ng asarin ang kapatid niyo." Natatawa si Kenjie at Zach ng lumabas na ang mga ito sa kotse. "Sayang yung food sa reception. I will tell everybody to take home the food" Sabi naman ni Miguel "Alright son. Kayo na ang bahala diyan. Mauna na kami ni Mich sa mansyon" Sagot naman ng mommy niya bago sila umuwi sa mansyon sakay sakay ng kanyang bridal car Pinagtatawanan siya ng mga tao dahil sa nangyari sakanya. May mga pictures rin siya na kumakalat agad sa internet habang umiiyak siya sa kotse niya. Akala ng mga tao biro lamang sakanya ang nangyari dahil imbis na maawa ay pinagtatawanan siya ng mga ito. They said, Karma iyon ng isang katulad niyang spoiled brat. Akala rin ng pamilya niya balewala sakanya ang nangyari. Because she cried like a baby. But deep inside her, She was totaly broken. Napakasakit ng mga sinabi ni Carlo tungkol sa pagkatao niya. Paulit ulit iyon sa kanyang utak habang nakahiga siya sa kanyang napakalaking-princess bed. You are nothing Mich. Wala kang alam sa buhay! Wala kang kwentang tao! You are just a spoiled wasted richgirl! You are nothing Mich. Wala kang alam sa buhay! Wala kang kwentang tao! You are just a spoiled wasted richgirl! You are nothing Mich. Wala kang alam sa buhay! Wala kang kwentang tao! You are just a spoiled wasted richgirl! Napasigaw na siya sa sobrang sama ng kanyang loob. Napakasakit ng mga sinabi ni Carlo sakanya. Ngunit narealize niyang totoo ang lahat ng sinabi ni Carlo kaya siya nasasaktan ng husto. Totoo ang mga sinabi nito. Wala siyang kwentang tao. Hindi nga siya nag aral ng mabuti dahil pera lamang ang pina-andar niya upang magkaroon siya ng college degree. Wala rin siyang trabaho ngayon dahil panay ang bigay sakanya ng pera ng parents niya. She's a happy go lucky girl. Spoiled talaga siya sa parents niya dahil nag iisa lamang siyang babaeng anak ng mga ito Ultimo panty niya ay may tatak ng Louis vuitton! Hindi siya nag susuot ng unbranded. She wants luxury! Ngunit kahit piso ay wala naman talaga siyang pinaghirapan sa mga iyon. May sampu siyang ibat-ibang luxury cars. Sa tuwing mayroong bagong model na sisikat ay pinapabili niya iyon sa mommy niya. Mayroon rin siyang condo na kapresyo na ng magarbo at malaking bahay sa Pilipinas. Regalo iyon sakanya ng kuya Angelo niya noong 18th birthday niya Wala siyang ginawa kundi mag post ng selfies sa f******k and ** account niya. Panay rin ang pag iikot niya sa ibat-ibang bansa upang maglustay ng pera. Ang pera ng mga magulang niya. Tumayo siya sa kanyang kama at nagtungo sa kanyang dressing room. Malaki ang dressing room na iyon na punong puno ng mga branded clothes bags shoes and watches na mga collections niya. Name it and she have it. Because she is Michelle Hoffman and she have everything! Hindi siya nagpapatalo sa mga friends niya lalo na sa pagandahan ng mga gamit at damit. Tinignan niya ang ibat-ibang pares ng sapatos na mayroon siya. Ibat-ibang luxury bags din ang naroon sa loob ng dressing room niya. Prada Gucci Hermes Chanel Dior Bvlgari Coach Valentino And everything! She have it! All the luxury bags and shoes! Daig niya pa ang may ari ng isang mall sa sobrang dami ng kanyang collection. Halos mapuno na nga ang dressing room niyang iyon na halos tatlong kwarto ang laki. Napakagastosera niya at paborito niyang magshopping ng mga luxury things. Napahagulgol siya ng maisip niyang muli ang mga sinabi ni Carlo sakanya habang tinitignan niya ang mga gamit doon. You are nothing Mich. Wala kang alam sa buhay! Wala kang kwentang tao! You are just a spoiled wasted richgirl! Totoo ang sinabi nito. Dahil kahit isa sa mga iyon ay wala siyang binili mula sa kanyang sariling pera. Dahil kahit isang beses ay hindi pa naman siya nakakapagtrabaho upang magkaroon siya ng pera. Panay hingi lang siya ng pera sa kanyang magulang. Lumaki siya sa united states and Canada na sinusunod lamang ng mga maids ang bawat iutos niya kaya wala siyang alam sa gawaing bahay. Masakit at tinamaan siya sa bawat salitang sinabi ni Carlo sakanya. Tila nagising siya sa pagiging spoiled brat niya at napag isip isip niyang wala nga siyang kwentang tao. Hindi niya alam kung anong sumapi sakanya basta't kinuha nalang niya ang susi ng isa sa mga kotse niya at nagmaneho siya palabas ng mansyon dala dala lamang ang kanyang prada pouch bag and wallet. Suot suot parin niya ang kanyang wedding dress ngunit maiksi nalang iyon dahil tinangal na niya ang mahabang tela na kinakabit lamang sa bewang niya. Itong mini white dress na ito sana ang isusuot niya para sakanyang after party kung saan mag iinuman lang sana sila ng champange after her wedding at magpaparty buong gabi. Ngunit hindi na iyon natuloy dahil sa pagatras ni Carlo sakanilang kasal Pinaharurot niya ang kanyang kotse at hindi niya alam kung saan niya ba balak pumunta. Gusto lamang niya makalayo sa kahihiyan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD