Chapter 34

1198 Words

HINDI ko magawang maipaliwanag ang kabang nadarama ko habang kasaluyang nag-aantay sa paglabas ni Daddy sa office ni Crem. Bakit ba kasi kailangang biglaan pa ito kung pumunta? Wala tuloy akong kaalam-alam na nandito pala siya. Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila pero sa itsura kanina ni Daddy ay mukhang seryoso ang mga ito. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan. "Aren't you going back to your team?" nakakairitang boses na tanong ni Azalea. Nakapamewang pa ito at taas ang kilay. Napakamot ako sa batok. "O-Oo nga pala." Kahit ayaw ay wala akong nagawa kundi ang bumalik sa workplace namin. Nakakainis! Gusto kong malaman kung ano ang pinagu-usapan nilang dalawa! Siguro naman ay hindi ako ichi-chismis ng masama ni Crem kay Daddy noh? Humanda talaga siya sa akin kapag nalaman kong ano ano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD