GOOD MORNING, mga ateng ko na magaganda! Masigla ang boses ni Lanie kinaumagahan. Dito siya dumiretso sa kusina kung kaya’t bumalik ang galit sa kanya ng mga kasama lalo na si Shanti. Galit nitong nilapag ang sandok sa mesa at lalapit sana sa kanya nang mabilis niyang nilabas ang 1,300 pesos. Napatingin sa pera si Shanti. “Binabalik ko ang pera mo, may tubo pa!” nakangiti niyang saad. “Inday Lanie, bakit mo naman kami pinahiya kahapon? halos wala kaming maipakitang mukha sa mga amo namin.” Inis ang boses ni Sayong. “Sa tingin mo maibabalik mo ang kahihiyan namin kahapon?” pagmamaldita sa kanya ni Shanti. “Oo nga, Lanie. Grabi ka naman sa amin hindi kami nakatulog nang maayos kagabi. Hindi ko talaga akalain na tatraydorin mo kami ng gano’n. Pinakisamahan ka namin nang maayos at kam

