Hailey's Pov.
I was grade 8 back then, when i first saw Noah carrying books in the hallway. Pagkakita ko palang sa kanya non i have this feeling na i like him or should i say crush ko na siya kase the way na manamit siya sobrang linis tas yung buhok ang linis ng pagkaka ayos. Yung mga matang mapupungay tapos yung ilong antangos. Para sakin he looked seraphic and hottyyy.
Sikat din si noah sa campus namin at sa iba pang schools na kalapit lang din ng school namin dahil hindi lang sa taglay niyang gwapo kundi matalino din siya, kung saan saan na rin kasi siya nakaabot pag may patimpalak na quiz sa ibang schools at siya palagi ang nananalo.
And last year tumakbo siya bilang SSG President sa school namin. Di na kataka takang nananalo siya dahil na rin sa mga fans club niya dito sa loob ng campus. Syempre ako binoto ko din siya kase mas deserve niya ang position na yon hindi dahil sa crush ko siya kaya ko siya binoto.
Isusubo ko na sana yung fries na kinakain ko nung tinulak ni cass ang kamay ko tapos tinuro ang pinto.
Kinabahan agad ako kasi alam ko na ang tinutukoy niya. 'Owemjiii malaking kahihiyannn 'to sa loob pa talaga ng cafeteria.
Paglingon ko sa pinto ng cafeteria tama nga na pumasok na si noah sa loob at ewan ko if coincidence lang ba yon or what na nagkatinginan kami sa isa't isa, bigla kase akong umiwas para harapin si Cassandra.
"Goo na haileyyyy it's your time to shine na daliiii"
"Cass pwede bang pass mun-"
"Osige hahanap ka ng uod, let's go sa garde-" pinutol ko agad ang sasabihin ni Cassandra.
"Sabi ko nga manghihingi na ng limang piso kay noah!" sabay irap ko sa kanya. Wala na akong choice ngayon dahil mas lalong ayoko maghanap ng uod sa garden, takot ako sa mga uod at pinangako ko sa sarili kong di ako hahawak ng uod i swear.
Shockss. Tumayo na ako at hinanap si noah sa loob ng cafeteria at nakitang papaalis na siya at pupunta na sa table niya hawak ang tray ng pagkain.
Ano kayang iisipin ni noah paghumingi ako ng limang piso? Sasabihin non naghihirap nako sobraaa or baka i-dedma lang ako kasi cold niya makitungo sa ibang estudyante except sa mga kilala niya na matagal na.
Hinarangan ko siya sa daan papunta sa seat niya at tumigil din siya sa paglakad at tiningnan ako ng diretso sa mata na siyang kina tulala ko. Pati din ang nasa loob ng cafeteria ay tumigil sa pagkain at natulala din sa eksenang ginawa ko. Sobranggg tahimik at alam ko na mamayang susugurin ako ng mga fangirls ni noah dahil sa eksenang tooo! Owemjiiiiii. You're dead hailey.
Nag smirk si noah sakin nung nakita niyang nakatulala ako sa kanya which make me back to my senses. Na confuse ako sa pag smirk niya sakin kasi di 'ko pa siya nakikitang nag smirk noon kahit sa ibang mga kakilala niya.
Dahil sa kahihiyan nagsalita na rin ako para makaalis nako sa gitna ng eksenang ito at batukan si Cassandra sa mga kalokohang naiisip niya.
"P-pengeng limang piso n-noah" nilahad ko sa kanya ang kamay ko at pinikit ang mata dahil sa kahihiyang ito. Madaming tumawang mga estudyante dahil sa narinig nila at yung iba humagalpak pa sa tawa. 'Sige Hailey mag ditch ka ng class mamaya dahil paniguradong tatawanan ka nila habang nasa hallway. I really hate this.
Nangangalay na yung kamay ko pero hindi padin ako binibigyan ng limang piso ni Noah. Ano baa limang piso lang eh parang 5, 000 yung hinihingi ko sa kanya ah. Ulitin ko kaya ulit baka di niya narinig? Di ko kase nakita reaction niya kanina kase nakapikit ako until now.
"N-noah limang piso l-lang" tumawa siya ng mahina dahilan para tumahimik ang buong cafeteria. Parang baby yung tawa niya na kapag maririnig mo mapapangiti ka nalang at mawawala panandalian ang mga problema mo. Nung marinig ko yun ay napamulat ako at tumingin sa kanya na agad ding umiwas kase nakatingin padin siya ng diretso sa akin. First time kong narinig na tumawa si noah.
"I'll give you if you let me."
Let me? Let me slap you?!?! Anong gusto niyaaa? Ahhh!!! Mas lalo tuloy akong nahihiyaaa pa.
Ano na naman kaya yon?