DAHAN DAHAN kong binuksan ang pinto nang VVIP. Dahan dahan ang galaw ko sa takot na baka mahuli nito at malamang tinangka kong pumasok sa kwarto niya. Dinaig ko pang magnanakaw sa ginagawa ko ngayon. Gusto kong malaman kung anong ginagawa nito sa kwarto nito kaya ayaw niya kong patulugin dito. Baka mamaya ay may dinala pala itong ibang babae sa kwarto niya kaya ayaw niya kong patulugin dito! "Subukan niya lang! Isusumbong ko siya kay Tita Agnes!" bulong ko sa sarili dahil sa naisip. Siguro ay masyadong na nga talaga akong lasing at ni-hindi ko na alam pa ang mga pinagsasabi ko. "Siguradong itatakwil siya ni Tita kapag nalamang niloloko niya ko!" Ang magandang desenyo ng kwarto ang unang sumalubong sa akin pagkapasok ko. Di' hamak na mas malake at mas maganda ang desenyo ng kwarto nito ke

