Chapter 2

1514 Words
MATAPOS kong ayusin ang mga gamit na ginamit ni Mrs. Alonzo kanina sa pagreport niya ay tinapos ko naman ang mga paper works na kailangan kong tapusin. Dahil nga na una ng umalis sila Kenneth ay wala akong nagawa kundi tapusin ang lahat ng mga ito nang mag-isa. Mas maganda sana kung kasama ko ang mga ito para hindi ganon ka-lonely rito pero ayoko namang sirain ang gabi ng mga ito. Bigla tuloy akong naawa sa sarili. Ba't ba kasi napakamalas ko? Wala naman akong balat sa pwet at wala rin naman akong kapatid sa labas na pusibling sumabay kasal namin ni Crem pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit palaging ang hilig akong pagtripan ng kamalasan. Sa dami kong kailangan tapusin ay hindi ko man lang napansin pa ang paglipas ng oras. Nakahilot na lang ako sa sintido nang matapos ko itong lahat. Finally! Pero mukhang sa daming nangyari sa araw ko ay mukhang hindi pa do'n natatapos ang kamalasan nang araw na 'to. Tinignan ko ang phone ko at sinilip ang oras. Anong oras na pero wala pa rin si Kuya Arnold, ang service ko. Dapat ay kanina pa itong nakarating pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Ni-hindi man lang ito sumasagot sa mga text ko. Ilang beses ko na rin itong sinubukang tawagan pero mukhang nakapatay ang telepono niya, siguro iyon na rin ang rason kung bakit wala akong natatanggap na reply mula sa kaniya. Sana naman ay walang nangyaring kahit anong masama rito dahilan upang kung bakit hindi ito ma-contact ngayon. "Kung minamalas ka nga naman oh! Akala ko pa naman ay makakauwi na rin ako sa wakas ng maaga!," bulong ko sa sarili. Inis kong pinagsisipa ang bote na nakalagay sa sahig at dito ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Sa dami dami ng tao sa mundo ay hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako pa ang najackpot ng kamalasan samantalang wala namang espesyal sa akin, bukod na lang sa maganda ako, syempre! Napahinto sa pagsisipa sa walang kalaban-labang bote nang makarinig ng busina. Tyaka ko lamang napansin ang isang kotseng nasa harapan ko. So subrang inis ko ay hindi ko man lang napansin na harang na pala 'ko. Umatras ako upang makadaan ito pero isang busina na naman ang natanggap ko. Anong problema nito?! Mabilis na bumukas ang bintana ng backseat nito tyaka ko lang nagawang napagmasdan ang taong nasa loob nang mamahaling sasakyan na iyon. "You want to stay there or something?" bakas sa iritasyon sa boses nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagmumukha ni Crem. Ang kupal na dahilan ng pagkasira ng araw ko. Kahit nagtataka ay mabilis kong binuksan ang pintuan ng backseat at agad na sumakay bago pa may makakita sa 'min. Kahit papaano ay medyo natuwa ako ng makita siya. Makakauwi na rin sa wakas. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awkwardness nang makaupo ako sa tabi nito. Hindi naman kasi kami madalas na nagsasabay nitong umuwi lalo dahil magkaiba ang service namin. Hindi rin kami sabay pumasok nito dahil mas nauuna pa ito sa akin pumasok, kaya hindi ko mapigilang magtaka. "Nasa'n si Kuya Arnold? Kanina ko pa s'yang tinatawagan pero hindi siya sumasagot," tanong ko kay Kuya Reg. Ang driver ni Crem. "Umuwi siya sa probinsya nila kaninang hapon, Ma'am Rai. Nagkasakit daw yata yong bunso niya. Akala ko nabanggit niya sa 'yo na kami muna ni Sir Crem ang susundo sa 'yon habang wala siya," sagot ni Kuya Reg. Kaya pala anong oras na at wala pa rin ito. Wala naman kasing na banggit sa 'kin ito na uuwi siya sa probinsya nila. Kawawa naman ang bunso nito. Umayos ako ng upo at isinakbit ang seatbelt sa tyan ko. Tyaka ko lang na pansin ang loob ng kotse na sinasakyan namin ngayon. Mukhang bago na naman ito. Noon pa man ay mahilig nang mag-collect ng kotse ni Crem. Ang kaso nga lang ay ilang buwan niya lang itong gagamitin at bibili na naman ng panibago, kaya ang ending halos mapuno na nang sasakyan ang garahe namin. Parang nagpapalit lang ito ng damit kung makapagpalit siya ng sasakyan. Alam kong hindi biro ang halaga ng mga sasakyan nito dahil halata naman. Gaano naman kaya kalaki ang sahod ng kumag na 'to para gumastos ng ganon palaking halaga para lang sa kotse? "Deretso bahay na po ba tayo, sir?" Tanong ni Kuya Reg. Napatigil naman sa pagkakalikot ng tablet niya si Crem at hinarap si Kuya Reg. "No. Let's go to Lianco's kitchen first before we head home. I already book a reservation," pagtutukoy nito sa isang kilalang kainan na madalas naming puntahan noon. Tyaka ibinalik ang paningin sa tablet na hawak niya. Medyo nagulat pa ko sa sinabe nito. Mag-aalas diyes na pero ngayon pa lang ito kakain? Naiintindihan kong naging busy na siya dahil sa dame ng trabahong kailangan niyang tapusin isama pa ang pressure na nadarama nito dahil sa iniwang mga properties ni Don Carlos pero ang hindi ko maintindihan ay bakit pati ang pag-aalaga na lang nito sa sarili ay mukhang kinalimutan niya narin? Ngayon ko lang din napansin na medyo pumapayat na rin ang binata. Hindi na ko magtataka pa kung maaga akong mabu-byuda nito sa ginagawa niya. Muling bumalik sa alaala ko ang notebook na nakita ko kanina. Muling bumalik ang inis ko nang maalala ang mga drawing na naroon. Tama, hindi ko na dapat pag-aalalahanin pa ang sarili ko sa kalusugan niya Eh ano naman sa akin kung pumapayat na ito? o kung hindi na niya naa-alagaan pa ng maayos ang sarili niya? Problema niya na'yon! Matanda na ito at sigurado namang kaya na niyang alagaan pa ang sarili niya. Hindi ko na dapat pang problemahin pa ang sarili ko rito. "Your father called." Nabalik ako sa ulirat nang sabihin iyon ni Crem. Si Daddy? Matapos ang kasal ay hindi na kami muling nagkausap pa ni Daddy. Wala rin akong balita kung ano nang nangyari rito o kung buhay pa ba ito o ano. "Si Daddy? Bakit daw?" Nagpatuloy ito. "He talked about business and some stuff. Nabanggit niya ring dadalaw siya sa opisina para mag-inspect. Hindi niya nabanggit kung kaylan, I'm informing you incase na magkita kayo sa kompanya one day." "'Yun lang?" Hindi ko mapigilang manlumo. Nagawa nitong tawagan ang ibang tao samantalang ni-hindi niya nga man lang nagawang kamustahin man lang ang nag-iisa niyang anak na babae. "Wala na siyang ibang nabanggit pa bukod do'n?" Mukhang napansin naman ni Crem ang naging reaksyon ko. "Kinamusta ka rin niya." Hindi ko mapigilang ganahan ng sabihin niya 'yon. Mukhang naalala pa naman nitong may anak siya. "Of course, I answered him honestly. Sinabe ko ring anong oras ka nang nakapasok kanina dahil sa kakapuyat mo, kakapanood ng mga K-drama." Agad na nanlaki ang mga mata ko. "You wouldn't dare?" "I did," He answered casually. "Crem!" sigaw ko. Alam kong hindi magsisinungaling sa akin si Crem lalo na kung tungkol ito kay Daddy pero kung nang aasar lang ito para inisin ako ay hindi magandang biro 'yon. Sa maari lang ay ayokong ma-disappoint si Daddy kaya ako pumasok sa kompanya ng mga Laxamana at piniling magtrabaho dito. Pero mukhang ako pa mismo ang naghukay ng sarili kong libingan dahil sa lalaking 'to! Pinanlisikan ko ng tingin ang binata pero umakto lang ito na parang walang nangyari at nagpatuloy sa pagdutdot sa tablet niya. Pinigilan ko ang sariling ihampas sa kaniya ang tablet na hawak niya. Gusto ko mang murahin ito ay hindi ko rin magawa dahil nandito si Kuya Reg. Nakakahiya naman kung ipapakita ko ang ugaling esquater ko harap sa ibang tao. Inis kong isinandal ang ulo sa bukas na bintana at pinagmasdan ang ilaw na nagmumula sa mga kabahayan at istablisyementong nadadaanan namin. Somehow I find peace while looking at those lights. It's been almost a month since we get married. Subrang dameng nanyare simula non. Matapos ilibing si Don Carlos ay halos dalawang linggo lang ay inihanda ang kasal at parehas kaming nagbitaw ng pangako sa harap ng panginoon. Tumigil ako sa pagpipinta at pumasok sa Laxamana Real Estate upang doon magtrabaho kasama ni Crem. Crem is my childhood friend. He's only 3 years older than me. Sabay kaming lumake ng binata at iisa lang rin ang eskwelahang pinasukan noon. Even our family are affiliated with each other so its only natural for us to be that close. He's like a brother to me. I even thought that marrying him is not a bad idea since I know him ever since we were young kaya noong sinabe sa akin ni Daddy ang tungkol sa kasal ay ito agad ang unang pumasok sa isip ko. But looks like I was wrong... Matapos ang kasal ay hindi na muling na balik sa dati ang relasyon namin. And with that, the decade of friendship turned into memories we could never look back. Just how funny is it? The person whom I used to considered as a friend, a brother, and my one and only partner in crime is now my secret husband and the boss whom I hate the most.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD