Chapter 7

1195 Words
Madali kaming nagkakila-kilala dahil halos araw araw na kaming magkakasama. Kung noon sa bahay nila Gly kami madalas tumambay, ngayon ay sa bahay na namin. Dahil malapit ito sa school. Nanunuod kami ng maraming movies pag saamin kami nakatambay. Yung iba naman ay natutulog. Madalas din ang mga project na ginagawa namin kaya saamin din kami gumagawa. Nagsimulang magtiwala sakin si mama dahil nakilala din nya mga kaibigan ko. Kaya minsan kahit ginagabi ako ay hindi na sya nababahala. Dumalang ang pagkikita namin ni Jona mula nung sa bahay na kami lagi tumatambay. Pero kapag umuuwi sina Dar, kumakain kami sandali at nagkwekwentuhan. Madalang silang umuwi ng sabay sabay. Kaya hindi ko na rin maalala kung kailan ang huli naming pagkikita ng buo. "Oh, kayo na bahala kung sino mga kagrupo nyo. Basta i need your report before kayo mag bakasyon." Announce ng teacher namin. Syempre, nagkatinginan kami. Automatic na kami-kami parin ang magkakagrupo. Walang makakapag hiwalay saamin. Nag-usap kami matapos ang klase kung paano namin matatapos ang report. Ilang araw nalang ay deadline na. "Mag-overnight nalang tayo" suggestion ni Madie "Saan naman? Dapat dun sa kasya lahat tayo" sagot naman ni Vince "Hindi pwede saamin, wala tayong tutulugan doon" sagot ko "Lalo samin" sagot din ni Kaleen "Hindi ako papayagan" singit ni Kim "Alam namin hahaha, kaya bibigyan ka nalang namin ng isang part na gagawin mo" sagot ni Madie Lagi kasing hindi nakakasama samin si Kim lalo pag gagabihin. Sya ang pinakabata saamin. "Wala pa nga tayong place eh" sagot naman ni Jom "Saan kaya pwede? Hindi rin kasi pwede samin at madami kami" sagot ni Madie Sinundan ko ang tingin ni Vince. Nakatingin ito kay Huan "Huan? Sa inyo kaya?" Napalingon sya saamin pero mabilis nyang binalik ang tingin nya sa cellphone nya dahil sa nilalaro nya. "Titingnan ko pa" sagot nya "Tatlo lang kasi silang magkakapatid, at madalas wala doon ang kuya nya. Papa nya ay nagtatrabaho sa manila at mama naman nya ay may trabaho din, kaya madalas ay sya at ang bunso nya lang na kapatid ang na-iiwan sa kanila" bulong ni Madie sakin Kaya pala nahilig sya maglaro ng mobile games, dahil madalas syang walang kausap sakanila "Sige, basta bukas sana ma-confirm ni Huan" Isa isa na kaming nagtayuan sa upuan at nagkayayaan naring umuwi Sabay sabay kaming mga babae naglalakad. Napalingon ako kina Huan at napansing nahuhuli lagi syang maglakad. Hindi ko sya napapansin sa tuwing magkakasama kami kasi lagi nga syang tahimik. Kung hindi naman, tulog lang sya sa gilid. Ibinaling ko na uli ang atensyon ko nang makalabas na kami ng gate ng school. Nagpaalam na rin ako sakanila dahil iba ang daan ko kumpara sakanila. Pag dating ng bahay ay agad kong binuksan ang cellphone ko. Ngayon ko nalang uli ito gagawin. Hinanap ko ang account ni Huan, hindi naman ako nahirapan at nakita kong friends na nya lahat ang mga kaklase namin. Ako nalang ata ang hindi. Hindi ko na muna iyon inisip, nag scroll pa ako sa wall nya at nakita ang picture nilang pamilya. Mukha ngang tahimik lang sya. Dahil karamihan sa mga post ng mama nya ay kung hindi sya nakayuko dahil nagcecellphone, hindi naman sya nakangiti sa mga picture. May itsura sya. I mean, maganda face features. Hmm, pwede na? "Pwede dito saamin, sa friday ng gabi" Nagulat ako nang makita ang message ni Huan. Binuksan ko ang group chat namin at sunod sunod naman silang sumagot "Yooon, may place na. Magpaalam na kayo" - James "Hindi nga ako papayagan" - Kim "Maliban sayo, kim. Hindi ka pa nagpapaalam, alam mo nang hindi ka papayagan" - James "Go kami ni James" - Julie "Go din ako" - Madie Nakapagpaalam naman na ako kay Mama nung nakaraang araw na magkakaron nga kami ng overnight sa isa naming kaklase pero hindi pa alam kung saan. Nagsimula na kaming mag-research patungkol sa topic namin bago pumunta kina Huan. Para magfifinalize na lang kami. Nag start na rin kami mamili ng mga pagkain. Ito ang una naming overnight na magkakasama. Hindi nga lang makakasama si Kim. Mabilis na lumipas ang araw hanggang sa dumating ang hapon ng biyernes. Agad kaming umuwi sa bahay namin para kumuha ng gamit at magpaalam sa mga magulang namin. Nagkita kita ulit kami sa school mga bandang 6:30 ng gabi. Nakumpleto kami ng 7 pm at sabay sabay pumunta kina Huan. Isang jeep pala ang layo ng bahay nila mula sa school. Mga 45 minutes. Nakarating kami ng quarter to 8. Medyo malaki ang bahay nila, pero parang may malungkot na vibes. Siguro dahil madalas walang tao. Nagsimula kaming magluto ng hapunan bago magsimulang tapusin ang report. Madami pang tatapusin pero nag tulong tulong na kami. Maganda rin ang pwesto ng bahay nila Huan dahil mga 5-7 minutes na lakad ay dagat na. Excited kaming matapos ang report para maka-tambay pa sa dagat. Isa isa kaming natapos hanggang sa si Huan nalang ang iniintay namin. Nagdala sya ng lutuan kaya napakunot ang noo ko "Anong lulutuin?" Tanong ko Napatingin sya sakin pero mabilis din syang umiwas ng tingin "Hindi ko alam, sabi ni Vince magdala daw ako eh" sagot nya Malapit nga lang pala ang bahay nila Vince dito kaya umuwi muna sya saglit. Nakarating kami sa tabi ng dagat at isa isa na silang tumakbo palapit dito. Tawanan lang nila ang maririnig dahil tahimik na rin ang paligid. Tinulungan ko naman si Madie para maglipat ng ilang gamit. Natuwa pa kami ng malamang may kubo pala dito sina Huan. Kasyang kasya kami. "Dito tayo matutulog?" Tanong ni James "Oo, kasya naman siguro tayo no" sagot ni Huan "Paano ang higa?" Tanong ni Kaleen "Kahit kayong mga babae nalang ang matulog. Kahit tumambay nalang kaming mga lalaki" sagot ni Huan, naramdaman nya siguro ang ilang ni Kaleen "Eh, basta ako matutulog ako" sagot ni Jom "Tabi tayo Jom!" Natatawa tawang sabi ni Lia "Che! Manahimik ka, kadiri" sagot ni Jom "Basta kami ng bebe ko, tabi kami" singit ni James habang kinikiliti kiliti si Julie Napairap nalang ako at naglakad na papuntang dagat. Umupo ako sa gilid habang pinagmamasdan sina Edie naliligo Ang lamig lamig, paano nila nakakaya yon. Nagsimula nang kumuha si Huan ng kahoy at pinagsasama sama nya ito sa gitna ng buhanginan. "Bonfire?" Nakangiti kong tanong Tumango naman si Huan at umiwas na uli ng tingin Tumayo ako at nagsimula ding maghanap ng mga kahoy sa paligid. Nang makaipon na ng madami, sinimulan na itong paapuyin ni Huan. "Boy scout pala tong si Huan eh" nakangiting sabi ni Jom Dumating na rin si Vince at may dala itong hotdog at marshmallow. Naka-stick na ito kaya tuwang tuwa kami nila Madie mag-ihaw isa isa nito Pero yung marshmallow ay sa bonfire namin inihaw. First time kong makatikim nito, parang natutunaw sa bibig. "Ang serep!" Sigaw ni James Nagtawanan naman kami, nagsimula naring mag gitara si Kaleen at isa isa na kaming umupo sa paligid ng bonfire. Sabay sabay kaming kumanta at nagkwentuhan habang lumalalim ang gabi. Katapat ko si Huan at kapag humahangin at lumiliit ang apoy ay nagtatama ang tingin namin. Ito na naman ang kabang ito. Matagal kong hindi naramdaman 'to. Bakit kay Huan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD