Chapter 8

1496 Words
Bumili ng alak si James nung gabing iyon at unti unti na kaming nalalasing, naglaro din kami ng charades sa kalagitnaan ng inuman. Mas masaya palang maglaro nito kapag may alak. Dahil karamihan may tama na ng alak kaya hindi na alam kung paano nila idedescribe sa galaw yung word na nabunot nila. Girls vs. Boys ang laban "Wag mo galingan bebe ko!" Sigaw ni James kay Julie Pero syempre hindi kami papatalo, dahil kung sino ang talo sya ang maglilinis ng kalat bago matulog. Sabay kaming nag dedescribe ni Huan sa harap. Madalas magkasabay ang galaw namin, iisa lang ang salitang kailangan nilang hulaan. Paunahan nalang "Ref!" Sigaw ni James Umiling si Huan, kaya sumenyas ako nang panibago para magbigay pa ng clue Biglang tumayo si Julie at sumigaw "Cabinet!" Tumango ako kaya sabay sabay kaming naghiyawan at tawanan. Napatingin ako kay Huan at bumelat sakanya. Ngumiti ito na nakapagpa hinto sakin. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti. "Sabi ko bebe wag mo gagalingan eh" sigaw ni James "Buti nga, kayo ang maglinis ngayon" natatawa tawang sagot ni Julie Isa isa na silang nagsipasukan sa kubo, pero naiwan ako sa harap ng bonfire. Nilalagay ko pa ang ilang maliliit na kahoy sa apoy para maubos na Kita sa gilid ng mata ko na nagsisimula nang maglinis si Huan pati sina Jom Hindi maalis sa isip ko yung ngiti ni Huan, ang ganda ng ngiti nya pero bakit hindi nya ginagawa yon ng madalas Siguro ay malungkot talaga ang buhay nya. At hindi ko namamalayan, pinagmamasdan ko na pala sya habang naglilinis sila. Bumalik lang ako sa realidad nang sumigaw si Jom "Kung tumutulong ka na Juno, edi tapos na tayo" aniya Napatawa ako at kinuha ang ilang basura sa pwesto ko. "Hindi ba't talo kayo? Kayo maglinis" sagot ko sabay belat Dumiretsyo na ako sa kubo at nakitang nakahiga na sila Madie. Pumwesto ako sa pinakang gilid at inunan ang bag ko. Pinilit kong matulog pero hindi ako dinadapuan ng antok. Ipinikit ko nalang ang mata ko habang nararamdaman silang naglilinis. Mag uumaga narin ilang minuto nalang. Umikot ikot pa ko sa pwesto, nagbabakasakaling antukin. Pero wala talaga. Bumangon nalang ako at umupo sa pinto ng kubo. Si Huan at Vince nalang pala ang gising "Gusto mo ng kape?" Tanong ni Huan "Baka lalo akong hindi makatulog" sagot ko "Matutulog ka pa eh 4am na" sagot ni vince Napatingin ako sa cellphone ko at tama nga si Vince, 4am na. Ngumiti ako at tumingin kay Huan "Anong kape mo?" "Ito, teka ako na magtitimpla" sagot nya Pinagmasdan ko lang sya habang tinitimpla iyon. "Eh kailan daw balik ng mama mo?" Tanong ni Vince kay Huan "Baka sa tuesday pa" "Ang tagal din ano, sino lang kasama mo diyan?" "Yung kapatid kong bunso. Ganun talaga, sanay naman na kami" sagot ni Huan habang inaabot saakin ang kape "Salamat" sagot ko Ilang minuto rin akong nakinig sa kwentuhan nila. Wala naman akong maiaambag sa kwentuhan dahil tungkol naman sa pamilya nila pinag-uusapan nila Maya maya pa ay huminto na sila sa pag-uusap at nagpaalam na si Vince na uuwi sakanila "Balik nalang ako mamaya, matutulog lang ako saglit" paalam nito "Sige sige, ingat" sagot naman ni Huan Naiwan kaming dalawa ni Huan sa labas ng kubo, sya naglalaro ng mobile games. Ako, nagkakape "Hindi ka ba inaantok?" Tanong ko "Huh? Hindi naman" sagot nya "Ano ba yang nilalaro mo?" Tanong ko Lumapit ako dito at sumilip sa cellphone nya, nagulat pa sya pero ipinakita nya rin sakin. Siguro sa ganito kalapit, naririnig na nya t***k ng puso ko "Ahh, minecraft" sagot nya Bumubuo sya ng bahay dito gamit ang magkakaibang kulay na blocks "Paano laruin yan? Ganyan ganyan lang?" "Oo, bubuo ka ng bahay mo or ng village mo" sagot nya "Ikaw ba, ano nang nabuo mo?" "Ito" At pinakita nya lahat ng mga bahay, farm meron ding mga hayop "Haha ang cute" sagot ko "Gusto mo pagandahan tayo?" Hamon ko sakanya "Naglalaro ka rin ba nito?" Tanong nya "Hindi pa" nakangiti kong sagot Nanunuod lang ako habang naglalaro parin sya nang bumukas ang pinto ng kubo "Hoy, anong ginagawa nyo dyan ha" Sabay kaming napalingon at muntik na magtama ang ilong namin. Imagine, ganun pala kami kalapit sa isa't isa Sabay kaming napatayo at umiwas ng tingin "Naiihi ako" si James "Sa likod nalang James, wala pa kaming CR dito eh" sagot ni Huan "Pasok na rin ako" paalam ko Nilagay ko sa lamesa ang basong pinagkapehan ko, hindi ko na ito naubos. Ninenerbyos ako. Humiga na uli ako sa pwesto ko at binuksan ang cellphone. Wow, walang signal. Napatitig ako nang ilang saglit sa cellphone ko nang maramdaman na may gumalaw sa may bandang paa ko. Pagtingin ko si Huan pala Umupo sya at ipinikit ang mata. Sa sinag ng ilaw sa labas, doon ko napagmasdan ang mukha nya. Gwapo sya. May katangusan ang ilong, at mapula pula ang labi Bigla kong iniwas ang tingin ko at pinilit na pumikit. Pero sa tuwing gumagalaw sya, napapamulat ako. Mukha naman syang kawawa sa pwesto nya, bahay nila 'to pero sya ang walang mahigaan. Saglit na huminto ang pagtibok ng dibdib ko nang makitang nakamulat din sya at nakatitig sakin. Sh*t. Agad kong ipinikit ang mata ko at tumalikod. Nakita nya kayang nakatingin din ako sakanya? Para akong mabibingi sa lakas ng t***k ng dibdib ko. Para akong nasa horror movie na anytime na lumingon ako nandun yung multo. Nagulat ako ng biglang may tumunog na cellphone. Hindi ko alam kung kanino, pero nagpapasalamat ako kung kanino man yon dahil nagising ang ilan saamin. Naramdaman kong may bumangon na sa pagkakahiga at pinalipat nya doon si Huan "Dito ka na, para ka namang kinawawa dyan" bulong ni Jom kasi natulog ulit ang iba Nakahinga ako ng maluwag nang maramdamang umalis na sya sa may bandang paa ko. Naalimpungatan ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa mukha ko. May liwanag na pala at nakaidlip rin pala ako. Dahan dahan akong umikot at umunat habang nakapikit pa rin, nang may naramdaman akong kamay sa gilid ko Napalingon ako dito at biglang napabangon nang ma-realize na si Huan na pala ang katabi ko. Actually, dalawa nalang kaming nakahiga ngayon. Lumabas ako ng kubo at naabutang nagluluto si Madie ng itlog. "Oh, kakain na tayo maya maya" bungad nya "Anong oras tayo uuwi?" Tanong ko "Pagkakain, sabay sabay na tayo" sagot nito Naglakad lakad ako sa gilid ng dagat at nakita sina James na nakatambay din. Hindi na ako lumapit sakanila at naupo nalang sa gilid ng puno. Sobrang ganda ng dagat, kalmado. Sana ganyan din ako. Simula nang mag-college ako, lahat ng pressure naramdaman ko na. Hindi ko parin kasi alam kung anong susunod kong plano after nito. Go with the flow nalang siguro. Naniniwala naman akong hindi ako nag-iisa. Hindi lang ako ang hindi na alam ang gagawin, sa mga oras na 'to gusto ko lang makatapos. Ayoko namang magmadali, gusto ko ring ma-enjoy yung journey. After naming kumain, tumulong na kaming maglinis at sabay sabay nang bumalik sa bahay nila Huan. Nagpaalam na rin kami sakanila at sabay sabay naring umuwi. Pagkauwi ko ng bahay, agad akong naligo at natulog pa ng ilang oras. Nagising nalang ako sa tunog ng cellphone ko kaya inabot ko ito mula sa ilalim ng unan ko. Maraming message sa group chat namin, marami ring notifications galing sa app. Pero isa ang pumukaw ng pansin ko. Nag-add friend sakin si Huan. Pinatagal ko muna ng ilang oras bago ko ito inaccept. Baka isipin nya iniintay ko ang pag-add nya. Kung tutuusin, ako na nga lang ang hindi nya friend sa loob ng circle namin. Siguro'y hindi din kasi kami madalas nag-uusap. "Nag download ka na nung minecraft?" Nagulat ako sa message nya kaya agad akong napabangon. Kumakabog na naman ang dibdib ko. Hindi ko alam ang isasagot Sinearch ko muna ang minecraft at saka dinownload iyon. "Oo" maikli kong sagot "Patingin ako ng mabubuo mo ah" aniya Hindi na ako nakasagot sa reply nya, binuksan ko na agad ang app at saka inaral kung paano ito laruin. Bigla akong nakaramdam ng excite. Para bang gusto kong magpahanga sakanya Kumuha ako ng idea sa online ng mga mabubuo sa minecraft. Siguro naman ay maganda na ito. Kung ang kanya ay gawa sa kahoy, ang aking nagawang bahay ay gawa sa salamin. Para kita ang loob haha Kinabukasan bago magsimula ang klase, binuksan ko na ang laro sa cellphone ko para madali kong maipakita sakanya yung nagawa ko. Pero 15 minutes nalang ay dadating na ang teacher namin, wala pa sya Hindi ko na napigilang mag message sakanya. Excited na kasi akong ipakita ang nagawa ko sa minecraft. "Malapit na dumating si ma'am, asan kana?" Ilang minuto ang lumipas narinig kong tumunog ang cellphone ko, agad ko itong kinuha at nung mabasa ko ang message nya para akong nabulunan Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. "Nasa puso mo" sagot ni Huan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD