TAGAKTAK ang pawis na tinakbo ko ang buong hallway nang kompaniyang pinagtratrabahuhan ko. Halos magkandadapa-dapa na 'ko marating lang ang conference room kung saan magaganap ang meeting nang lahat ng mga representatives at head nang bawat department namin.
"Sandali, Sasakay ako!" Mas binilisan ko pa ang kilos nang makitang kaunti nalang ay papasara na ang elevator na sinasakyan nila Venice. "Wait. Y-Yong elevator! Sasakay sabi ako!"
Ngunit sa halip na intayin ako nito ay tila nabingi-bingihan pa ang mga ito at nagkunwaring hindi na rinig ang sinabi kong 'yon at pinanood lang akong halos madapa na makahabol lang sa papasarang elevator.
"You can use the stairs," aniya ni Venice. Hindi nakalagpas sa 'kin ang mahinang tawanan nito at nang mga kaibigan niya bago tuluyang sumara ang elevator.
Pinigilan ko ang sariling mapamura sa inis. Mukhang sinusubok talaga ng araw na 'to ang pasensiya ko! Una, may demonyong nilalang ang nagpatay ng alarm ko kagabi dahilan upang anong oras na 'kong nagising kanina! Tapos ngayon naman ito?!
Wala akong nagawa kundi gamitin ang fire exit katulad nang sinabe ni Venice. Minsan napapaisip nalang talaga 'ko kung ano nga bang katarantaduhan ang ginawa ko sa fast life ko para magdusa ako nang ganito? Feeling ko nananadya na si kamalasan, e!
Malas pa at mukhang nagsisimula na sila nang makarating ako. Pero mukhang hindi pa do'n natatapos ang sangkatutak na kamalasan ko. Dahil ang mukha ni Sir Crem ang unang sumalubong sa 'kin pagka-tapak na pagka-tapak ko palang nang kwartong iyon.
"Ms. Del Fierro? What time is it? Mabuti naman at naisipan mo pang pumasok?!" Hindi na 'ko nagtaka pa nang sermon ang unang isalubong nito sa akin.
Ramdam ko ang mga tinging ibinabaling saakin ng mga taong kasama namin sa kwarto na maslalong nagpadagdag sa kahihiyang nadarama ko. Sa lakas ba naman ng boses nang binata ay hindi na 'ko magtataka pa kung makuwa man namin agad atensyon ng mga ito.
"S-Sorry po, Sir. Traffic po kasi," palusot ko. Sa totoo lang ay gusto ko ng lamunin nang lupa dahil kahihiyang nadarama ko ngayon.
Agad na tumaas ang kilay nito dahil sa palusot ko. "Traffic? What a lame excuses is that?!"
Alam kong alam niyang nagsisinungaling ako. Kung totuosin ay hindi naman dapat ako mali-late ngayon kung hindi dahil sa kupal na lalaking 'to e! Ni-hindi niya manlang naisipang gisingin ako kahit na sa iisang bahay lang naman kami, at ang mas malala pa, basta nalang nitong pinatay ang alarm ko kagabe kaya anong oras na 'kong nakapasok ngayon!
Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula nang lumipat ako sa bahay nito matapos ang kasal kaya alam kong alam niyang nagsisinungaling ako. Hindi ganon kalayo ang nito bahay sa opisina at hindi rin ganon katraffic kaya hindi ka gaanong mali-late pwera nalang kung anong oras ka nang gumising katulad nga nang nangyari sa 'kin. Pero kung sakali mang i-point out niya ang tungkol don ay paniguradong magtataka ang mga kasama namin kung bakit niya alam ang bagay na 'yon.
"You should take your sit first, Crem." Mabilis na pumagitna sa amin si Sir Declan nang mukhang hindi na nakayanan pa ang namumuong sama ng panahon sa pagitan namin ng pinsan niya. "I don't think this is the rigth time for you to be angry to your employee, especially when we're not the only one here," humina ang boses nito nang banggitin ang huli niyang sinabi.
Naintindihan ko agad ang nais nitong ipahiwatig. Tyaka ko lang napansin si Mrs. Alonzo na nakatayo sa harapan at mukhang natigilan na presentation nito dahil sa nangyayari.
Mukhang naintindihan naman ni Crem ang nais nitong ipahiwatig. Muli ako nitong hinarap at pinanlisikan ng tingin. "This will be my last warning," aniya bago ako talikuran.
Hindi ko mapigilang mairita sa inaakto niya. Kung wala lang siguro dito si Sir Declan ay baka kanina pa iyong naglumpasay. Sanay na 'ko sa ugali nito pero hindi ko pa rin mapigilang mainis. Napapaisip na lang nga ako kung sino ba'ng mas matanda sa 'ming dalawa dahil sa inaasta niyang 'yan!
Kahit nagtataka ay agad namang sinundan ni Sir Declan ang pinsan. Kita ko ang pag-akbay nito kay Crem at may ibinulong na hindi ko na kung ano. Mabilis namang nalukot ang mukha ni Crem dahil sa ibinulong nito at makailang beses pang pinagmumura ang pinsan niya na tinawanan lang siya.
Hindi ko na pinansin pa ang mga ito at hinahanap ang pwesto ng departament namin. Mabilis ko rin itong nahanap ng kawayan ako ni Kenneth, isa sa mga membro ng department namin.
"Bakit ngayon ka lang, Rai? Akala ko hindi ka na papasok," tanong ni Lennox nang makalapit ako.
"Aga mo, a," si Kenneth.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ng mga ito. "Anong oras na 'kong nagising, Kanina pa kayo nagsimula?"
"Kakasimula pa lang."
Tumango ako bago ibalik ang paningin sa harapan pero kalaunan ay hindi ko rin mapigilang maibaling ang paningin kay Crem na kasalukuyang busy sa pagsusulat. Seryoso na itong nakikinig sa presentation at mapinsan minsan ay bumabaling sa papel niya upang magsulat nang kung ano doon.
Sana nalang ay palagi siyang ganyan 'yong tipong hindi siya inaatake ng sama ng loob o kademonyohan niya.
Mukhang napansin naman nito ang paninitig ko. Mabilis na magkasalubong paningin namin. Hindi nakalagpas sa akin ang pag-irap nito nang makitang nakatitig ako sakaniya.
Inis akong nag-iwas ng tingin. Binabawi ko na ang sinabi ko. Mukhang wala talagang oras na hindi ito inaatake ng sakit nya!
Lumipas ang oras at mabilis na natapos ang meeting. Naiwan ang department namin upang mag-ayos ng mga ginamit na visual kanina. Sa totoo lang ay hindi naman dapat talaga kami ang nakatoka sa paglilinis ng conference kun'di lang nag-insist si Mrs. Alonzo na kami na maglinis nito, dahil wala si Ate Janna na leader ng team namin ay wala kaming nagawa kundi sundin ang utos nito.
Tumayo si Kenneth sa upoan at nagsimulang mag-inat. "Makakapagpahinga na rin sa wakas."
"Pahinga ka d'yan! May next project pa tayo pagkatapos nito." paninira ko sa kasayahan niya.
Mabilis naman nalukot ang mukha ni Kenneth nang marinig iyon. "Bakit pa kasi puro nalang sa 'tin binabagsak yong mga upcoming projects nila? Anong silbi nong ibang team?" Inis na reklamo nito. "Sabi nila magkakaron daw nang event ang Laxamana Construction next week sa isang resort na pagmamay-ari ng mga Laxamana at Finance Department ang hahawak ng event. Samantalang tayo halos mabulok na dito."
Napailing nalang si Lennox. "Under ni Kalbo ang Finance Department. Alam mo namang ang lakas ng kapit ng head nila kay Sir Crem, 'di ba? Anong laban natin do'n?"
Hindi ko mapigilang sumang-ayon. Nakakainis mang aminin pero hindi ko maitatangging may favoritism nga ito pagdating sa mga impleyado niya. Halata naman dahil mas marame ang ibinibigay nitong trabaho sa team namin kesa sa ibang team.
Hindi ko na alam kung sinasadya niya ba ito o ano. But I have two things in mind why his doing this: It's either to anoy me or just because he doesn't want me here.
Nagpatuloy si Kenneth sa pag-iinarte dahil dito. Kung hindi nga lang siguro dumating si Ate Janna ay paniguradong hindi pa ito titigil. "Get your things done. We're going after this," anonsyo nito.
Balak ng mga itong mag-dinner sa labas bilang celebration na rin sa naging success nang pag-approve sa project namin. Gusto ko rin sanang sumama sa mga ito at magliwaliw kung hindi lang ako tinambakan ng trabaho nang kupal na Crem na 'yon bilang punishment sa pagiging late ko raw 'kuno.'
Inagaw ko mula kay Kenneth ang papel na hawak hawak niya. Kinuwa ko rin ang mga hawak ni Lennox at pinagpatong-patong itong lahat.
"Hindi ka talaga sasama, girl?"
"Next time nalang siguro. Dami ko pang gagawin. Mauna na kayo."
"Ikaw rin." Sinimulan nitong kunin ang gamit niya. "Kami na bahalang umubos ng pera ni Ms.Hoty," pagtutukoy ni Kenneth kay Ate Janna na siyang manglilibre sa kanila ngayon. "Una na kami."
Kinawayan pa 'ko ni Lennox bago ako iwanang mag-isa sa conference room. Napanguso na lang ako nang makaalis ang mga ito. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga papel hanggang sa mapansin ko ang isang notebook sa ilalim ng mesa, mukhang nahulog ito ng isa sa mga executive kanina.
Saglit kong ibinaba ang mga papeles na hawak ko at dumukwang upang tignan iyon. Mabilis ko itong inabot at pinagmasdan. Kamukha nito ang notebook na sinusulatan ni Crem kanina.
Hindi ko mapigilang nakaramdam ng kuryosidad. "Hindi naman siguro 'yon magagalit kung titignan ko yong notebook niya diba? Tyaka kasalanan ko bang burara siya?" kausap ko sa sarili.
Mabilis ko itong binuklat at sinipat sipat ang laman pero ganon nalang ang inis ko nang makita ang laman nito. Imbes na professional work related stuff ang bumungad sa akin nang buksan ko ito ay parang notebook ng elementar student ang bumungad sa 'kin.
Akala ko pa naman ay nagseryoso na itong sa wakas pero mukhang kagaguhan lang ang ginagawa. Hinayupak talaga kahit kailan! Ano pa nga bang aasahan ko sa gunggong na 'yon?
Hindi ko mapigilang manggigil nang makita ang mga drawing na nakalagay roon. Meron pang isang drawing doon na aakalain mo ay binaboy at pinaglaruan. Dahil sa salamin na suot ng lalake sa drawing ay agad kong nahulaan kung sino ang dino-drawing niya. Kaya pala ganon nalang siya kung makinig kay Mrs. Alonzo kanina!
Pati sila Kenneth, Lennox at mga head ng iba pang department na kasama namin kanina ay meron rin. Sinimulan kong tignan ang iba pang pahina ng notebook hanggang sa isang drawing ang umagaw nang atensyon ko. Drawing ito ng isang babaeng nakasakay sa isang walis tambo na para bang lumilipad, guray guray ang buhok nito at halatang pinagtripan. There was a name in the lower corner of the notebook, making me realize who it was.
Napapikit na lamang ako sa inis nang makita ang pangalan ko roon at pinigilan ang sariling itapon ang notebook na hawak ko. Inis 'kong itinapon ang notebook sa malapit na basurahan. Kupal talaga!