LABAS ka na. “Po? eh, malayo pa tayo.” Nagulat si Lanie nang pinapalabas na siya ni Walter gayong malayo pa sila sa mansyon. “Makikita tayo ni Doreen.” Sagot lamang nito. Masakit man sa loob ng dalaga ay wala siyang magawa kundi ang lumabas ng kotse. Pagkatapos ay dumiretso na ang sasakyan. Wala masyadong mga tao pero may mga CCTV sa bawat poste ng subdivision. Naglakad na lamang si Lanie at medyo malayo-layo rin kasi pinalabas siya kanina lagpas sa guardhouse kanina. Ilang minuto rin siyang naglalakad bago siya nakarating sa mansyon. “Oh, Lanie. Mabuti naman at nakauwi ka na? kumusta ka? alala ng-alala kami sayo. Mabuti at nakatakas ka? Paano ka nakatakas?" sunod-sunod na tanong sa kanya ng guard. "Kuyang guard, pwede po bang huwag na muna kayong magtanong kasi pagod na pagod ho ako.

