Chapter 35

1007 Words

MAS LALONG lumakas ang ingay sa paligid. Ramdam ko ang mapanghusgang tingin na ibinibigay sa akin ng mga kasama namin. Alam ko ang ibig sabihin ng mga ganoong klaseng tingin na ibinibigay nila. Hindi na ako nagtaka kung hinuhusgahan na nila ako ngayon dahil sa videong 'yon. Lumuko ako at pilit na itinago ang mukha mukha mula sa mapanghuhusga nilang tingin. Bakit ngayon pa kailangan mangyare 'to? Bakit ngayon pa?! "Anong ibig sabihin nito Mr. Lazamana? May relasyon kayo ng impleyado mo?" gulat na tanong ng isa sa mga executives. "Alam mong isa sa mga rules ng kompanya ay bawal na bawal ang makipagrelasyon sa impleyado." "I know," iritadong aniya ni Crem. "Kung alam niyo pa lang bawal ay anong ibig sabihin nito?" dagdag ni Mrs. Alonzo. "Ano na lang ang sa tingin niyo ang iisipin ng mga e

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD