Chapter 1
Mathew POV:
' Nandito ako sa kwarto ko kakatapos ko lang maligo para papasok sa trabaho. Para mabilis, nagboxer muna ako bago ko tinanggal ang towel sa katawan ko. Mamaya pagkatapos ng trabaho sasamahan ko ang mga kaibigan ko bar matagal na rin kasi na hindi ako nakasama sa kanila dahil lagi akong tumatanggi. Nang may kumatok sa rook ko pinagbuksan ko ito pero sinuot ko ulit ang tuwalya ko.
" Sir, uuwi na po ako hindi ko po kaya ang ugali ng anak niyo." What the heck, anong nangyari?
" Wait lang naman yaya baka naman madala pa sa usapan ang lahat?" ayoko ko kasi na walang yaya ang anak ko dahil lagi akong ginagabi sa trabaho. At ang iba kong katulong ay pagod din dito sa gawaing bahay.
" Sorry, po sir pero aalis na po ako hindi ko po na talaga kaya ang anak ninyo, hindi ko po kaya ang ugali niya tsaka lagi po niya akong pinaprank." Sumbong nito sa akin.
" Yaya, lakihan ko nalang ang sahod mo gawin ko nalang fifty thousand a month, wag mo lang iwanan ang anak ko." Kailangan ko magmakaawa dahil kapag iniwan ng yaya na to ang anak ko hindi na ako makakahanap ng magbabantay sa kanya panigurado.
" Sir, kahit taasan niyo man ang sahod ko kung ang ugali ng anak niyo po ang kalaban ko, mabuti nalang po na wag nalang." Tsaka siya tumalikod at lumabas ng kwarto. Hahabulin ko sana para pakiusapan pero nakalayo na at nagsuot lang ako ng tuwalya. Baka mamaya paglabas andyan ang anak ko at pagtatawanan pa ako. Pati ako niloloko ng anak ko. Kung hindi lang sana namatay ang mommy niya hindi kami magkaganito.
' Pinuntahan ko ang anak ko sa kwarto niya pagkatapos ko magbihis.'
" Anak, naman, bakit lagi mo nalang sinusuway ang mga yaya mo? tingnan mo wala pang isang linggo minsan di pa abutan ng dalawang araw, isang buwan, kahit man lang tatlong buwan walang nagtagal sayo." Paninirmon ko sa anak ko. Ang ugali niya kapag may gusto siya na hindi nasusunod nagwawala, binabato ang mga yaya niya. Minsan hinagisan ng ahas na laruan, kaya kung ibang yaya niya nahihimatay lalo na ang kawawang matanda na nagbantay sa kanya noon.
" I want mommy, I don't want others to take care of me. You're always at work because you want to take care of the company. Sometimes you will go home I am already asleep and who's with me by that time Daddy it's my freaking yaya. My ugly yaya. Find me a better one the sexy, hot, and very beautiful Yaya. So that I won't make her fun every day." Ganito naman siya lagi. Laging nilalait ang mga yaya niya mga magaganda naman pero ewan ko ba sa isang ito. Hindi pa siya nakuntento binuhusan pa niya ng tubig.
" Marcus Leandro Serbantes. You know that it's hard to find a yaya based on your criteria anak, kung hindi mo baguhin ang ugali mo kahit makahanap man tayo ng yaya na sinasabi mo iiwan ka pa rin dahil sa ugali mo yang? naiintindihan mo ba ako, huh, Marcus?" Sininghalan ko na siya dahil punong puno na ako sa batang ito. Siguro ganito ako dati sa mga magulang ko, laging pasaway.
" I hate, everybody in this house." Saka siya tumakbo sa room niya at sinarado. Paano ko ba gagawin ang gawaing pambabae kung pati anak ko hindi ko makontrol. Jesus, help me to raise my child." Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si mommy at daddy.
" Dad, can you come over to watch Marcus, please?" Hindi ko kasi maiwan itong batang 'to kung walang bantay. Kapag siya lang maiwan dito lahat ng katulong ko pinagtitripan.
" Saan ba ang yaya niyan at kami ang tinawagan mo para magbantay kay Marcus?" Lagi ko kasi silang kinukulit kapag wala ng yaya si Marcus. Sila ang pinapabantay ko dahil kampante ako kapag mga magulang ko ang magbantay.
" As usual, dad pinagtripan at umalis dahil hindi niya kaya ang ugali ni Marcus." Namoblema din kasi sila kay Marcus. Bukod sa namatay na ang mommy niya alam din nila daddy na hindi ko makontrol si Marcus.
" Maghanap ka na kaagad ng yaya ni Marcus para maybantay sa kanya. Bakit di ka ulit lumapit sa kaibigan mong may katungkulan sa NBI? baka matulungan ka nun maghanap ng yaya ni Marcus? bukod sa kilala na natin siya, siya din ang humawak sa kaso natin sa kompanya?" Bakit ba kasi hindi ko naisip yun ano?
" Sige dad, susubukan kong magtanong sa kanya baka matulungan niya ako sa paghahanap ng yaya ni Marcus. Pero pwede bang dito na muna kayo sa bahay ni mommy para may magbantay pansamantala kay Marcus?" Pakiusap ko kay daddy.
" Pupunta na kami dyan. At kami na din ang maghatid kay Marcus sa School. Maghanda kana at baka ang mga kaaway natin sa kompanya nagdiwang na." Alam ni daddy na may kaaway siya na nakapasok sa kompanya kaya hindi siya kampante na wala ako doon.
" Alright, Dad aalis na ako hindi ko na kayo hihintayin ni mommy dahil kailangan ko pang idadaan ang mga contrata sa mga clients na gusto mag invest sa kompanya natin." May mga businessman at businesswoman din kasing gusto mag invest sa Serbantes Corporation. Kaya sikat ang kompanya namin dahil sa pamamalakad din ni daddy ng maayos.
" Bye, dad." paalam ko sa kanya.
" Bye iho, mag iingat ka palagi. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo." sabay baba niya sa tawag ko. Nang ako ang namahala sa kompanya lagi nalang worried si dad. Pinasa na kasi niya sa akin ang pamamahala ng Serbantes Corporation dahil napapagod na siya. Umakyat ako sa kwarto ni Marcus pagkatapos namin mag usap ni daddy.
" Anak, this is daddy. Can you open the door please?" Ganito siya pag nagwala laging naglolock ng room. Pero kapag mommy niya dati ang kausap niya lagi siyang malambing, hindi makitaan ng pagkamaldito sa sarili.
" I don't want you to go to work, you stay with me. I want you to send me to school today." Alam ko na kulang ang pag aalaga ko kay Marcus. " Anak, busy si daddy today. Si grandma at granddad ang pupunta dito para magbantay sayo at maghatid sa school. Nag usap na rin kami na maghanap ng yaya na papasa sa panlasa mo, okay?" Tsaka naman umaliwalas ang mukha niya at niyakap ako. " Thank you, daddy, I love you." Humalik pa siya sa akin bago ako binitwan. " Pwede na ba ako pumunta ng work today anak?" Sigurado kasi ako na magwala to kapag ipilit ko pa na aalis ako. " Go, Dad, grandma, and granddad will be here soon, I will wait for them." Tsaka ako nakahinga ng maluwag. Kiniss ko siya at ginulo ang buhok tsaka ako lumabas ng kawarto niya.
" Manang, paki handaan nalang si Marcus ng pagkain. Pagkatapos sabihan niyo siya na maligo at magbihis, sina dad at mom ang maghahatid sa school niya habang naghahanap pa ako ng kapalit sa yaya niya. Manang wag mo din kalimutan ang padalhan siya ng papunas sa pawis niy. Maya maya andito na sila dad at mom." Bilin ko sa katiwala ko sa bahay. " Sir, pwede po ba na ako nalang ang magpaligo kay Marcus, para mabilis po siyang makaligo?" Ang hindi alam ni manang na nagagalit si Marcus kapag tinuturing siyang baby. " Manang, pabayaan niyo na si Marcus maligo mag isa, malaki na siya para paliguan pa. Isa pa ayaw niya na ngayon na binibaby siya dahil malaki na daw siya at hindi na siya newborn." Ayaw ko lang kasi na magkagulo dito sa bahay kapag wala ako. Kaya kailangan sundin nila lahat ang habilin ko para walang gamit na magliliparan. " Siya nga pala Manang, late na ako makauwi mamaya at magkikita kami ng mga kaibigan ko. Dito na rin siguro sila dad at mom matulog muna habang wala ako dito, okay?" sabay tango niya sa akin at tumalikod na papuntang hagdan para gisingin si Marcus.
' Pagpunta ko pa lang ng parking narinig ko na ang sasakyan nina daddy at mommy. " Iho mabuti naman at naabutan pa kita nasaan ang apo ko?" Di man lang ako kinumusta. Tanging si Marcus agad ang hahanapin kapag nandito siya sa bahay. " Nasa loob mom, nagbihis na yun para sa school. Dad, pwede ba na dito na muna kayo matulog? magkikita kami ng mga kaibigan ko baka malate ako ng uwi mamaya at maghanap si Marcus sa akin." Pakiusap ko kay daddy. Tumango naman siya bilang pagsang ayon niya. Sumakay na ako ng kotse at nag wave ako kay dad, si mommy kasi nasa loob na para kuhanin si Marcus at maihatid sa school.
" Hello," Sagot ko sa kabilang linya. Tumawag si Tim ang isa kong kaibigan na lawyer at may ari ng mga sasakyan. " Dude, are you busy this time? can we visit you at the office now? right now we're on our way to see you." Sakit na naman ang ulo ko nito mamaya pagkadating nila, wala na naman akong trabaho nito mamaya. " Sure, I'm on my way too, magkita nalang tayo sa opisina ko." Ihanda ko na ang sarili ko dahil alam ko na kapag dumating ang mga yun bugbog ako sa kanila tungkol sa babae at kay Marcus. Inaanak nila si Marcus. Pagdating kay Marcus lagi nila akong inaasar, minsan di ko na sila pinapansin at baka masuntok ko pa ang mga yun kapag nagkataon.
' Nagpark ako ngayon pagkadating ko sa kompanya ng may mabangga akong tao nakahood. " Sorry, and be careful next time." Tiningnan ko siya pero dali dali siyang umiwas sa akin at sumakay ng taxi. Sino naman kaya yun? kaya tinanong ko ang guard. " Kilala mo ba ang taong nakahood na nanggaling dito sa building?" Boses babae siya, pero sino kaya siya at anong kailangan niya dito sa kompanya ko? baka may kaibigan lang siy dito na dinalaw. " Let the security come to my office asap. I have to ask something regarding the suspicious I encountered this morning." Tumango naman ang guard sa akin.
' Papasok na sana ako ng dumating ang mga kaibigan ko sakay sa magagara nilang kotse. " Hey, dude, good thing na naabutan ka namin dito." Si Lemuel isang doctor at tagapagmana ng Aviation group of company. " Dude, busy lang kasi yan sa mga babae niya kaya kahit yayain natin ng inuman hindi sumasama." Si Fritz ang may ari ng rancho. Ang tagapagmana din ng clothing company dito sa pinas at maging sa ibang bansa. " Ano ba kayo. Pabayaan niyo na yan si Mathew at kailangan pa niyang bugbugin ang sarili niya sa paghahanap ng babae para may magpaligaya sa kanya gabi gabi. Alalahanin niyo si Marcus pa lang ang sakit ng kanyang ulo." Nagsitawanan pa sila pagkatapos akong inisin. Siya naman si Nicholas ang nagmamay ari ng mga hotel, bar, at pagawaan ng wine dito sa Pilipinas at sa Europe. " Pwede bang tigilan niyo na yan, umakyat muna tayo sa office ko at may kailangan pa akong asikasuhin." Nagpasiuna na ako sa kanila at sumunod naman silang tatlo sa akin. Pagpasok pa lang namin sa pintuan ang mga empleyado kung mga babae naghiyawan pa akala mo naman walang mga asawa. " Sayang at may asawa na ako. Magpapaanak talaga ako sa isa sa kanila ang popogi, sila lang yata ang biniyayaan ng kapogian ng langit." Mga babae talaga kapag gwapo halos dakmain ka na para lang makahawak. " Hi, girls, kumusta kayo dito sa kompanya ng kaibigan namin." Pambihira talaga to si Lemuel. Kahit may asawa pinapatulan pa. " Okay na okay, sir, sobra bait ni sir Mathew kaya crush namin siya." s**t natapilok pa ako. Itong gago kasi. " Tama na nga sa pagpapaflirt Dude, kahit may asawa pinapatulan mo." Saway naman ni Fritz sa kanya. " Dude, wag ako, isa ka rin naman. besides you have s*x with those girls, remember?" Saka ako lumingon sa kanila. " Tama na nga naririndi na ako dyan sa pagkababaero niyo." Pagdating sa office ko lumapit ang secretary ko. Lalaki na ang kinuha ko dahil kapag babae king magsuot ng damit halos nasa bar na at ayaw na magpanty may dede pa na halos luluwa na sa laki. " Good morning po sir may pipirmahan po kayo na mga contract." Kinuha ko ito at binasa. " Thank you." Saka kami pumasok sa loob ng office ko at umupo naman sila sa couch na nasa sulok. " Dude kumusta na pala si Marcus?" Tanong ni Lemuel sa akin. " Okay, naman siya. As usual, wala na naman siyang yaya. Umuwi at nilayasan dahil sa ugali ni Marcus na hindi niya daw kaya. Pinapahanap niya ako ng yaya na maganda, sexy pa." Sumbong ko sa tatlo. Nahihirapan ako magpalaki kay Marcus na walang ina ang gumagabay. " Bakit kasi ayaw mo pa maghanap ng babae para maging ina ni Marcus?" Suhistyon naman ni Nicholas. Itong tatlo na ito lagi akong tinutukso sa mga babae, laging nangingialam sa love life ko. " Wala pa akong panahon dyan sa ngayon, maybe next time if I found the right one." Tsaka ako pumunta sa table at kinuha ko ang landline at nagdial. " I want the security team to go up here." Tsaka ko binaba ang telephone at umupo sa swivel chair ko.
" Dude, anong meron?" tanong ni Fritz. Kailangan ko rin mag ingat dahil ang mga kaibigan ko baka mapahamak din. " I am suspicious about the girl I was bumped earlier. Sa tingin ko may kung anong ginawa siya dito sa kompanya na hindi ko nalalaman." Pati sila hindi makapanila sa sinabi ko. " Teka, di ba may kaibigan kang may mataas na katungkulan sa NBI? bakit hindi tayo doon manghingi ng tulong?" Maganda ang idea ni Lemuel. Pero mamaya ko na kokontakin yun at kailangan ko lang malaman muna kung sino ang babae kanina na nakabanggaan ko. " Sir, andito na po ang security team, papasukin ko na po." At bumukas ang pintuan ng office ko at pumasok na sila. " Sabihin ninyo sa akin kung namonitor niyo ba ang lahat ng pumapasok sa kompanya. Lalong lalo na ang kahina hinala na mga kilos dito sa loob ng kompanya." Diretsang sabi ko sa kanila. Pinalagyan ko ito ng security team para mamonitor ko ang mga kahina hinalang mga tao na pumasok dito. " Sir, tingnan niyo po ito, baka ito po ang babae na nakabanggaan ninyo kanina ng kayo po ang pumasok dito. Simula po pagpasok at sa paglabas po niya." May pinakita ang security sa akin at tiningnan namin ito. Pati mga kaibigan ko lumuwa ang mga mata sa nakita. " Holy s**t, dude bakit may nakapasok na anghel dito sa kompanya mo na hindi nalalaman? Grabe pari ang ganda niya at ang sexy pa. Bakit hindi ako ang nakakita sa kanya kanina." Ito si Lemuel basta maganda wala na siyang pakialam kung may problema o wala. Kaya ko siya binatukan. " Dude, naman wala namang ganyanan, bakit ka ba nangbabatok, eh talaga namang maganda at sexy ang babae na yan oh?" Sabay turo niya sa babae. "Dude, alam mo naman na nagproblema ang kaibigan natin dahil sa babae na yan tapos puro kalokohan ang sinasabi mo." Isa pa itong isa kunyari sinasaway niya si Lemuel pero pati siya tumulo ang laway sa kakatitig sa dibdib ng babae. Walang pag asa ang mga ito pagdating sa babae. " Alam niyo, sarili niyo lang ang niloloko niyo. Wag niyo nga akong gaguhin alam ko naman ang nasa isip niyo pagdating dito sa babae an ito. Tumulo na nga laway niyo sa kakatitig dito. Magsi alis kayo sa laptop ko at baka masipa ko pa kayo palabas dito sa office ko." Para namang kaya ko silang sipain palabas. " Dude, alam mo naman na pahas lang tayo ng nasa isip. Kaya mamaya sa bar hahanap ako ng pwedeng magpaligaya sa akin." Nicholas talaga puro kalaswaan nalang ang nasa isip. " Pero dude, sino naman ang nakabangga mo kanina? di ba sabi mo nakahood siya? at ng tiningnan mo dali dali siyang pumasok sa kotse niya at pinaharurot niya ito? boses babae lang ang alam mo." Si Fritz, kapag ganito ang usapan seryoso talaga siya dahil biktema na rin kasi siya ng ganitong modus.
" Yan ang kailangan kong malaman." Kailangan kong asikasuhin ang ganitong bagay. Dahil kapag hindi baka bukas makalawa mawala na itong kumpanya sa amin.
" Bumalik na kayo sa trabaho, salamat sa pagpunta and please monitor everything. I don't want any mess of this problem." nagsitanguan sila sa akin at lumabas na sila ng opisina ko.
" Sir, you have a meeting for the board of directors at 3 pm po, then at 5 pm po si ma'am Clarita para po sa pag expand nitong kompanya." s**t may schedule na agad ako.
" Sed, reschedule my meeting, busy ako ngayong araw ." Bilin ko sa secretary ko.
" Okay, sir sasabihan ko nalang po sila na nireschedule po ninyo ang meeting. I adjusted the day and time too, sir. " Wala talaga akong problema kay Sed kapag siya nag asikaso ng mga schedule ko. " Please, do it Sed. Thank you." Tumango siya at lumbas na ng office.
" Dude, what will you do now? ngayon na may nagbabalak na pabagsakin ka. Kailangan na rin nating kumilos." Tama naman si Fritz, hindi ko ito palalagpasin.
" Tatawagan ko lang ang kaibigan ko sa NBI para matulungan tayo sa pag iimbistiga." Sagot ko kay Fritz.
" Alright then. So, ngayon aalis na kami at magkita nalang tayo sa bar mamaya. Wag na wag mo kaming iindianin dude." Tinapik ako sa balikat ni Nicholas at lumabas na sila ng opisina. At niwan akong nag iisip at sumakit na naman ang ulo ko. May tumawag sa phone ko at sinagot ko ito.
" Mr. Serbantes, you have to be careful from now on. Your enemy is watching you, always prepared, and don't be calm always." Bakit niya ako kilala? saan niya nakuha ang number ko?" Yan ang mga tanong na kailangan kong lutasin. Lalo na at stranger ang tumawag sa akin.
' Nagring ulit ang phone ko.'
" Hello, bro?" Ang kaibigan ko sa NBI.
" Bro, bakit napatawag ka?" Ito ang gusto ko sa kanya kapag may kailangan ako. Handa agad siyang tumulong.
" Bro, may problema ako ngayon, pwede ba tayong magkita? nasa bar ako mamaya sa dati nating pinupuntahan doon tayo magkita. " Hindi na rin ako magpapakampante ngayon dahil kumikilos na ang mga kalaban ko sa kompanya.
" Okay, alam ko importante to sayo. Magkita nalang tayo sa bar. I'll see you around, bye." At binaba na niya ang telepono. Magkita nalang kami sa bar mamaya para makapag usap.