Chapter 3

1673 Words
NA-UNANG bumaba ng sasakyan si Crem nang marating namin ang destinasyon. Nakalimutan niya yatang may kasama siya ako at nihindi man lang ako nagawang intayin. Napakagentle nga naman ng asawa kong 'to! Hindi naman ako nag-expect na pagbubuksan ako nito nang pinto pero at least man lang sana ay nagawa man lang ako intayin hindi ba? Dinaig niya pa ang taong natatae at kaunti na lang ay lalabas na dahil sa pagmamadali niya. Para bang hindi nito kayang magtagal sa iisang lugar kasama ako. Agad ko namang sinundan ang binata. Mabuti na lang at hindi pa ito masyadong nakakalayo. "I thought you'll stay there for good? How come your here?" rinig kong tanong ni Crem, nakatayo ito sa harap ng Lianco's Kitchen habang may kausap na kung sino. "Nah. I'm planning on staying here for awhile. How about you? I've heard rumors about Don Carlos death. I was shock after hearing it. Who would have thought he would die that easily," aniya ng babae na nasa harap nito. Dalawa silang kasalukuyang kaharap ni Crem. Isang babae at isang lalake. Nakilala ko agad ang lalaking kaharap niya pero ang babaeng kasama niya ay hindi pamilyar sa akin. Sa tingin ko ay ngayon ko lamang ito nakita. Nagtatawanan ang mga ito at mukhang may interesting bagay na pinag-uusapan. Natigilan ako ng may ma-realize. I just realized, this is the first I was able to see him smile again ever since we got married. Ang mga ngiti nitong tila ba nabura sa mga labi niya simula ng ikasal kami. How can he smile so brightly while looking at other girls when he can't even do the same infront of his wife? I can almost taste the bitterness through my lips but I can't help it and the fact that I still cared about everything he does, irritated me the most. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglapit rito. Mabilis kong nakuwa ang atensyon ng mga ito nang makalapit ako. "Raiah..." Si Seth ang unang bumati sa akin nang makita ako. "It's been awhile. You look more stunning than the last time I saw you." He complament. Seth Lianco is one of Crem's high school buddys. Dahil halos iisa lang rin ang school na pinasukan namin ng binata ay halos lahat ng kaibigang nito ay kilala ko na at isa naro'n si Seth. Myembro rin ito ng varsity nila Crem noon. "Ikaw rin, maslalo kang gumwapo." Bati ko. Kita ko panandaliang pamumula ng pisngi niya dahil sa naging kumento ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. Totoong nagbago na rin ang itsura nito, hindi tulad dati, mas nagmature na ang itsura nito. Hindi na rin siya mukhang totoy na laging sunod-sunuran kay Crem noong highschool. Ang sa tingin kong hindi lang nagbago rito ay ang apekto ko sa kaniya. Hindi naman iba sa akin na may gusto ito sa akin noong high school ang kaso nga lang hindi naman siya makalapit dahil palagi kong kasama si Crem noon. Isinawalang bahala ko ito at hindi ko naman mapigilang mapabaling sa babaeng na sa tabi nito. Sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad nilang dalawa ni Crem. Pare-pareho silang mas matanda sa akin ng tatlong taon. "Oo nga pala, Raiah." Mukhang napansin naman ni Seth na nakatingin ako sa kasama nito. "This is my cousin, Savannah Morrison. Kakauwi lang niya galing states kaya wala pa siyang masyadong kakilala rito." Pakilala ni Seth dito. "Sav. This is Kaliraiah Del Fierro, Crem's-" Hindi niya pa natutuloy ang sasabihin ng agad siyang putulin ng babaeng tinawag niyang Savannah. "Girlfriend?" Pamumutol nito sa pinsan. Hindi mapigilang tumaas ang kilay ko ng mapansin ang madiin nitong paninitig kay Crem. Kulang nalang ay hubaran niya na kasama ko sa lalim ng mga tingin ibinibigay niya rito. "Ano ka ba, Sav. Kaibigan lang yan ni Crem." Hindi na ko nagtaka pa ng sabihin iyon ni Seth. Mukhang isa rin ito sa mga walang ka-ide-idea tungkol sa kasal namin ng kaibigan niya. Bilang lang rin kasi ang mga nakakaalam non. Isa iyon sa mga kondisyong hiniling ko bago kami ikasal. "Really?" Halata sa boses ni Savannah ang pang uudyo. Hindi ko maintindihan kong ng aasar lang ba ito o ano pero masama ang pakiramdam ko. "What a sweet friend it is." pagpapatuloy niya bago ibaling saakin ang paningin. Nginitian ako nito na tila ba ng nangaasar. Kumunot ang noo ko ng hindi nagustuhan ang mga tinging natatanggap mula rito. Kung nakangiti siya ay para bang hinuhusgahan niya ang pagkatao ko. "She's a friend." Gulat akong napabaling kay Crem nang siya mismo ang magsabi non. Sa aming dalawa ay madalas na ako mismo ang pagpakilala sa sarili ko bilang kaibigan nito kaya hindi ko mapigilang magulat nang siya mismo ang magsabi no'n. Mukhang na satisfy naman ito sa sagot ni Crem. "You said so." "Sige, mauna na kami, pre. Ihahatid ko pa 'tong pinsan ko," paalam ni Seth. Tinanguan lamang ito ni Crem bilang sagot. Pinanood namin ang papalayong likod ng dalawa. Saglit pa kaming nilingon ni Savannah bago kinawayan si Crem sa huling pagkakataon. Pinanood ko lamang ang binatang kawayan din itong pabalik. Mukhang napaka-close nila ng pinsan ni Seth at nagagawa niya pang makipagtawanan dito kanina. Kung tama ang sinabe ni Seth na galing sa state si Savannah ay ang ibig-sabihin lang non ay bago pa itong umalis sa Pilipinas ay magkakilala na sila ni Crem. "Mukhang close kayo, a?" Napalingon ito sa akin dahil sa tanong ko. "Not so close, just enough to share formalities." Hindi na ito pinansin pa at naunang pumasok sa loob nang restaurant, naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa akin. Mabilis akong nilapitan ng isa sa mga waiter upang batiin. Wala namang masama sa ginawa nito pero ewan ko ba! Meron sa 'king naiinis na nagagawa nitong makipagkaibigan, makipagtawanan at ngitian sa ibang mga babae na sa akin niya lang nagagawa noon. Hindi ko maiwasang ikumpara ang dating Crem sa ngayon. Tila ba nag-iba na ito. Kapag ibang tao ang kaharap nito ngayon ay tila ba ang saya saya niya pero kapag ako na asawa nito ang kaharap niya ay ni-hindi nga manlang niya magawang ngumiti ng saglit. Hindi ko na maintindihan ang lalaking to! "Goodevening, Ma'am. May reservation po ba kayo?" Nginitian ako ng waiter nang makalapit ako, malaki ang nito nito tila ba nang-aakit. Hindi ko naman pinansin iyon. Sanay na 'ko sa mga ganito. "Yes. Under Crem Laxamana's name," aniya. Agad naman nitong chenick kung may reservation nga ba kami pero hindi pa rin nawawala ang malanding ngiti sa mga labi nito pero agad din itong nawala ng makita ang lalaking kasunod ko. "Boyfriend mo, ma'am?" Hindi ko man tignan ang lalaking na sa likod ko ay naiintindihan ko kung anong nais nitong ipahiwatig. Umiling ako. "Hindi, tatay ko." Kahit nagtataka ay muling gumuhit ang ngiti sa mukha nang waiter nang sagutin ko ito. Ramdam ko ang gulat na tingin ni Crem mula sa likod ko dahil sa naging sagot ko. Hindi ko lang ito pinansin. Ka-mamatay ka jan! Agad ding itinuro ng waiter sa amin ang table namin. Katulad kanina ay nauna akong naglakad kesa dito at hindi lang pinansin ang asawa-boss ko sa likod ko. Napahinto ako nang maramdaman ang marahang paghila sa braso ko nang kung sino. Nang harapin ko ito ay ang nagtatakang mukha ni Crem ang unang sumalubong sa akin. "What's with you?" Halos magdikit ang dalawang kilay niya sa pagkakakunot, halata rito ang frustration na maslalong dumagdag sa inis na nadarama ko. Hindi ko man pinapansin pero nahahalata ko naman sa mga kilos nito. Kahit sa opisina ay ganon din siya. Kaunting pagkakamali ko lang ay napapansin agad. Samantalang hindi naman ganon ang trato niya sa ibang mga impleyado nito. Oo, nagagalit din siya sa mga ito pero iba kapag ako ang kaharap niya. Napaka-unfair niya! Iwinaksi ko ang kamay nitong nakapatong sa balikat ko. "Gutom na 'ko," dahilan ko bago mabilis na tinungo ang table na ina-sign saamin nong writer na nakausap ko kanina. Napuno nang nakakabinging katahimikan sa buong hapag at ang tanging tunog lamang kobyertos ang naririnig. Ang kaninang awkwardness sa kotse ay umabot hanggang dito. Hindi naman pinapansin ni Crem ang pagdadrama ko na ikinatuwa ko. Siya rin ang nag-order ng pagkain ko nang mapansing wala akong balak na magsalita. "I'm done with this cold war." Sa huli ay mukhang hindi niya ren nakayanan at ito ren ang unang bumasag sa katahimikan. "Are you on your period or something?" Halos mailuwa ko ang kinakain dahil sa tanong nito. Mabilis kong iniabot ang tissue upang punasan ang bibig bago siya panlisikan nang tingin. "What kind of question is that?" Pasigaw na bulyaw ko, sapat na upang hindi kami makaagaw ng atensyon mula sa ibang table na katabi namin. "Then how can I know what your thinking when you're not even telling me! I'm not a psychic for chris' sake!" Napahilot nalang ako sa sintido. Kaya ayokong kasama ang lalaking 'to eh! Kung ano-ano nalang katahangan ang lumalabas sa bibig niya! Narealize ko narin sa wakas ang sinasabi ni Kenneth noon kapag nag-aayaw sila ni Lennox. 'his a 10 but his brain is made of shrimp. And Crem Laxamana is the true definition of it. "Balita ko mahal daw dito." "Sus. Hindi naman ikaw ang magbabayad, dame mong dada." Hindi ko mapigilang mapabaling sa entrance ng Lianco's kitchen dahil sa ingay na iyon. Kita ko ang isang grupo ng mga tao na kakapasok lang sa restaurant. Dahil sa ingay nila ay hindi maiwasang makuwa ang atensyon ng ibang customer. Ganon nalang ang panglalaki ng mga mata ko nang makita ang mga katrabaho ko. Kasama ng mga ito si Ate Janna na siyang leader ng department namin. "Magtigil nga kayo," rinig ko panunuway rito ni Ate Janna. Anong ginagawa nila rito?! Sa dame dame ng restaurant ay bakit dito pa nila naisipang pumunta? Hindi rin ganon kalapit ang restaurant na ito sa opisina kaya kampante ako na hindi kami magkakasalubong ng mga ito. Ano nalang ang iisipin ng mga pagnagkataong nakita nila kaming magkasama ng boss nila?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD