Lumipas ang isang linggong pagsasanay at natutunan ko ang paghawak ng baril. Si Leo ang nagturo sakin sa loob ng isang linggo. Ayos na din sila ni Brandon. Minabuti namin na hindi na ipaalam kay Agent Jerald ang nangyari.
Pauwi na kami ni Leo galing sa pagsasanay sa Head Quarters. Nilalakbay namin ang daan pauwi, nang may mamataan akong sasakyan na kanina pa kami sinusundan. Bigla akong kinabahan.
"Leo, napapansin mo yung sasakyan na sumusunod sa atin?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sakin.
"Oo, kanina ko pa napapansin." Kinuha niya ang cellphone na nakalapatong sa dashboard. Nag-dial siya at inilagay iyon sa kaniyang tainga. Ilang segundo din ang lumipas bago siya nagsalita. Marahil sinagot ng kung sinuman ang kaniyang tawag.
"May sumusunod samin Harold. Nasa panganib lami. Pakiback-apan kami. Salamat." wika niya at agad na pinatay ang tawag at ibinalik ang cellphone sa dashboard.
"Anong gagawin natin ngayon Leo?" tanong ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi kaya galamay ito ng kaniyang amain? Hindi kaya natunton na siya ng mga tauhan ng kaniyang amain.
"Please Calm down Rhianna. Walang mangyayaring masama sayo. Ililigtas kita." wika niya tsaka tumingin sa kaniya.
Ayun na naman ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso kapag tinitigan siya nito. Natatandaan niya ng sinabi niya sakin na nagseselos ito kay Brandon. Pagkadating hindi na namin pinag-usapan Ang bahay na yun.
Narating namin ang bahay at pinasok ni Leo ang sasakyan sa loob ng compound. Pagkahintong-pagkahinto namin. Bigla akong nakarinig ng mga sunod-sunod na pagputok na tumatama sa sasakyan.
"Umupo ka!" utos niya. Sinunod ako sa utos. Yumuko ako para protektahan ang aking sarili.
Wala kaming laban ng mga pagkakataong yun dahil nasa loob kami ng sasakyan. At tsaka mukha hindi lang nag-iisa ang nagpaputok ng baril. Sunod-sunod na putok ulit ang aking narinig. Kinuha ni Leo ang baril sa gilid at dumungaw siya sa bintana at nagpaputok ng baril.
Tinakpan ko aking taenga gamit ang aking mga kamay. Nabibingi ako sa lakas ng mga palitan ng putok na tumatama sa kotse. Mukhang katapusan na ata namin. Huwag naman sana. Kailangan pa ako ng aking Ina at Kapatid.
Nakarinig pa ako ng sunod-sunod na pagputok mula sa isang malayong lugar base. Tiningnan ko si Leo na ngayon ay lumabas na ng kotse. Nakita kong may tama siya sa balikat. Huminto ang palitan ng putok ng baril at tumahimik ang paligid.
Tumingin ako sa labas kung saan nandoon si Leo. Lumabas ako ng kotse at nakita kong papalapit ang mga kasamahan ni Leo sa kanya. Patakbong lumapit si Carmela sa kanya.
"OMG! May tama ka Leo." wika ni Carmela na mababakasan ng pagkataranta sa kaniyang mukha. Ewan bakit naiinis ako sa nakikita ko. Palapit na sa kinaroroonan ko sina Brandon at Harold. Hindi nila kasama si Alexandra, marahil nagpaiwan ito sa Head Quarters.
"Ayos ka lang pre? Muntik na kayo doon." wika ni Harold. Lumapit naman sakin si Brandon.
"Ayos ka lang?" tanong niya sakin. Tumango lang ako. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa direksyon namin si Leo.
"Asan mga kalaban?" wika ko.
"Nakatakas, hindi na namin nasundan. Mabuti nalang at ligtas kayo." wika niya sakin na kababakasan sa mukha niya ang pag-aalala.
Nagpaalam na ang mga ito at agad kaming nagtungo sa loob ng bahay. Nag-insist si Carmela na gamutin ang sugat ni Leo. Subalit nagpumulit si Leo na kaya niya daw gamutin ang kaniyang sugat.
Nasa loob ako ngayon ng aking kwarto at iniisip si Leo. Kailangan ko siyang gamutin, dalawang daplis iyon kaya kailangan niyang magamot, kahit kaya niyang gamutin ang sarili iba parin kapag may ibang gumagamot sa kanya.
Lumabas ako ng aking silid at tinungo ang kwarto niya. Pinihit ko ang doorknib at hindi yun nakasara. Itinulak ko ang pinto paloob. Napatigil siya sa ginagawa ng makita ako na nakatayo sa labas ng pinto.
"Bumalik ka na sa kwarto mo, kaya ko ito." wika niya sakin. Lumapit ako sa kaniya at umupo ako sa kama. Kinuha ko ang bulak sa kaniyang mga kamay at sinimulang linisin iyon. Hindi siya nagprotesta. Nakatitig lang siya sakin. Naalala ko noong hinilot niya ang paa ko.
"Salamat sa pagligtas sakin. Hindi ko alam kung sino ang mga iyon. Marahil mga tauhan ng aking amain." wika ko.
"Kailangan na nating umalis dito mamayang gabi. Hindi na tayo ligtas sa bahay na ito. Tutuntunin tayo kapag nanatili tayo dito." wika niya.
Tiningnan ko siya at nagtama ang aming mga mata. Lumipat ang mata niya sa mga labi ko. Bigla akong nakaramdam ng mabilis na pagpintig ng aking dibdib. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sakin.
The next thing I knew, naglapat ang aming mga labi. Noong una ay banayad lang iyon pero kalaunan naging mapusok ang mga halik niya. Nakaramdam ako ng kilig sa ginawa niya. Ginantihan ko ang kaniyang halik. Hinaplos niya aking pisngi.
"Ouch!" daing nito. Agad na naghiwalay ang aming mga labi. Doon ko lang napagtanto ang nangyari. Nasaktan siya dahil sa ginawa niyang pag-angat sa kaniyang kamay.
"Tapusin ko na ang paggamot." wika ko at hindi pinansin ang namagitang halik namin kanina.
Bakit niya ako hinalikan? May atraksyon ba siyang nararamdaman sakin o baka gusto lang talaga niya akong halikan. Iwinaglit ko iyon sa aking isipan at itinuon ang pansin sa paggamot sa kaniya.
Pagkatapos kong gamutin ang kaniyang sugat ay nagtungo ako sa aking kwarto para i-empake ang aking mga gamit para sa gagawin namin paglikas. Hindi na nga talaga kami ligtas sa lugar na ito. Pagkatapos ko i-empake ang mga gamit ko ay tinungo ko ang kwarto ni Leo. Nakatulog na ito.
Inempake ko rin ang mga iyon. Dahil iyon ang usapan namin bago ako umalis sa kaniyang kwarto kanina. Diko mapigilang titigan ang kaniyang mukha. Sa kaniyang labi na kanina lang ay hinalikan ako. Napahawak ako sa aking labi. Ngayon lang ako nahalikan. Yun ang aking unang halik. Ganun pala pakiramdam kapag hinahalikan. Masarap sa pakiramdam.
Ipinagpatuloy ko ang aking pag-eempake. Lumabas ako ng kaniyang kwarto at nagtungo sa kusina. Napatingin ako sa orasang nadaanan ko. Bakit ang daming orasan? Ganun ba talaga kahalaga sa kaniya ang oras? Nagluto ako ng aming hapunan. Tumingin ako sa refrigerator ng pwedeng lutuin. Fried fish nalang ang napagpasyahan long lutuin.
Nagsisimula na akong magprito ng makarinig ako ng yabag mula sa labas ng kusina. Lumingon ako at nakita ko si Leo na papasok sa kusina. Hindi ko maiwasang humanga.
Kahit bagong gising lang siya ay nandun parin ang kagwapuhang taglay niya. Nagtama ang aming mga paningin. Agad akong nag-iwas ng tingin at ibinalik ang aking pansin sa niluluto. Ayun na naman ang malakas na pagkabog sa aking dibdib. Ano ba itong nangyayari sakin? Tama pa ba itong nararamdaman ko?