Huan
Huling taon na namin ito sa high school, sa susunod na taon ay college na kami. Kanya kanya narin kaming hanap ng school kung saan kami mag-eenroll. Alam kong magkakahiwa-hiwalay na kami, malungkot. Pero ganun talaga ang buhay.
Magaganda ang school na napili nila, pero ako? Dito pa rin sa bayan namin. May magandang school naman dito sa bayan namin na dinadayo din ng mga taga ibang bayan. Hindi na ako nag abalang maghanap ng malayong school, hindi pa rin siguro ako handang malayo kina mama.
Naka move on na ako sa mga nangyari last year, lalo na kay Kevin. Malaking tulong din na hindi ko na nakikita ang lalaking iyon. Dahil naka graduate na sila. Wala na rin akong balita sakanya. At lalong wala na akong pakialam.
Sinunog ko na lahat ng mga bagay na makakapagpa-alala sakin sakanya. Wala naman syang kwenta so bakit ko pa sya pag-aaksayahan ng oras. Nag focus ako sa pag-aaral at walang ibang inisip kundi ang maging masaya kasama ang mga kaibigan ko.
May nakilala akong iba nitong nakalipas na limang buwan. Pero hindi rin nagtagal dahil mahal pa nya ang babaeng una nyang nakilala saakin. Okay lang sakin, manhid pa ako sa ginawa saakin ng walang kwentang lalaking iyon. Kaya mula noon, sinara ko na muna ang puso ko sa mga ganung bagay. Bata pa ako, hindi pa dapat iniisip yan. Hindi ko alam kung niloloko ko lang sarili ko this time.
Wala akong ibang ginawa kung hindi manuod ng mga Korean Drama. Sa mga artista nalang ako nagkaroon ng crush. Tumaas ang standard ko sa lalaki mula nang makapanuod ako ng mga drama. Pakiramdam ko'y nangyayari sa totoong buhay ang mga ganung bagay. At lahat ng lalaking magugustuhan ko dapat gwapo, mayaman at bibigyan ako ng nanay nya ng milyon para layuan ang anak niya.
Unti unti nang gumagaan ang pakiramdam ko, dahil wala na akong bigat na nararamdaman. Pag-aaral, pamilya at kaibigan nalang ang naging buhay ko noon. Masaya pala kapag ganito lang.
Sobrang naging busy kami ng ilang buwan bago mag-graduation. Naging muse din ako ng klase namin at nung gabi nang coronation, nagulat ako nang lumapit si Kevin para magpapicture sakin matapos makapagpa picture ng mga kaibigan ko. Kitang kita ko ang masamang tingin ni Gly sakanya.
Ngumiti nalang ako sa camera at narinig ang bulong nya
"Ang ganda mo"
Nilingon ko sya at sa huling beses na pagtama ng tingin namin, hindi na tulad ng dati.
Hindi na kumakabog ang dibdib ko gaya nung una.
Hindi na ako kinakabahan sa mga titig nya.
Nakaka-usad na ako.
"Thank you" sagot ko habang nakangiti
Yung ngiti kong tunay at hindi pilit.
Naka move on na ako. Kahit ngayon ko lang uli sya nakita, wala na akong sakit na naramdaman. Tanggap ko na.
Ngayon magsisi sya dahil sinaktan nya ako.
Ganun din nung gabi ng graduation namin, nandun din sila nila Kuya Frank para magpaalam saamin. Dirediretsyo ang luha ko hindi dahil kay Kevin, kung hindi dahil sa lungkot na magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko.
Pilit kong ibinabaon sa isip ko ang pagdating ng araw na 'to. Na magkakahiwa-hiwalay na kami. Ako ang pinaka nalungkot sa paghihiwalay namin. Dahil ginawa kong buhay ang mga kaibigan ko. Kaya nahirapan ako ng sobra ng isa isa na silang umalis at pumunta sa malayong lugar.
Naiwan ako.
"Nak, enrollan na sa school ah. Magpasa ka na ng requirements mo." Sabi ni mama pagpasok nya ng kwarto.
"Tapos na ma, iniintay ko nalang ang result" sagot ko habang nakatitig sa cellphone ko.
Bago na ang cellphone ko, wala ng keypad. Touch screen na. Pwede na ring buksan ang account ko online, hindi na kailangan ng laptop.
Yun nga lang, nauubos ang pera ko sa load.
Pero anong silbi ng ganda ng gadget, kung wala na ang mga kaibigan mo at magkakalayo na kayo.
Dati hirap pa kami kumuha ng litrato kasi wala pang may maganda saming camera. Ngayon, nag gagandahan na ang mga cellphone namin pero hiwa-hiwalay na kami. Diba ako ang pinaka malungkot.
Madalas ko nalang makita ang mga post ng kaibigan ko sa social media. Masaya silang namamasyal sa iba't ibang lugar.
Naiwan ako.
Hindi lang pala ako, nandito pa din si Jona.
Iyon ang naging dahilan kaya lalo kaming napalapit ni Jona sa isa't isa, kami lagi ang magkasama kapag may gusto kaming itry na bagong restaurant sa bayan. Sya na din ang lagi kong nilalapitan kapag may problema ako. Ganoon din naman sya sakin.
Hanggang sa magsimula na ang pasukan. Magka-iba kami ni Jona ng kurso. Pero madalas pa rin kaming magkita pagkatapos ng klase.
Marami akong bagong nakilala mula nang magsimula ang pasukan. As in, madami.
Si Julie at James, sila ang love team saamin. Love team sa totoong buhay.
Si Madie, Kaleen, Jom, Edie, Lia, Kim, Vince, Huan at Ako.
Minsan ding sumasama saamin si Jona kahit may iba din syang mga kaibigan sa klase nya. Madalas kaming tumambay sa gilid ng gym ng school. Doon kami naglalaro ng charades. Isa sa naging paborito naming bonding.
Seryoso na ang buhay sa loob ng college. Dito na nakasalalay ang susunod na yugto ng buhay namin pagkatapos nito. Hindi na kami mga bata, at nag matured na rin ako mula ng magsimula ang klase namin.
Pero pag magkakasama kami, at nasa labas kami ng classroom, para kaming mga bata ulit.
Minsang naglaro kami ng habulan, masyado kaming nag enjoy. Kaya ko na ring tumakbo ng malayo, hindi na gaya ng dati. Hindi na rin ako madaling habulin.
Pero nang maabutan ako ni James, natulak nya ako nang hindi sinasadya.
Alam ko nang tatama ang mukha ko sa sahig pero nagulat ako ng may palad na humarang dito. Nasalo ako. Nasalo ang mukha ko.
Pag tingala ko, dahan dahang luminaw ang paningin ko.
Kamay ni Huan ang nakaharang. Hawak nya ang pisngi ko habang itinatayo ako ng maayos.
Tawanan naman nilang lahat ang narinig sa buong gym.
Biglang kumabog ang dibdib ko nang magtama ang tingin namin ni Huan. Lagi kaming magkakasama pero hindi kami naglalapit ng ganito. Hindi rin kami nag-uusap nang kaming dalawa lang. Madalas kasi syang tahimik at paisa isa lang samin ang nakakausap nya. Madalas syang maglaro ng mobile games.
Tingin ko nga sakanya ay techy boy. Dahil sa tuwing may reporting kami, magaling sya mag ayos ng mga powerpoint. At kapag nagloloko ang laptop na ginagamit namin ay naaayos nya.
Walang pumansin saamin kaya tumakbo na uli ako pabalik sa pwesto ko kanina.
"Juno, ikaw ang taya diba?" Sigaw ni James
"Huh? Hindi ah" sagot ko pero dahan dahan na akong lumalapit kay Kaleen. Hindi nya ako napansin kaya naabutan ko sya. Tumakbo na uli ako palayo para hindi na maabutan.
At muling tumakbo si Kaleen para habulin ang malapit sakanya. Mabilis kaming napagod kaya maya maya pa ay tumigil na rin kami. Maaga natapos ang klase kaya nagpapalipas nalang kami ng oras hanggang mag-uwian.
Ito ang masaya sa college, madalas walang klase o di kaya isa hanggang dalawang oras ang bakante bago magsimula ang susunod na klase.