Hailey's Pov.
"Let you na w-what?" na-cucurious na tanong ko. Kinakabahan kasi ako na baka may isang condition na naman siya na kalokohan para sakin tas mapapahiya na naman ako, kagaya ng kay Cassandra. Di naman siguro ano? SSG President siya so kailangan good influence siya sa mga estudyante dito.
Pati mga estudyante dito sa loob ng cafeteria naghihintay din sa sagot niya. Yung ibang babae nung tinignan ko ansama ng tingin sakin. Patay na patay dito sa crush nilang si noah. Di naman ako ganon ka patay na patay kay noah. Medyo slayt lang hshs.
"If you let me to court you, Hailey" and that moment nung narinig ko sa kanya yun parang nabingi ako at gulat na tumingin sa kanya.
Yung katahimikan na bumalot kanina ay mas lalong tumahimik pa. Lahat sila gulat na gulat pati na din si Cassandra. Yung kaba ko kanina ay napalitan ng kilig, tuwa, kaba at di ko maipaliliwanag na feeling sa tiyan ko. Parang bumaliktad yung mga intestine ko. Totoo ba to??? Manliligaw talaga siya?? Mas lalo tuloy akong nanginginig ngayon.
"They said silence means yes, so... Hailey from now on wag kanang magpapaligaw sa iba. Take care of because you're mine and i will take care of myself because im your's." and then hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang limang piso bago umalis.
Naiwan naman akong nakatingin sa limang piso na nilagay niya sa palad ko. Nararamdaman ko padin until now yung paghawak niya sa kamay ko. Totoo nga yung mga nababasa ko minsan na parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan mo. Basta ang masasabi ko lang ngayon is, sobranggg kinikilig ako and at the same time natutuwa kasi may SSG President na ako. Finallyyy.
WHAHAHAHAHAHA.