The Heart Of Geniuses
By:b_phyxiaters
Zaechy's POV
"Avier ano ba?! bakit ba kanina ka pa lakad ng lakad?"
"Naghahanap kasi ako ng magandang spot na pagkukuhaan ng picture" sagot niya
"Nagmumukha na talaga akong timang dito! Sandali nga lang at magpapalit na ako" paalam ko at tumalikod na sakanya
Nakarinig ako ng ilang clicks ng camera
malamang ay nagsisimula na siyang gawin ang trabaho niya
Nang makabalik ako ay parang tapos na ata siyang kumuha ng litrato.
malamang ba naman halos isang oras akong nandun sa comfort room dahil ang hirap tangalin ng mga pulbong pinaglalagay nila saakin.
"Tapos ka na?" Simpleng tanong ko
" hindi pa,pero hinintay lang kita kasi lilipat sana ako ng pwesto dun sa malapit sa ferris wheel"
"Sige" sagot ko na lang
Hindi ako masyadong gumagawa ng conversation pag siya ang kasama ko dahil baka mag away lang kaming dalawa.
sabagay ako lang naman ang nangaaway sakanya,ewan ko pero ayaw ko talaga mag patalo sa mokong na ito
Naglakad na kami patungo malapit sa Ferris Wheel
"Nakasakay ka na ba diyan?" Tanong ni avier habang nakatingala sa ferris wheel
Juice colored! Never akong sumakay diyan kasi may fear of heights ako!
pero kung sasabihin ko namang hindi, baka asar asarin niya ako!
hmm ano ba ito?!!
"Ahh-ahh Oo, Oo naman! Parang ferris wheel lang hindi ako makakasakay?!" Pagsisinungaling ko sakanya
"Ako kasi hindi pa, tutal nakasakay ka na, samahan mo ako at susubukan ko din"
What?! Hindi pa siya nakakasakay? Weak naman nito!
Ay Wow lang zae ha? parang may lakas loob kadin namang sumakay diyan
"Ahh kasi avier may pupuntahan pa ako,anong oras na kasi eh" pagiwas ko sa yaya niya
Pero hindi ko napansin na dumiretso na pala siya sa ticket booth nung ferris wheel
"Dalawang ticket nga po" sabi niya dun sa tindera ng ticket
"Hoyy avier di ka ba n-nakikinig? Sabi ko uuwi na ako"
" hindi pa ako tapos sa trabaho ko kaya hindi ka pa pwedeng umuwi, pumayag ka diba?"
"Ano ba kasing balak mo?" Tanong ko sakanya
"Wala kasi akong drone kaya naisip kong mag ferris wheel nalang para makuha ko yung ibang magandang shot tsaka for experience nadin"
"Edi ikaw na lang magisa!"sabi ko
"May ticket na oh sayang naman, tara na! bakit? takot ka ba?" Yaya niya saakin
"T-takot? Hindi noh tara na at papatunayan ko saiyong hindi ako takot" sabi ko at nagungunang pumunta sa ferris wheel
Tanging ngiti lang ang sinagot niya saakin at sumunod na din
Sige Zae,diyan ka na mamatay sa pagsisinungaling mo!
"Kuya may seatbelt ba? Safe po ba talaga ito?" Tanong ko dun sa lalaking tagapunit ng ticket
"Oo naman ma'am safe na safe" sagot nung lalaki
Pagtingin ko kay avier ay nakita kong nakangiti siya
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
"Wala" simpleng sagot naman niya
Nung turn na namin nanginginig akong sumakay sa passenger car nung ferris wheel
magkaharap ang pwesto namin ni avier
"OMG!" Takot na sabi ko matapos umandar pataas ang sinasakyan namin
"Hindi mo first time ah?" Parang nangaasar na sabi ni avier
"Tse hindi nga!"
Sa unting paguusap na iyon,pagkatingin ko sa baba ay nasa tuktok na pala kami
"Whaaaa!! Ibaba niyo na ako ngayon na!!' pagsigaw ko
"Bakit?" Tanong ni avier
"Sige na! Oo na First time ko lang sumakay dito!! Kaya please pababain niyo na ako! May fear of heights ako whaaa!!"
"HAHAHA sabi na ng ba eh!"
"Sige na please avier" pagmamakaawa ko
"Hindi naman tayo pwedeng bumaba nalang basta basta,bakit ba kasi hindi mo sinabi na takot ka pala" sabi ni avier
"Ahh ehh akala ko kasi aasarin mo ako,teka lang ha ikaw din naman eh first time mo lang dito takot kadin siguro kaya hindi ka sumasakay noh?"
Umiling siya bilang sagot
"Here take my hand" sabi niya sabay lahad ng kamay niya
"Anong gagawin ko diyan?"
"It will help you,trust me" sagot niya
Nahihiyang hinawakan ko ang kamay niya
"Now tingin ka sa baba, ang ganda diba?" Tanong niya saakin
Nagaalinlangan ako pero tinignan ko din naman
"Wow oo nga ang ganda nung mga ilaw sa baba!" Manghang sabi ko
Hindi ko namamalayan na unti unti na pala kaming nakakababa
"Uy Avier sabi mo magta-take ka ng pics sa taas? Bakit hindi mo ginawa?pinasakay mo lang talaga ako dun para asarin noh?" Sabi ko
"Hindi naman. nakalimutan ko lang talaga,salamat sa pagsama saaakin na tapusin itong docu ko" sabi niya
"Ahh wala yun nasira ko naman asi yung lens ng camera mo" sagot ko
Ambait ko diba?
"Tara dun tayo sa rubber duck game" yaya niya ulit
"Sige ba! pagalingan na lang pero teka yung kamay ko kasi kanina mo pa hawak..." nahihiyang sabi ko
Parang namula siya bigla
"Sorry" simpleng sagot niya at tinangal ang kamy niya
Tss epal naman tong puso ko bigla nalang tumibok ng mabilis.bakit naman kaya diba?
Imposible namang crush ko si avier coz that idea makes me want to vomit
Nung makadating kami dun ay nauna kagad akong sumalang,
sa sampung bala ko dalawa lang ang napatumba kong rubber duck nakakahiya!
Tumawa na lang si avier ng ibigay saakin ang isang maliit na candy bilang reward
"Watch and learn" sabi ni avier
"Yabang!"
Pero totoo nga! Nine na rubber ducks ang napatumba niya at sa second round ay napatumba niya lahat kaya nakakuha siya ng isang cute na cat stuffed toy
"Oh ito saiyo na" abot niya saakin nung cute na stuffed toy
"Akin?"
Tumango lang siya bilang sagot,ewan ko ba pero ang tipid niya magsalita palagi,minsan one word o kay minsan tatango at iiling lang siya kainis ha!diba ako magandang kausap?!
Nakangiting kinuha ko yung stuffed toy na inabot niya
"Thank you, sige mauna na din ako ah"
"Sige ingat ka" sabi lang niya at tumalikod na
Kabwisit naman ito di man lang ako niyayang ihatid tss. Ano ba Zae parang gusto mo naman magpahatid
Hindi ko nadin maintindihan ang sarili ko kayat wala sa sariling niyakap ko nalang yung stuffed toy na binigay ni avier na hindi inaasahang nagpagaan sa loob ko