- Happiness in chaos -
Naestatwa ako nang maramdaman ang isang palad na dumikit sa tela ng damit ko. Nakakapit ito sa kanang bahagi ng balikat ko. Hindi ko magawang lingunin dahil sa kaba't takot na baka atakihin ako nito ng tuluyan dahil sa mga nalalaman ko.
Nagawa ko itong lingunin kaya mas lalo akong kinabahan. Siya yung lalaking nag susumigaw kanina na may harang daw sa may gate. "A-anong ginagawa m-mo dito?" Utal kong tanong. Agad kong inihanda ang kamao ko sa likod para incase na atakihin ako nito. "Na check na kasi namin dit-"
"Brent!"
Napalingon ako sa pinangalingan ng boses na 'yun. Sumulpot naman ang isang lalaking may baby face saka isang mukhang pinaka-matanda sakanilang tatlo. "Anong ginagawa mo dito, Brent?" Tanong nung pinaka-matanda sakanila.
"Nakita ko kasi 'tong lalaking ito kaya nilapitan ko at balak kung sabihin na wala talagang ibang matatakasan kasi nilibot na din natin." Sa umipisa ng statement na yun ay 'di ko pinaniniwalaan kasi pwede naman siyang mag sinungaling sa mga kaibigan niya subalit nung natapos ko din yung sinabi niya. Parang medyo nawala na ang pangangamba ko.
"Oh! Mga iho. Anong ginagawa niyo dito??" Sumulpot naman ang isang may edad na lalaki. Siguro mga 50 plus na yung edad niya. "Naglilibot-libot lang po." Ako sana ang mag sasalita kaso inunahan ako nung pinaka-bata sa kanilang tatlo.
Nang matapos itong magsalita, kinuha ko na ang chance na 'yun para mag tanong. "Kayo po? Ba't kayo napadpad dito?" Magalang kong tanong. Medyo weird lang kasi na bigla-bigla na lang siya susulpot. Gaya nalang nitong tatlong kasama ko.
"Nililibo't libot ko talaga ang lugar na 'to kasi iyon din ang inutos saamin ng may-ari. Hindi ko nga alam na may mga bumibisita na pala ngayon," still suspicious sa paningin ko. 'Di ko nga alam kung bakit ko pa din siya pinaghihinalaan gayong nag paliwanag naman na siya. Siguro, kasi alam kong matagal na siyang namamalagi dito. Possible na magkaroon ng koneksyon ang lalaking 'to sa mga nangyayari. Alam niya din ang mga nakatagong misteryo o kababalaghan dito.
"Teka! Ba't pala nagkaka gulo don sa sementeryo?" Hinayaan ko na yung tatlo mag paliwanag sa tanong nung matanda. Nag lakad na kasi ako papalayo 'don. Nakaramdam kasi ako ng gutom kaya nag balak na kaagad akong bumalik kela Ate Allison.
"Hoy! San punta mo??" Tanong nung Brent. Siya yung humawak sa balikat ko. "Babalik na ako." Binalik ko na lang ang aking tingin sa daanang tinatahak ko. Wala naman talagang daanan dito, bahala kana kung san ka da-daan.
Pagkalabas na pagkalabas ko, mga nagkakagulong tao ang bumungad saakin. Mabuti na lang talaga hindi sila Ate ang una kong nakita kasi baka batok kaagad ang abot kung sakali man. "Chase! San kaba nangaling!?" Kaka-bangit ko pa lang ng Ate sa isip ko 'tas ito na? Ambilis naman yata. "Tinignan ko kung may daan ba papalabas sa gubat pero wala." Malumanay kong tugon habang nag lalakad kami pabalik sa kotse.
"Nag handa na yung iba ng lunch natin. Makiki sabay na din yung tatlo." Narinig ko iyon subali't lumabas sa kabilang tenga ko. Ang hirap mag focus sa sinasabi ni Ate kung may mararamdaman kang nakatingin sayo.
Nagawa kong libutin ang paligid ko ngunit madaming tao at hindi ko mawari kung kaninong mata ang nakatingin saakin. "Chase may problema ba?" Nag-panic kaagad ako. Wag ko bang sabihin? Pero mapagkakatiwalaan ko si Ate, sabihin ko na kaya? Maniniwala kaya siya---
"Chase." Napa hinga na lang ako ng malalim. "Ate, may nakamasid saakin kanina." Pinagmasdan ko lang ang reaksyon niya. Hindi ito nag bago kaya kinabahan na ako. "Act normally. Ayaw nating mag pahalata na alam natin." Ani nito na sinunod ko lang. Kinabahan talaga ako sa mukhang nakita ko. Para kasing walang pake na parang alam niya, na may ganon.
Hayst! Ikakain ko na nga lang muna ito para makapag isip ako ng matino. Baka guni-guni ko lang pala! "Nandito na ang hari ng walk out." Nagtawanan lang silang lahat. 'Di naman nakakatawa yung birong yun ni Dale. Sakanila oo pero saakin, hindi syempre.
"Anong ulam?" Pag-iiba ko na lang ng topic para hindi saakin manatili yung usapan. "Wala pa nga eh! Hindi pa kumukulo yung kanin kaya pwede pa tayong makapag desisyon." Wika ni Maurice.
"Nilagang itlog na lang kaya!" Mungkahi ni Heather. Mukhang may alam ito sa pag luluto
a! "Oh! Saktong-sakto." Nakuha ng pagkulo ng kanin ang lahat ng atensyon namin.
"Alam niyo para tayong nanunuod dito ng Sine." Pabirong asik ni Ate na hinalakhakan namin. Totoo naman kasi, parang may movie kaming pinapanood tapos nasa c****x na kaya tutok na tutok ang lahat, sa rice cooker.
Speaking of movies. Bigla ko tuloy ulit na alala na nawawala nga pala mga cellphone namin! Ang galing lang talaga!! Kaka pa-load ko pa lang 'don tapos mawawala bigla? Mapapa mura na lang talaga ako dahil sa stress. Wag ko na nga munang intindihin 'yun.
May tamang oras para sa paghahanap nun. Sa ngayon, lunch muna kasi gutom na talaga ako.
Yumuko na lang ako nang bahagya. Masin-sinan kong pinagmasdan ang lupang tinatapakan ko ngayon. "Problema mo?" Napaangat ako ng tingin ng magsalita si Arc. "Gutom na kasi ako." Bahagyang natawa si Heather na malapit lang sa amin.
Naka pwesto kasi ako dito sa tapat mismo ng Rice Cooker, literal na tapat. Inaamoy-amoy ko yung usok na binubugha nito. Ganon ako kagutom, exaggerated man pero 'yan ang totoo.
"Nalinisan ko na yung itlog." Kinuha ito ni Heather mula sa kamay ni Lyle. 'Di ko na lang sila pinagmasdan at nag focus sa rice cooker.
Napagtanto ko bigla na mag aantay pa pala ako bago tuluyang maluto yung itlog at kanin. Paano ko maaaliw ang sarili ko gayong wala akong cellphone tapos gutom pa ako.
Kukuha nga muna ako ng makakain para kahit papaano may laman ang aking sikmura. Akmang pupunta na sana ako sa compartment ng kotse namin nang biglang mag lahad si Arc ng isang Doowee Donut. "Thanks? I guess." Ngumiti na lang ako tsaka binuksan ang binigay nito.
"We feel you Chase kaya wag kang mag inaso jan sa gilid." 'Di ko na lang pinansin si Dale, kain na kain na kasi talaga ako. Lahat pala kami nakatangap nung donut. "Mag join force na lang kaya tayo ng mga supplies." Suggest ni Maurice habang pinupunasan naman ng boyfriend niya ang gilid ng labi nito. Mapapa sanaol na lang ako dito! Hirap talaga pag may pa-PDA.
Napunta naman ang atensyon ko kela Arc ng mag pakipot si Lyle. "Arc pa punas nga din ng labi ko." Natawa na lang ako deep inside ng hindi ito tugunan ni Arc.
Pinabayaan ko na sila sa kanilang problema. Tinuon ko na lang ang aking pansin kay Heather na chineck kung luto na ba yung kanin. Madami kasing sinaing kaya matagal din bago tuluyang maluto tapos dinagdagan pa namin ng itlog kaya mas lalong tatagal ng kaunti.
"Chase pwede bang mag handa ka na ng pingan kasi mukhang busy yata yung iba sa kani-kanilang mundo." Ngusong utos nito. Wala din naman akong choice kundi sumunod kasi ako nga lang ang walang inaatupag at saka gutom na rin naman ako kaya ginawa ko na kaagad.
Hindi na ako nag abala pang tawagin sila na kakain na. Ako na ang unang bumanat, iniwan ko lang ang mga paper plate sa banig na nilatag nila sa may damuhan. Dapat talaga sa lamesa ko ilalagay kaso sandamak-mak ng gamit ang nandon edi dito na lang sa may banig.
Kung pwede nga lang na iwanan na lang sa damuhan yung mga plato nila baka kanina ko pa ginawa. "Bahala sila jan." Lihim na bulong ko. Hinihipan ko muna yung kanin at ulam para hindi ganon ka init pag sinubo. "Asin." Si Ate Allison na ang nag labas ng asin para saamin. Nakakahiya nga don sa apat na puro kwentuhan. Parang mga mag cou-couples lang takte! Couple pala si Dale at Maurice.
"Bitawan mo na ako, pwede ba?" Iritadong lumapit saamin si Arc habang sinusundan pa din ni Lyle. Pinabayaan ko na lang sila. Kahit simple ang pagsasalo namin, masaya ako na kasama ang mga bugok na 'to.
"Oyy sasabay na din kami!" Habol ni Dale habang naka holding hands sila ni Maurice. "Self service oy!" Anong gusto ng Dale na 'to? Isusubo na lang sakanya? Nah ah! Hindi yun mangyayari.
"Self service nga daw hindi girlfriend ang gagawa." Pag dagdag ni Ate. Nagiging tamad na kasi yung lalaking yun, hindi ka naman nag ka girlfriend para pag lingkuran ka. Nag ka jowa ka para mag mahalan kayo. "Oo na!" Tamad itong sumandok ng kanin mula sa Rice Cooker.
Kakakuha pa nga lang namin, 3/4 na agad ang nabawas. Yung iba tuloy ay mabibitin. Hindi kasi talaga pang seven person yung rice cooker na meron kami. More likely, pang 4-5 person lang.
Nang maubos ko ang aking kanin, sumandok ulit ako. Medyo dinamihan ko na para bigyan din si Heather. "Rice??" Tanong ko rito. "Busog na ako." Ngumiti ito na nag palungkot saakin kasi nag effort pa akong kuwaan siya tapos ganto pala mangyayari.
Mabuti na lang talaga at nag bago ang ihip ng hangin. Bigla na lang kasing tumunog nang mahina yung tiyan nito kaya wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang kanin na kinuha ko.
"Aayaw pa ha!" Pang-iinis ko na inirapan niya lang. Ang cute niya bwisit! Sarap pisilin nung pisngi niya. Tumahimik naman bigla ang lahat. "Mukhang may chemistry nangyayari ha!" Mapang-asar na saad ni Dale mula sa katahimikan. "Earth Science mahilig si Chase." Pag tatangol ni Ate. Nakakatuwa lang yung sinabi ng kapatid ko.
"Oyy!! Mahilig din si Heather sa Earth Science." Takte! Nakisali na si Lyle sa eksenang ito! "Kaya pala tayo nayanig sa eksena nung dalawa." Dagdag pa ni Arc na tinawanan nila except saamim ni Heather. Kung anu-ano iniisip nila!
Kasalukuyan, seryoso lang akong nakatingin sakanila habang medyo namumula naman si Heather. "Lyle! Biology kaya ang fav ko hindi Earth Science." Pag tatangol ni Heather sa sarili niya.
"Kaya pala lagi kang natutulog sa klase ni Maam Isiah." Nakapamewang pang saad ni Lyle. Di ko naman mabuka yung bibig ko kasi baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon pag nag salita pa
ako. "Wala ng kawalaan!" Sigaw ni Dale kaya tinaas ko na lang yung middle finger ko, sa palihim na paraan naman kasi nag kukumpulan kami dito, mamaya jan isipin nung kahit sino saamin na siya pinapatamaan ko kahit si Dale talaga.
"Hihiramin ko lang si Chase ha?" Paalam ni Dale kay Heather. Pag harap ng loko saakin ay ngumiti ito ng sobrang lapad at alam ko na kung anong kahulugan nito. Pag tri-tripan niya lang naman ako tapos ta-tanungin kong anong na fe-feel ko kay Heather. Wala namang bago kapag may nangyari kagaya na lang nito.
"Hoy Dale! Wag mong itanan yang si Chase a, mag papayanig pa sila ni Heather." Putcha! May pa ganyan-ganyan na din si Maurice ngayon? Akala ko pa naman kampi ko siya gaya ni Ate.
Speaking of Ate. Patawa-tawa lang yung kapatid ko na halatang nagugustuhan ang nangyayari. Pinagtutulongan nila ako ampota. "May nililihim ka saakin noh?" Pinagmasdan ko lang ang mukha nung gago. Sarap niyang batukan sa totoo lang. "Sabihin mo na kasi. Hindi ko ipagkakalat! Bestfriend mo kaya 'to kaya dapat pagkatiwalaan mo ko," napasinghap na lang ako. "To be honest with you, She's kinda cute," pag aamin ko na dapat hindi ko ginawa ko.
"Sabi na eh!"
Hinila niya ako pabalik sa pwesto namin na agad kong pinigilan. "Anong balak mo?" Nangangamba kong tanong. "Ano pa ba!? E 'di pagkakalat." Masama ko siyang tinitigan. "Subukan mo lang talaga at makakatikim ka ng sapak saakin, saka cute lang siya sa paningin ko kaya wag ka ngang mag isip-isip ng kung anu-ano. Wala pa nga yata to sa infatuation e.." Tamang tango na lang yung gago.
"Basta sabihan mo lang ako kapag love na yan ha! Wag kang mag-isip na mas bata siya sayo o kung anuman kasi yung iba ngang magkakasintahan ay 8 years ang agwat." Una sa lahat, wala naman talaga akong pakealam sa age na yan at pangalawa, wala pa akong balak mag ka relasyon lalo na't nasa sitwasyon kami na ganto.
Hindi ito ang tamang oras para doon. Masaya din naman ako kahit single basta kasama ang mga tropa't kaibigan oks na ang buong magdamagan.
"Maiwan na kita, mukhang naiistorbo kita sa daydream mo." Natauhan na lang ako ng sipain niya ako sa tuhod. "Heather! Gustong makipag usap ni Chase sa'yo." Puta! Anlakas talaga mang gago ng lalaking yan. Pag talaga naka hanap ako ng butas sa Dale na 'yun.
Lumapit tuloy si Heather saakin. "Uhmm.. May sasabihin ka?" Nakayuko ito habang nakatingin saakin. "Pag-pasensyahan mo na si Dale, hindi naman talaga kita tinatawag pero nandito kana kaya hihingi na lang ako ng paumanhin."
"Naku! Hindi mo naman talaga kasalanan, malakas lang talaga siguro trip nila tapos dumagdag pa si Arc at Lyle. Di naman talaga kami close ni Arc, di nga kami nag uusap niyan e maliban na lang kung iuutos ng magaling kong bestfriend."
"Mga bestfriend talaga." Nagtawanan lang kami. Kita ko sa gilid ng mata ko ang mga mata nilang lahat. Oh no! I shouldn't did that joke.
Mukhang mas hahaba ang issue na 'to.