The Heart Of Geniuses
By:b_phyxiaters
Zaechy's POV
"Tutal ikaw naman ang laging nagrerepresent ng school natin baka gusto mong sumali?" Tanong saakin ni ma'am morales
"Pero ma'am hindi ko po kayang pagsabay sabayin!, Meron pa po kaming booth na inaayos" sagot ko naman sakanya matapos niya akong yayaing maging representative ng school sa painting contest
"Miss Zaechy Victoria Montemayor, I can assure you na mataas ang magiging grade mo sa Performance task dahil kung sasali ka,napagkasunduan na naming exempted ka na sa booth"
"Sino na po ang mag le-lead sa mga kaklase ko? Kahit naman po exempted ako, gusto ko pa ding makuha namin yung best booth award"
"Iniwan ko na yun Kay Heinz.bakit wala ka bang tiwala sakanya?"
"Quiet Frankly, I was never sure I could trust him"
"You should. Iiwanan na kita puntahan mo na lang ako sa faculty kung napagdesisyunan mo na" sabi ni ma'am at umalis na
Lumabas nadin ako at pinuntahan si Sheen na naghihintay saakin
"Anong sabi ni ma'am?" tanong ni Sheen
"Niyaya niya akong maging representative ng school para sa Painting contest"
"Sumali ka ba? Syempre naman diba, ikaw pa,eh buwaya ka ng mga contest" sabi niya
"Pinagiisipan ko padin sheen..."
"Bakit dahil ba ayaw mo makalaban ulit si Avier?"
Bigla namam akong napatigil sa banggit niya ng pangalan ni Avier
"Mukha bang marunong sa arts yun? HAHAHA nagpapatawa ka ba?"
"Ayy hindi ba?" Tanong ni Sheen
"Tara na nga at baka kailangan na tayo sa booth"
Nang makadating kami sa booth namin nakita ko ang mga kaklase namin na nagooperate na
Oo pinayagan na kaming magoperate
nung pinatawag kasi yung lalaking napagbantaan ni Heinz inamin niya na sinabi niya nga talagang sisipain niya ako.
buti nalang dahil kung hindi siya umamin ako talaga ang sisipa sakanya
"Hi Guys!" Bati ni Sheen sa mga kaklase namin
"Oh Zae bakit andito ka pa? Diba sabi ni ma'am exempted ka na?" Tanong ni kyle
" hindi ko pa naman kasi tinatanggap" sagot ko na lang
"Bakit di mo tanggapin? okay naman na kami dito tsaka mas okay nadin na wala ka dito"
"Hoy Anong sabi mo?!" Galit na tanong ni sheen kay kyle
"Ahh wag kayo magisip ng masama. ang ibig kong sabihin pag wala kasi si Zae dito mas maliit ang chance na makikipagaway ulit si heinz, baka kasi sa susunod hindi na talaga tayo makapag operate hehehe" pagtatama ni kyle
buti nalang dahil uupakan ko na sana siya
"Ayan ayusin mo!" Sabi naman ni Sheen
Bakit nga ba ayaw ko sumali? Pag sumali ako atleast mababawas na yung booth sa iisipin
Sige! Sasali na ako
"Ganun ba? Galingan ninyo ha pupunta na ako sa faculty para iconfirm na sasali na ako" sagot ko at iniwan na sila para pumunta sa faculty
Pagpasok ko sa faculty room bumungad agad saakin ang table ni ma'am morales na nasa gitnang gitna
ewan ko lang ha pero napapansin niyo ba? Bida bida talaga itong si Ma'am Morales Eh!
"Hi ma'am" simpleng bati ko
"Ano napagdesisyunan mo na ba?" Tanong niya
"Yes ma'am sasali na po ako"
"That's the spirit! Galingan mo para may maipagmalaki na ako sa mga chaka kong co- teachers na nagpipilit isali yung mga chaka din nilang students" sabi ni ma'am
"Ahhh HEHEHE" tanging sagot ko na lang at lumayas na dun
sabi sainyo eh pambida lang ako niyan ehh
Pinayagan nadin naman niya akong maaga umuwi para daw makapagpractice pa ako kaya
sinabihan ko na lang si Sheen at umuwi na
Pagkauwi,pumunta agad ako sa stock room namin at kinuha ang mga brushes,canvas at acrylic paints ko
Matagal tagal nadin kasi akong hindi nagpipinta kayat nabulok nadin ang mga gamit ko dito sa stock room
Kinuha ko agad ang mga yun at nagpunta sa lababo para hugasan ang mga natuyo na pintura sa mga luma kong brush
"Painting?" Tanong ni mommy saakin nung mapadaan siya sa lababo
Tumango na lang ako bilang sagot
ayaw ko na kasi makipagaway sakanila dahil sa huli ako lang din ang lalabas na masamang anak
"Kung contest yan galingan mo and make us proud" dagdag niya at umalis na
Diba? Yun lang naman ang linya nila sa buhay ko. Ang mang Pressure
kailangan ikaw palagi ang number 1. hindi pwedeng maging number 2 .
kasi nakakahiya, kasi yung mga magulang mo palaging number 1 nung panahon nila,yung kuya mo number 1 din
hindi ko na alam kung saan ako lulugar
Pinagiisipan ko kung ano ang ipipinta ko at bigla nalang pumasok sa utak ko ang mga butterflies at ibon, they are so beautiful and so free, they can do whatever they want without any people judging them.
Avier's POV
Matapos kong magawa ang documentary na iipasa ko,bigla na lang may nagtext saakin kinuha ko ang cellphone ko at tinignan yun
from: Ma'am Janissa
Avier I know na tinatapos mo pa yung docu na inassign saiyo but there was a painting contest and we couldn't find anyone else to join so if you like,you can contact me as soon as possible thankyou
Bata palang ako mahilig na ako magpinta
yun na lang din kasi ang naiwan saaking talento ng mga magulang ko at ito na ang pagkakataon ko kayat
sinave ko kagad ang file ng documentary ko at nagpunta sa kwarto ni tita
oo nasa bahay ako ngayon kasi binigyan nila ako ng oras na tapusin ang docu na ito
Kumatok ako at binuksan ang pinto ng kwarto ng tiyahin ko at nakita ko siyang nakatutok sa laptop niya at malamang ay nanunood ng k-drama
"Tita..." Panimula ko
"Ano na naman yun?! Napaka istorbo naman ehh nakitang naunood eh!" Bulalas ng tiyahin ko
"Pwede po ba akong humingi ng kaunting pera gagamitin ko po sana sa contest"
"Ano?? Contest na naman?! eh kakacontest mo palang nung isang linggo ah! Buti sana kung nagpapadala yang mga magulang mo na iniwan ka nalang bigla! Bakit hindi mo kaya sila tawagan?!magugulat nalang talaga ako kung sumagot sila mula sa langit o baka Impyerno,buti din sana kung totoong ginto ang napapanalunan mo sa contest contest nayan! Lumayas ka nanga at ginugulo mo ang pagpapahinga ko" mahaba niyang sabi at sinaraduhan ako ng pinto na siyang tumama sa mukha ko
Matagal ng namatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente
at sana nga lang sinama na nila ako para hindi ako naiwan sa tiyahin kong unti unting papatay saakin...