NANG marinig ni Lanie ang sirena ng mga pulis ay mabilis niyang nilisan ang tulay. Mabigat ang loob niya nang muling matanaw ang nakahandusay na si Kaden. Hinubad niya ang suot niya pati bonet at sombrero isiniksik niya iyon sa gilid ng bato na hindi basta-bastang makikita. Hingal na hingal ang dalaga sa kakatakbo. Hindi niya alam kung ilang minuto na niyang nilalakbay ang mga kabahayan dito sa gilid ng relis. Hindi niya na rin alam kung saan na siyang lugar banda. Nagpahinga muna siya saglit at nang mahimasmasan ay nilapitan niya ang isang ale na nagtitinda ng basahan. “Magandang araw po, may alam po ba kayo na park? ‘yong maraming namamasyal at may mga palaro?” tanong niya sa babae. Tiningnan siya nito. “Maraming park dito ineng. Anong park ba ang hinahanap mo?” “Yong ano po… ‘

