KINAKAMPIHAN mo ang mangmang na ‘yon kaysa sa akin na sampong taon mo nang kilala? Nagsusumigaw ang babae sa kuwarto ni Walter at sa lakas ng boses nito ay abot hanggang sa pasilyo. Maliwanag sa pandinig ni Lanie ang lahat dahil narito siya sa harap ng pinto ng kuwarto ni Dr. Walter. Kakatok sana siya kanina pero ang malakas na boses ni Doreen ang naabutan niya. “Yon nga ang problema, Doreen. Sampong taon na tayong magkakilala pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kita lubos na kilala. Minsan ka nang nagsinungaling sa akin at hindi malabong maulit pa ‘yon!” Malakas rin ang boses ni Dr. Walter. “Then marry me now, babe! hindi ko na pinirmihan ang kontrata ko kasi ‘yon naman ang gusto mo ‘diba? gusto mo nang mag-start ng family then magpakasal na tayo this month at bibigyan kita ng mar

