Manliligaw

1106 Words
The Heart Of Geniuses By:b_phyxiaters Zaechy's POV "Bakit ba kasi kayo nanakot ng mga nagpupunta sa booth ninyo?!" Sigaw ni Ma'am Morales saamin nung makapunta kami sa Guidance Office Bakit ba kasi siya ang nagsasalita? Nawawalan tuloy ng saysay yung guidance counselor na nasa tabi niya "Maam diba sabi niyo manakot kami?" Pilosopong sabi ni Heinz "Pinipilosopo mo ba ako ha? Ang ibig kong sabihin ay bakit niyo binantaan na sisipain niyo yung lalaki ha?" "Excuse me ma'am,but can you please stop using 'niyo' kasi siya lang naman magisa ang nanakot dun sa lalaki hindi ako kasama, okay po?" Sabi ko Kay ma'am Morales "Malay ko ba diba? Kaya nga kayo ipinatawag dito eh para isalaysay yung nangyari" "Si Nathz ba ang nagsumbong dito?! Sabi ko na nga ba eh!" Saad ni Heinz "Hindi Heinz! yung mismong tinakot mo ang nagpunta dito at nagsumbong" sagot ni ma'am " Sorry if i need to cut you off but I need to remind you that i am the guidance counselor and not you" sabi nung guidance counselor kay ma'am morales Natawa na lang ako sa isip ko "Sorry po ma'am nagaalala lang po ako sa mga estudyante ko" sabi ni ma'am morales at umalis na dahil sa kahihiyan "Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong nung guidance counselor "Kasi po sinabihan nung lalaki na yun si Zae ng masama, ang sabi niya sisipain niya daw" kwento ni heinz "Tapos?" "Sinabihan ko sila na umalis na lang at kung hindi ay parehas ko silang sisipain" "Dapat hinayaan mo na lang para walang away, hindi naman pala malaki ang kaso na ito at may kasalanan din yung lalaki, Don't worry ipapatawag din namin siya" sabi nung counselor "So anong parusa?,lagi namang mayroon eh!" Tanong ni heinz "As of now kailangan muna ninyong itigil ang pag operate ng booth ninyo" "What?!" Sigaw ko "Yes kailangan, don't worry temporary lang naman ito dahil sa issue, baka tommorow pwede na.pakisabihan na lang yung iba ninyong classmates na pwede na kayo umuwi kung gusto niyo kasi wala naman na kayong gagawin tutal foundation week naman" Tss yun pa nga lang yung una ehh tapos na agad tss bwisit kasi itong heinz na ito Lumabas na kami ng guidance office at bumalik sa booth namin "Papaano na tayo mananalo ng best booth kung unang araw palang hindi na tayo makapagoperate!?" Tanong ko kay heinz na kanina pa hindi kumikibo Pinatawag pa ako dun, 'what?' lang naman pala ang eksena ko Nang makadating kami sa booth binalita agad namin ang masamang nangyari buti na lang at hindi sila nagalit kasi pinroktektahan lang naman daw ako ni Heinz Tss.. Gross! "Zae mauna na ako umuwi ahh may pupuntahan kasi dapat kami ni dad kanina kaso akala ko di ako makakasama dahil sa booth. eh maaga naman pala tayo makakauwi kaya hahabol na lang ako" Paalam ni Sheen saakin "Sige ingat" sagot ko na lang Nagpaalam nadin isa isa ang iba kong kaklase kaya napagdesisyunan ko ng umakyat sa taas para kunin yung bag ko Nang makapasok ako hinagilap ko agad yung bag ko pero hindi ko makita kahit nga mga cabinet binuksan ko na din dahil kating kati na talaga ako magpalit ng damit "Daisy nakita mo ba yung bag ko?" Tanong ko kay daisy na nagliliptint "Noes" sagot niya Saan naman napunta yun??diba si heinz ang naglagay ng mga bag? Baka... "Daisy si Heinz nakita mo?" "Teh mukha ba akong lost and found? Hindi ko knows noh? Kalurkeyy ka beebee gurl" sagot niya Hayys ewan ko ba talaga dito kay Daisy! Ang gwapong bakla! Pero Sobra na akong iritado para isipin pa kung bakit siya naging bakla Bumaba na ako para hanapin si Heinz naglalakad ako sa hallway ng biglang may nasagi akong lalaki "ano ba yann?! Yung lens ng camera ko!!" Bulalas nung lalaki na pagkatingin ko ay nalaman kong si Avier "Hoy anong ginagawa mo dito kupal?" "Ayy white lady!" Gulat na sabi niya Suot ko pa din kasi yung ghost bride costume ko. wala naman kasing pakialam yung mga taga campus kasi alam nilang foundation week at may horror booth balak ko kasi sanang kunin muna yung bag ko atsaka na ako magpapalit, maraming importanteng bagay dun noh "FYI Ghost Bride hindi White lady! Akala ko ba matalino ka?" Sabi ko sakanya "Teka nga lang ikaw yung nakabangga at nakasira ng lens ng camera ko diba? Ikaw pa galit?" "Eh bakit kaba kasi nandito? Sinusundan mo na naman ba ako?" "Hindi noh!Foundation week ninyo at ako ang ipinadala ng association of northern schools para gumawa ng documentation kaya nga ako may camera. bakit hindi mo ba alam yun?kasi diba ikaw din ang ipinadala sa campus namin last year?" Daming sinasabi eh "Tss magkano ba lens mo babayaran ko na lang" "Wag na! Baka wala kang pera. Mag sorry ko nalang okay na" "Babayaran ko na nga eh bat ayaw mo ba?! Nakikipag kompetensiya ka na naman ba? Ano to pabaitan?" Naiinis na sabi ko sakanya "Sige Ganito na lang samahan mo ako tapusin itong docu ko at quits na tayo" It's better than saying sorry Oo mapride akong tao lalo na sakanya "Sige, but help me find my bag first" sagot ko Yun na nga hinanap namin ng magkasama si Heinz magkasama? Ewww pero yun na nga at nakita namin siya sa may court at naglalaro ng basket ball kasama ang mha kaibigan niya "Hoy heinz!!" Sigaw ko na siyang nagpalapit sakanya "Hi Zaechy my luvs,miss mo ko no? Sino yang kasama mo? Pinagtataksilan mo ba ako?" Sunod sunod na tanong niya "Kapal ng mukha mo!Nakakadiri yang lumalabas sa bibig mo! Asaan na yung bag ko kutong lupa ka talaga!!" "Wait lang naman,kukunin ko lang sandali" So totoo nga, kinuha niya talaga yung bag ko!? siguro nalaman niya yung ginawa ko sakanya kaya gumaganti siya "Eto oh" abot niya saakin nung bag ko Pagkaabot niya ay hinampas ko agd yun sakanya "Epal ka talaga! Walang hiya! Hindi mo ba alam kung saan saan ako umikot mahanap lang tong bag ko ha?!!" "Sinecure ko lang naman,pag iniwan ko lasi dun baka manakaw" sagot niya "Kanina ka pa sa protekta protekta na yan! Wala akong pakialam saiyo kaya please lang wag mo na din akong pakialaman pwede ba?!" Sigaw ko na siyang nag patahimik sakanya Mukhang na hurt siya pero nakakainis kasi eh! Umalis na ako at hindi na lumingon pa ulit "Grabe ka naman dun sa manliligaw mo!"sabi ni avier "Hindi ko manliligaw yun! Manahimik ka na lang din tinutulungan ka na nga diba?" "Ikaw ang may atraso" maikling sagot ni Avier "Oo na" Sumusobra na si Heinz, Dapat matuto siyang limitahan ang sarili niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD