Hailey's Pov.
"Di paba tapos?" Bulong ko sa aking sarili habang nakaharap sa pinto ng SSG office. Kasalukuyan kaseng nag memeeting ang mga SSG Officers sa paparating na intramurals at ako naman ay naghihintay kay Noah kase siya na daw ang maghahatid sakin sa bahay. Baka daw kasi mapano pa'ko sa daan eh ang lapit lang naman ng bahay namin dito sa school. Engot.
It's almost 3months when Alexander confess to me and start courting me. Grabee hanggang ngayon medyo hindi pa nadidigest ng utak ko lahat ng nangyare. Isang lalakeng cold ang treatment sa ibang estudyante, gwapo, matangkad, at matalino na SSG President ay magkakagusto sa isang katulad ko? C'mmon nanaginip padin ba akoo huhu well wag na sanang magisinggg.
Nung nakita at narinig din ni Cassandra ang sudden confession sakin ni Noah ay di rin makapaniwala. Sinampal ba naman ako if I'm nananaginip daw siya. Baliktad nga eh kasi diba dapat sarili niya ang sasampalin niya?? Langyang babaeng yon kung hindi ko lang siya siguro bestfriend nasampal ko na din yon mga 200 degree pak!
Tumalikod muna ako sa pinto at pumunta sa gilid sana upang umupo ng biglang naramdaman ko ang isang mainit na yakap at amoy na amoy ko ang pabango nito na hindi maaamoy sa ibang mga estudyante dito. Nakaka hipnotismo ang amoy ng pabango niya na nababagay din naman sa kanya.
"Baby..." Bulong nito malapit sa tenga ko na siyang ikinatayo ng balahibo ko dahil sa hangin na nagmula sa bibig niya. Kinilig ako sa paraan ng pagyakap niya na yon at napangiti ng patago.
"O-oh B-bakit?" utal kong tanong dahil sa biglaang pagyakap niya sakin.
"Kinikilig kana naman, hm?" bulong niya and then he chuckles.
"A-anong kinikilig? Sinong k-kinikilig ha?" kunwareng walang alam na tanong ko.
Bigla niya akong hinarap sa kanya at tinitigan ang buong mukha ko. Para bang pinag-aaralan niya iyon upang matandaan niya. Tinignan ko ang mga mata niyang nang aakit, ang ilong niyang para bang nagsasabing mainggit ka dahil ang tangos non at sobrang perpekto, at ang labi niyang mamula-mula na parang mansanas ang kulay at nagsasabing hindi mo kayang iwan ang lalakeng ito at wala kanang mamahalin pa kundi siya lang.
Unti unting nagkalapit ang mga mukha namin at nagtama ang mga ilong namin. Naramdaman ko ang malambot na labing nagtama sa labi ko. Napapikit ako sa di maipaliwanag na pakiramdam. Sobrang nakaka hipnotismo ng mga halik niya dahilan para manghina ang mga tuhod ko. Kung hindi lang niya lang hinawakan ang bewang ko ay kanina pa'ko napaupo. Dahil sa halik ni Noah ay masasabi mong hindi mo pagsasawaan ang halik na yon. Mahal na mahal kita Noah.
OMG! Ang first kiss koooo!!!
"Ehem." Napalayo ako agad kay Noah at napa ayos ng tayo dahil sa gulat. Hindi ako makatingin kay noah at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Rendall. Ang Representative ng 3rd year high school at kilala ko dahil magkatabi lamang kami ng Room.
"Hehe Naku nakaabala ata ako sa ginagawa niyo Mr. President" nakangising sabi niya. Namula naman ang pisngi ko sa sinabing iyon ni Rendall. Nakakahiyaaaaaaaa
"I know na sinadya mo yon Rendall, nice one. Ano kayang pwede kong gawin para hiwalayan ka ni Janice? Hm?" May halong pang aasar na sagot ni Noah.
"Wala namang ganyanan Mr. President di na mauulit, tropa tayo diba?" nakangusong sagot din ni Rendall. HAHAHA nakakatawa yung itsura niya parang tuta na gusto ng Dogfood.
Akmang sasagot na si Noah ng biglang bumukas ang pintuan ng SSG officers at niluwa niyon ang iba pang SSG officers na paniguradong pauwi na rin. Tumingin silang lahat saming tatlo ay may nagtatanong na tingin. Hindi siguro nila inaasahang nandito pa kami at akala nila ay nakauwi na kami ni Noah.
Napatingin naman ako kay Rendall ng bigla itong ngumisi ulit at ngumiti ng nakakaloko. Oh no! Sana mali ang iniisip ko! Rendall itikom mo ang bibig mo WAAAHHHHH!!!
"Akala ko Mr. President nasa parking lot na kayo kase nagmamadali kayong tapusin ang meeting para ihatid si Hailey?" Nagtatakang tanong ni Janice, ang girlfriend ni Rendall.
"Yeah, right. Nagkakwentuhan lang kami ng kaunti ni Hailey that's why naabutan niyo kami" Kalmado namang sagot ni Noah. Si Rendall naman ay di mawala ang nakakalokong ngiti nito.
"Uh talaga" Sagot nalang ni Janice at tumabi kay Rendall.
"Yes, we have to go now, we'll see you'll tomorrow. Take care" Paalam ni Noah at hinawakan ang kamay ko para yayain na akong maglakad. Nag wave nalang ako para ipaalam na mauuna na kaming aalis sa kanilang lahat except kay Rendall dahil ang sarap punitin ng labi niya dahil sa nakakalokong ngiti niyang yon.
Habang naglalakad ay ngumiti ako sa nakahawak naming kamay at mapapanatag na sana dahil hindi sinabi ni Rendall sa mga SSG officers kanina ang kissing scene na naganap samin ni Noah ng biglang...
"MALAMBOT BA ANG LABI NI HAILEY MR. PRESIDENT??" Sigaw ni Rendall na nakapag patigil samin sa paglalakad.
"Yiiee BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Binata na ang President natin!" sigaw at tilian ng mga kasama ni Noah sa SSG office. Napamula ulit ang pisngi ko dahil sa kahihiyang yon at di na makatingin kay Noah dahilan upang di ko makita ang reaksyon niya.
"Yeah, it's really soft at hindi ako magsasawang paulit ulit na halikan iyon." Bulong niya na hindi maririnig nila Rendall pero nasisiguro niyang maririnig ko iyon. Sobrang init ng pisngi ko to the point na kapag tiningnan mo iyon ay kasing kulay na ng kamatis na hinog. Nanlaki ang mata ko at parang malulusaw ang puso ko sa kaba dahil sa bulong niyang iyon.
" I love you hailey..."