Rhianna'sPOV
"Leo, ikaw daw magtuturo sakin?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.
Paglabas ko ng Head Quarters ay nakasalubong ko si Brandon at sinabi sakin na si Leo na daw ang magtuturo sakin. Lumingon sakin si Leo saka ibinalik ang tingin sa baril na hawak.
"Sa susunod nalang kita tuturuan." wika niya at tumalikod siya papuntang Head Quarters.
Nasaktan ako sa sinabi niya. Dahil ba sa hindi ako nagpaalam sa kanya kaya ayaw niya na akong turuan? Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Pinahid ko iyon ng palad ko. Hindi niya ako dapat makitang ganito. Hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako.
"Hi Leo, tara mag-ensayo tayo." wika ng isang tinig sa aking likuran.
Boses pa lang, alam kong si Carmela ang nagsalita. Lumingon ako at nakita na palapit sa kinaroroonan ko sina Alexandra, Harold, Carmela at si Leo. Umalis ako sa kinatatayuan ko. Pupunta nalang ako sa Head Quarters at doon muna mananatili. Nang matapat ako sa kanila. Kinuha ni Alexandra ang kamay ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sakin. Tumingin ako sa kanya.
"Hm, CR ulit ako. Naiihi na naman kasi ako." pagdadahilan ko. Binitawan na niya ang kamay ko.
"Leo, namiss talaga kita sobra. Ilang taon din tayong di nagkita." narinig ko pang sinabi ni Carmela kay Leo. Hindi ko maiwasang mainis! Naiinis ako dahil mukhang gustong-gusto naman ata ni Leo.
Naglakad na ako papunta sa Head Quarters. Nang marating ko iyon. Nadatnan ko si Brandon na nakaupo sa sofa. Tiningnan niya ako.
"Pwede tumabi?" tanong ko nang makalapit ako.
"Oo naman. Bakit di ka ba magsasanay?" tanong niya tsaka siya umusog para bigyan ako ng space. Umupo ako sa tabi niya.
"Sa susunod nalang daw kami magsasanay. Bakit ikaw di ka pumunta dun? Hindi ka ba magsasanay?" tanong ko.
"Kung pupunta ako doon, sino kasama mo dito?" wika niya tsaka siya ngumiti. Sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti. Gwapo si Brandon. Maaliwalas ang mukha.
"Kamusta naman kayo ni Leo? Kamusta pamamalagi mo sa bahay niya?" tanong niya.
"Ayos lang naman. Magkasundo naman kami. Di naman kami gaanong nag-uusap." wika ko.
"Alam mo napakaswete niya kasi nakatira ka sa kanyang bahay. Nakatira ang isang anghel." wika niya. Natawa siya sa biro nito..
"Ano naman swerte dun? Baka nga ngayon pinapahanap nako ng amain ko." wika ko. Naalala ko ang Ina at Kapatid ko. Sana nasa mabuti silang kalagayan.
"Nandito kami para ili--" naputol ang sasabihin ni Brandon ng biglang may sumingit sa kanyang pagsasalita.
"Tara na Rhianna, umuwi na tayo." Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Si Leo, hindi ko siya nakitang lumapit dahil nakatalikod ako sa pintuan ng Head Quarters. Tumayo ako.
"Brandon sa su--." paalam ko sana kay Brandon subalit kinuha ni Leo ang kamay ko at hinila ako.
"Ang bastos mo naman Leo! Ang babae hindi kinakaladkad! Nagpapaalam ng maayos si Rhianna sakin tapos kaladkarin mo!" sigaw ni Brandon. Binitawan ako ni Leo at agad na inundagan ng suntok si Brandon. Agad na inawat ni Harold si Leo.
"Kanina pa ako napipikon sayo Brandon!" sigaw ni Leo kay Brandon.
"Agent Leo. Tama na!" wika ni Harold.
Nahimasmasan naman si Leo. Nagtataka sina Alexandra at Carmela sa nangyari. Pinakawalan na ni Harold si Leo. Pinaghalong kaba at nerbiyos ang nararamdaman ko ng mga pagkakataong yun. Ano bang nangyayari?
"Aalis na kami." wika ni Leo sa mga kasamahan at naunang naglakad patungong pintuan.
Para walang gulo, sumunod ako sa kanya. Agad akong sumakay sa passenger's seat at siya naman ay sa driver's seat. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at agad na minaneho palabas ng Head Quarters. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakbay ng komprontahin ko siya.
"Bakit mo sinuntok si Brandon?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Ah. So wala siyang balak na magsalita.
"Ibaba mo ko!" sigaw ko dahil sa sobrang inis. Agad naman siyang huminto.
"Gusto mong bumaba, sige bumaba ka!" sigaw niya. Bumaba ako ng kotse at naglakad. Palubog na ang araw ng mga sandaling iyon. Nasa gilid ko ang kotse ni Leo at sinusundan ako.
"Get in. Rhianna!" sigaw niya. Pero hindi ako nakinig.
Tuloy lang ako sa paglakad. May mga dumadaan na rin na napapatingin samin. Para kaming magkasintahan na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse. Hindi ko namamalayan na pinangako niya na ako.
"Bitawan mo ako Leo! Hayaan mo na ako. Sarili mo nalang iniisip mo!" sigaw ko sa kanya habang nagpupumiglas sa pagkakapangko niya sakin. Subalit malakas ito. Ipinasok niya ako sa loob ng sasakyan.
"Oo! Sarili ko lang iniisip ko. Sarili ko lang Rhianna. O ayan inamin ko na. Okay na ba?" wika niya. Ramdam ko sa boses nito ang sakit sa mga sinabi ko.
"Tinatanong kita ng maayos, ayaw mong sagutin. Ngayon tatanungin ulit kita. Bakit mo sinuntok si Leo?" Di na naman siya nagsalita.
"Kung dimo sasagutin, bababa na naman ako." banta ko sa kanya. Tumingin siya sakin. Tinitigan niya ako. Naramdaman ko na naman yung malakas na pagkabog ng aking dibdib. Ang epekto ng mga tingin niya sakin.
"Nagseselos ako Rhianna. Nagseselos ako kapag nakikita ko kayong magkasama ni Brandon." wika niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Siya? Nagseselos? Bakit? Nagseselos ba siya dahil hindi sa kanya ibinibigay ang atensyon ko o baka naman nasanay siya dahil siya ang nakakasama ko?
Gusto kong itanong ang mga katanungan sa aking isipan. Subalit, pinili ko nalang manahimik. Hindi narin siya nagsalita at pinaandar ulit ang sasakyan.