INANTAY KO ang magiging sagot nito ngunit lumipas ang mga minuto ay nanatili lang itong nakatayo roon. Hindi ko mapigilang makaramdam nang kaba nang sa bawat pagdaan ng minuto. Bahala na kung isipin man nitong despirada ako. Total pagsisihin ko rin naman ito kapag natanggal na sa sistema ko ang tama ng alak, bakit hindi ko pa lubos-lubusin, hindi ba? Napabuntong hininga ako at muling inulit ang sinabi ko kanina. "I want to sleep with you tonight—" "No," seryoso ang boses nito tila hindi man lang konsidera ang sinabi ko. "How can I let a drunk woman stay in my room," mahinang bulong nito pero umabot pa rin sa tenga ko. Hindi ko mapigilang mairita. Bakit ganon na lang nito kamuhian ang kaisipang tumabi sa akin sa pagtulog, Samanta hindi naman ito ang unang bases na matutulog ako sa tabi n

