"KUNIN mo yong mga gamit mo. Aalis na tayo. Bili!" mahinang bulong kay Crem ngunit sapat na para marinig niya iyon.
Natigilan ito dahil sa sinabi ko. "But we haven't eaten started eating yet." pagtutukoy nito sa order naming halos hindi pa nagagalaw.
"Basta. Sundin mo nalang!"
"What's wrong with you?" Kahit nagtataka sa mga kilos ko ay sinunod naman nitong sinunod ang mga utos ko at nagipit ng bayad ng pinggan niya.
Mabilis ko namang kinuwa ang bag ko at isinabit ito sa balikat ko. "Mauna kang lumabas. After 5 minutes susunod ako-" bilin ko rito ngunit mukhang huli na ang lahat dahil nahuli na kami.
"Raiah..." Napahinto ako ng marinig ang boses na yon. Kung hindi ako nagkakamali boses iyon ni Kenneth.
"Akala ko ba hindi ka makakasama..." Saglit itong natigilan nang makita ang kasama ko. "Sir Crem?"
Pati sila Ate Janna at Lennox ay nag si lapitan na rin at tulad ni Kenneth ay nababatid din sa mga ito ang pagtataka.
Wala akong choice kundi harapin ito. Buking na rin naman kami. Nakita na nila kaming magkasama. Kung tatanggi pa 'ko ay paniguradong mas maiintriga lamang ito.
"Ken..." bati ko. "A-Ano..." tila ba nawalan ako ng salita.
Hinarap ko si Crem upang manghingi ng tulong pero ang kumag ay nanatili lang nakatanga roon. Ang laking tulong rin ng isang 'to! Bakit ba kasi sumama pa ko rito? Dapat pala ay nagtaxi na lang ako at hindi sumabay sa kaniya kanina.
Pasakitin lang yata ang ulo ko ang naging ambog nito.
Mabilis na lumapit sa amin si Lennox na mukhang nagtataka rin. "Anong..." Takang nagpabalik balik sa akin at kay Crem ang paningin nito. "Bakit? magkasama kayo?"
"A-Ano kasi.." napakamot ako sa batok. "...S-Sinamahan ko lang si Sir Crem kitain yong isa sa mga investor ng Laxamana Real Estate. S-Since wala naman na 'kong gagawin, sinamahan ko na siya."
Parang kinakarera ang dibdib ko sa kaba dahil sa mga ito. Dapat lang talaga ay hindi na lang ako sumama pa kay Crem kanina na pumunta rito at hinayaan na lang siyang mamatay sa gutom!
"Pero anong oras na, a. Lagpas na 'to sa working hour," kunot noong tanong ni Lennox. "Tyaka di 'ba may secretary si Sir Crem?"
Pabiro naman itong hinampas ni Kenneth, pinapatigil ang kaibigan. "Ano ka ba, Nox. Hindi mo ba alam yong O.T? Para namang baguhan ka sa trabaho nyan, boy." Mahina pa itong natawa pero halata ang paguhit ng ngiwi sa mga labi niya. "Nasa'n na nga pala yong investor na kikitain niyo, Rai?"
Natigilan ako sa tanong niyang 'yon. Bumuka ang bibig ko para sana sagutin ito nang isa na namang kasinungalingan pero agad ding natutop ang bibig ko nang tuluyan na ngang mablanko ang utak ko. Hindi ko alam ang isasagot dito dahil pinapangunahan ako ng kaba.
"Why don't you and Sir Crem join us instead? Total nasa iisan kompaniya rin lang naman tayo." Tila ba natanggal ang tinik sa lalamunan ko nang itanong iyon ni Ate Janna.
Mabilis namang napunta roon ang atensyon namin. "W-Wag na po siguro, baka makaabala lang tayo sakanila-"
"It's alright. I don't have any plans either," pamumutol ni Crem sa sinasabi ko.
Gulat akong napabaling kay Crem nang sabihin niya iyon. Kung nakakapatay lang siguro ang tingin ay baka nakabulagta na ito ngayon pero mukhang hindi naman nito pinansin ang masama kong tingin.
May balak pa talaga siyang dagdagan ang problema ko! Kasama ko pa nga lang ang mga ito ay kinakabahan na akong baka malaman nila ang totoo tapos parang ang dali dali lang kay Crem na pumayag sa hiling ng mga ito!
Sa huli ay wala akong nagawa kun' di ang sumunod na lang. Napuno ng awkwardness ang atmosphere sa table nang makaupo na kami.
Naupo sa tabi ko si Kenneth at sa kabilang gilid ko naman ay doon naupo si Ate Janna. Habang nanatili sa harapan ko si Crem katabi nito si Lennox na mukhang bothered na bothered dahil nasa tabi lang nito ang boss niya.
"C-Congrats nga po pala, Ate." bati ko kay Ate Janna dahil sa naging presentation nito kanina at sinalinan ng alak ang baso niya na agad naman nitong tinanggap.
Wala sana kaming balak na uminom pero mukhang hindi matatapos ang gabi ng mga ito nang walang nalalasing.
Nginitian naman ako nito bilang sagot. "Thanks. Salamat din dahil nakinig kayo sa 'kin."
"Walang ano man yon, Ma'am Hotie!" Si Kenneth. "Tyaka ang galing mo kaya kanina. Tas nilibre mo pa kami. Iba ka, Ma'am Janna. Napakaswerte ng magiging boyfriend mo sayo!"
Napangiwi nalang ako dahil sa kumento niyang iyon. Napakadaldal din talaga ng baklang 'to. Basta libre ay feeling close na. Kaya hindi na 'ko magtataka pa na magbestfriend sila ni Lennox dahil halata naman na pareho silang maingay ang pinagkaiba nga lang ay mas maayos si Lennox kesa kay Kenneth.
"Oo nga pala, Ma'am. May boyfriend ka na po ba?" Pang-iintriga ni Kenneth.
Kung wala lang siguro kaming kasama ay baka kanina ko pang na batukan ang baklang 'to! Parang nakalimutan niya yata na team leader niya ang kausap niya ngayon at hindi kung sino lang.
Minsan talaga ay ang sarap busalan ng bunganga nito dahil kung ano ano na lang ang lumalabas.
Napakamot na lamang ng ulo si Ate Janna dahil sa naging tanong nito. "As of now, I'm not planning on having one."
"Sayang naman." Napabuntong hininga pa ito parang siya ang momrublema sa lovelife ng boss niya. "Ikaw, Raiah." Nagulat na lamang ako ng biglang sa akin ito bumaling at itanong iyon. "May boyfriend ka na ba?"
"Ah..." Para bang natutop ang bibig ko dahil sa tanong nito, at hindi ko alam ang isasagot. Pati ang mga kasama namin ay nasa akin na rin ang tingin dahil sa tanong niyang iyon.
"Tigilan mo nga si Raiah." Si Lennox. "Hindi lahat ng tao kasing landi mo, okay?"
"Wala namang masamang magtanong diba?!" depensa ni Kenneth. "Tyaka aminin! Alam kong lahat sa 'tin ikaw ang pinakacurious kung may jowa ba si Raiah noh."
Mabilis namang namula si Lennox dahil sa panunudyo ng katrabaho. Natawa lang si Kenneth dahil sa naging reaksyon nito bago muling bumaling sa akin.
"So, Ano, Raiah? Meron ba? Oh baka naman may asawa ka na. Hindi lang namin nalalaman?" pabirong tanong nito at sinabayan pa ng tawa.
Halos mabulunan ako sa tanong niya na 'yon dahil tumpak agad. Pasimple kong nilingon si Crem na nakatingin din sakin, mukhang inaantay nito ang magiging sagot ko.
"W-Wala," pagsuko ko. "W-Wala akong boyfriend. Wala rin akong a-asawa noh."
Muli akong mapabaling kay Crem matapos kong sabihin ang huling lintana na iyon. Ngayon ay hindi na ito nakatingin sa 'kin kundi sa pagkaing nasa harapan niya. Kunot ang noo nito habang nakikipagtagisan nang masamang tingin sa chicken foot na nasa pinggan niya.
Anong problema nito? Medyo nakaramdam tuloy ako ng awa sa pagkaing nasa pingan niya dahil mukhang ito pa ang napagbuhusan nito ng sama ng loob.
Hindi ko na ito pinansin at uling bumaling kay Kenneth nang magsalita ito. Mukhang hindi pa siya tapos sa interrogation niya.
"Edi kung wala ka rin naman pa lang boyfriend..." pagpapatuloy nito at mahinang siniko si Lennox na halata namang nagulat dahil sa ginawa niya. "May pakikilala ako sayo. Mabait, Gwapo, May anak nga lang pero sureball na pasok sa taste mo."
Nanlaki ang mga mata ni Lennox dahil sa sinabe nito. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pamumula ng tenga nito pababa sa leeg niya. Napalabi nalang ako ng may ma-realize.
Pinilit kong hindi ito pansinin. "Sa dame nating trabaho sa tingin mo uunahin ko pang lumande?" pag-iiba ko ng topic. "Tyaka wala muna akong planong pumasok sa relasyon ngayon."
"Ano ka ba, Raiah!" Mukhang ayaw namang magpatinag nito. "Hindi ka dapat tumatanggi sa grasya! Bala ka jan! Kapag ikaw naging matandang dalaga someday! Wag mo kong sisihin dahil hindi kita pinilit, a!"
Inubos ang natirang alak sa baso ko baka siya harapin. "Pano mo naman nasabing soulmate ko na yang nirereto mo sakin? Sige nga?"
"Ha! Hindi mo ba alam na jaan sa mga ganyan nagsimula ang love story nong kakilala ko? Nireto ko lang sa kaniya noon, ayon! Kasal na sila ngayon! At may tatlong anak pa!"
Napailing iling na lang ako dahil sa kwento niya. Magsasalita pa sana ako nang may mauna sakin
Mabilis itong kinontra ni Lennox. "Sinungaling. Wala ka ngang kaibigan, e. Gawa-gawa mo na naman yan—"
"Tumahimik ka!" pagtitigil ni Kenneth. "Para namang kilala mo lahat ng kaibigan ko!"
Nagsimula na namang magtalo ang dalawa pero sabay sabay din kaming natigilan nang marinig na magsalita si Crem.
"I agree with what he said," pa gga-gatong pa ni Crem dito.
Namumula na ang mukha nito pababa sa leeg niya halatang lasing na. Hindi tulad ko ay masmababa ang tolerance ni Crem pagdating sa alak kaya kahit ilang bote palang ay kasing na agad ito.
Matigilan sa pagtatalo sila Kenneth at Lennox, si Ate Janna ay natigilan sa inom. Habang ako naman ako inintay rin ang susunod na sasabihin ni Crem.
"Sabi ko sayo, e," si Kenneth.
"Sa ganyan din nagkatuluyan ang lola't lolo ko..." tukoy ni Crem sa kweninto ni Kenneth kanina tungkol sa kaibigan daw nitong inireto niya at ngayon ay may tatlong anak na. "...mabuti na lang at patay na sila."