- Troubles -
Nakahinga ako ng maluwag nang mawala na yung matang nakatingin saakin. Hindi ko lang alam kung napapansin ba 'yun nitong si Arc. "Alam mo ang weird mo," 'di ko na lang siya inimik. That statement of his was the evidence na hindi niya talaga naramdaman yung matang nakatingin saamin este saakin.
"Nga pala, napansin mo din ba yung matang nakamasid saatin?" Tanong nito. Lahat ng conclusion ko kanina ay biglang nasira. Nagtataka lang ako kung bakit niya pa sinabi na ang weird ko kung naramdaman niya din naman pala yung tingin na iyon. Gusto ko sanang sabihin na siya itong weird.
Napaisip tuloy ako kung dapat ko pa bang sabihin sakanya ang tungkol sa matang iyon, yung mga nangyari kagabi saamin, specifically saakin. Hindi ko alam kung anong hakbang ba ang aking gagawin kasi hindi ko pa naman talaga kilala itong lalaking kaharap ko ngayon.
Minsan kasi, hindi ka nila paniniwalaan lalo na't wala naman akong proof tsaka hindi naman talaga kapani-paniwala ang pangyayaring yun. Pati nga ako ay hindi naniniwala 'don. Hindi naman kasi karaniwan sa mundong ginagalawan natin kaya siguro ganon na lang din ang pananaw ko sa pangyayaring yun.
Hindi ko na lang binuka ang bibig ko. Kailangan ko ding magingat-ingat sa mga nakakasalamuha ko kasi mamaya pala jan, kasabwat na nang may pakulo nito ang kaharap ko. "May nalalaman ka ba?"
Nabigla ako sa tanong na 'yun kaya hindi ako nakasagot kaagad. "Alam mo halatang-halata yang mga kinikilos mo pero hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo talaga." Tumalikod na siya. Siguro babalik na sa kung saan man siya tumatambay.
Apat na hakbang ang ginawa niya bago huminto at dahan-dahang lumingon saakin. "Mapagkakatiwalaan mo ako kaya kapag may time kanang ipaliwanag ang mga nalalaman mo, kausapin mo lang ako." Tuluyan na itong naglakad papalayo.
Kumibit-balikat na lang ako saka napag-isipang bumalik kela Ate Allison. Pam-pasakit lang sa ulo kapag iniisip yung mga gantong scenario. Ayoko munang mag isip-isip.
"Oh! Anong nangyari?" Hindi ko naman maipagkakaila na pansin talaga sa mukha ko ang hindi kaaya-ayang ekspresyon kaya mabilis na nakita 'yun ni Ate. "Nakita ko na naman siya."
Natigilan si Dale at Maurice sa paglalandian nila. Maingat nila akong hinarap. Nasa loob kasi sila ng kotse habang si Ate naman ay nasa labas, inaasikaso ang lamesa't kung anu-ano pa.
"Spill it out." May magagawa pa ba ako para matakasan 'to? Tsaka sila lang ang pinagkakatiwalaan ko dito. "Pumunta ako sa magubat na part nitong sementeryo para tignan kung may makikita ba akong kung ano don subalit ang nakita ko lang ay isa sa mga taong nandito sa sementeryo," paninimula ko.
Dinugtungan ko kaagad kasi mukhang nabitin sila. "Nung una akala ko nasa panganib na ang buhay ko yun pala, siya ang mag liligtas saakin. I guess? Kasi kung wala siya don baka sinugod na ako nung nakamasid saamin," nahagip ng paningin ko si Arc habang hinahabol ni Lyle. Pinagpatuloy ko na lang ang sinasabi ko. "Pero medyo wala din akong tiwala sakanya." Pagdugtong ko.
Mukha siyang mabait at matinong tao subalit hindi ko siya kilala ng lubusan. Mukha din kasi siyang maraming tinatago sa buhay kaya ayoko muna mag tiwala.
"Oy! Ikaw pala-- BITAW SABI EH!" Palihim akong napailing. Kahit ako, ayoko ng may dikit ng dikit saakin. Kung titignan mo naman nang maigi si Lyle, maganda naman ito at mukhang nang galing sa maimpluwensyang pamilya. Di ko nga alam kung 'bat habol ng habol yang babaeng 'yan.
Mas gwapo pa kasi ako diyan kay Arc pero no thanks na lang, mas okay sana kung si Heather na lang ang ipapalit kay Lyle. Natawa na lang ako sa aking isipan. Ngumiti naman bigla si Heather. "Dito pala ang spot niyo?" Hindi ko nagawang makasagot bagkus ay ngiti lang ang nabigay ko. "Is that a yes or a no?" Tanong muli nito.
"Yup. Magpakilala kaya muna tayo sa isa't isa para---" Okay, mukhang di ko na kailangan pang sabihin 'yun kasi nag kanya-kanya na silang pakilala. 'Di ko man lang napansin na kami na lang pala ni Heather ang nandito sa pwesto na 'to.
Bahagya itong natawa. "Di na kasi kailangan maging pormal, 'di ganyan ang pagpapakilala ngayon." Palihim na lang akong napa buntong hininga. Tama naman kasi siya, minsan nga, hindi na nila kailangan mag pakilala sa isa't isa kasi naririnig na nila mismo yung pangalan nung gusto nilang makilala.
"Well I guess, di ko na kailangan pa mag pakilala." Tumango lang si Heather. Nakisali na kami sa kanilang lima. "Chase usap lang tayo saglit." Nagpahatak na lang ako kay Ate Allison.
Kunot noo ko siyang tinignan ng makalayu-layo kami sa lugar na iyon. "Unang tingin ko sa Arc na yun ay parang puno nang misteryo at lihim sa buhay subalit may side din naman ako na nag titiwala sakanya. Kailangan din natin bumuo ng grupo para mas mabilis nating magawa ang mga bagay na 'to." Tumango tango na lamang ako.
Madali lang bangitin ngunit mahirap gawin kasi nakasasalay sa pagpili namin ang posibleng kakalabasan ng kinabukasan naming lahat. Once na may nag traydor, sira na ang lahat-lahat pero at the same time, kailangan pa din namin maghanap ng kasapi.
Siguro simulan namin kela Arc. Kahit papaano naman ay kilala ko na silang tatlo, sa palagay ko.
"Siguro kailangan natin silang pagkatiwalaan kahit na hindi tayo sigurado, pwede naman natin silang kilalanin habang nasa process ng pagkilos diba?" Pinagmasdan ko lang ang pag tango nitong kapatid ko. "Balik na tayo!"
Pagka balik namin may kanya-kanyang kwentuhan na sila. Mukhang close na si Dale at Arc habang si Heather naman ay kadaldalan si Maurice sa may damuhan. Wala namang lawn lots sa side na yun kaya malaya silang nakaka upo. Si Lyle? Nandon sa tawid, 'di ka layuan sa pwesto namin. May kausap siya sa kanyang telepono at mukhang seryoso kasi may pa kunot ng noo pa ito.
Lumapit na ako sa pwesto nila Dale. "Oh! Chase, anong pinagusapan niyo ni Allison?" Wala ding galang 'tong bugok na ito sa ate ko. "About sa bahay lang." I lied and I know na alam na ni Dale kung ano talagang nangyari sa paguusap namin ni Ate. Masyado kasing obvious sa mata niya kaya nalaman ko yun.
Hindi ko magawang tignan si Arc kasi pakiramdam ko ay sobrang nag dududa siya subalit di ko naman pwede ipahalata na guilty talaga ako kaya kailangan kong humarap sakanya. "Can I speak with you?" Tanong ko kay Arc na hindi sumagot bagkus ay sumunod lang siya saakin.
Dinala ko siya sa pinaka malapit na punong masisilungan. Malakas kasi ang sikat ng araw kaya kailangan 'din ng masisilungan. "Alam ko na," saad kaagad nito. "Mali ang tumatakbo sa utak mo. Ang sasabihin ko ay handa na akong magbahagi ng nalalaman." Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ito ba talaga ang tamang gawin o hindi, wala ng bawian. Nasabi ko na kaya gawin na natin.
"Buod lang ba o literal na buo?" Napaisip siya. Mahirap kaya ikwento yung buo lalo na't hindi ako magaling sa mga ganto. Never pa akong napadpad sa landas na 'to. "Paikliin mo na lang."
Nang marinig ko ang go signal na 'yun, agad na akong rumatrat in a good way naman hindi yung parang nakikipag-away jan sa kanto. Sa kalagitnaan ng pagsasalaysay ko, parehas naming naramdaman ni Arc ang presensyang nasa likod namin.
Pagtalikod namin, yung mga pangit lang pala. Si Lyle, Heather, Dale, Maurice at Ate Allison. Nahagip ng mata ko ang pag senyas ng mata saakin ni Ate. Sinasabi nito na parang kapit lang sa tiwalang binibigay namin dito sa tatlong ito.
I wonder kung nakausap ni Ate yung dalawang mag jowa. Di pwedeng saamin lang mangaling ang mga desisyon. Mamaya jan, hindi pala sila sang-ayon sa ideyang ginawa namin ni Ate. Grupo kami kaya iisa dapat ang plano, hakbang at kilos namin. Hindi yung literal na pare-parehas kami ng galaw. Ang punto ko ay yung hindi dapat bara-bara ang pag dedesisyon namin.
"Hindi mo ba isha-share saamin yan?" Naka ngusong saad ni Heather. Ito naman si tanga na hindi mapakali. Sino ba yung tanga dito? Ako lang naman ang nag iisang ganon. Si Dale medyo-medyo pa, ako talaga ang founder ng mga tanga. Tanga na matalino ang tamang term.
Napangisi na lang ako sa utak ko dahil sa katarantaduhan na iyon. "Kami na nga mag eexplain, mukhang na stroke yung isa jan." Natatawang wika ni Dale. Akala niya naman na maiinis ako sa ganong bagay.
"Ibig sabihin wala talaga kayong balak na ibahagi saamin ang mga natuklasan niyo?" Ako na ang sumagot sa tanong ni Heather gamit ang pag tango.
Si Lyle, ayon nakadikit na naman kay Arc na unti na lang ay sasabog na sa galit. "Alam din kasi namin na hindi kayo maniniwala sa ikwe-kwento namin kaya ganon." Dagdag ko kasi hindi nagustuhan ni Heather ang tangong pinakawalan ko.
"Ikwento niyo na."
Pinagpatuloy ko ang naudlot na pag salaysay . Ngayon, dumadag ang statement ng tatlo kong kasama na mas lalo nag pa interasado sa mata nila Lyle. Hindi ko nga lang alam kung nakikinig ba talaga 'tong si Lyle o sadyang kinukuha niya lang ang pagkakataon na 'to para makakapit kay Arc ng hindi iyon nagagalit.
Naagaw ang atensyon namin ng makarinig kami ng sigaw. Nung una, pinalampas na lang namin atsaká muling pinagpatuloy ang pagkwe-kwento datapwat, muli naming narinig ang sigaw ng isang lalaki. Wala naman talaga kaming balak na makihalubilo doon kaso nag dagsaan ang mga tao kaya ayon, na kuryoso kami sa mga nangyayari.
Napasabak tuloy kami sa gitgitang senaryo. Ang lawak-lawak naman. Talagang trip lang siguro namin at ng mga tao ang magkumpulan sa gitna ng kalsada. "Anong nangyari dito?" Tanong ng karamihan sa amin. To be honest, wala akong pake sa mga nangyayari pero nang makapag salita na yung sumigaw. Kinabahan kaming lahat.
"May barrier dito sa gate at hindi namin alam kung paano nangyari iyon." Isa ito sa mga lalaki na unang tumungtong dito kaninang umaga. Yung may dalang sasakyan bago ko makasalamuha ang mag inang Erin at Jepson, specifically yung laman ng honda civic. Nahagilap ng mata ko yung dalawang mag-ina, nasa unahang parte sila. Medyo likod kasi ang pwesto namin lalo na't hindi kami mahilig makipagsiksikan kasi may space pa naman sa tabi.
'Di kami tanga-tanga. Well, mga kasama ko lang pala kasi baka kung ako lang ay makiki-gulo din ako sa gitna. "Alam mo, 'di yan kapani-paniwala." Lumapit ang isang lalaki na mukhang high school student sa tinutukoy na barrier. As soon as na madampian nito ang humahadlang ay napaatras ito ng kaunti.
Hindi makatotohanan pero nasasaksihan ko ngayon. Ang weird, kasi hindi naman kami nasa isang fantasy world na nagagawa ang mga ganyan. May supernatural talagang nagaganap sa sementeryong ito at hindi ko iyon nagugustuhan.
"Mukhang ginagago yata tayo nito. Di naman talaga totoo ang mga ganyan-ganyan, baka arte lang nila 'to." Lumapit ang dalawang lalaki na siguro ka age lang din nung nauna kanina. "Masyado kayong exaggerated, 'di naman talaga kayo itutulak nito. May naka harang lang talaga."
Isa din sa nakakapag taka, kanina nakalabas pa nga ako. Nagawa kong makabili ng taho pati magpa load tapos ngayon ganto? Ano ba talagang nangyayari dito.
Di ako madaling makumbinse lalo na kapag walang kongkretong paliwanag. "Mukhang kailangan natin ng tulong mula sa labas. Mag contact na kayo ng mga kamag-anak na makakatulong." Nag si balikan kaagad kami upang kuhanin ang cellphone namin ngunit nang icheck ko ang damuhan na pinaglapagan ko ng aking cellphone. Ito'y nawawala.
"Nakita niyo ba yung cellphone ko?" Inilingan ko ang tanong ni Maurice. Naka focus din kasi kami paghahanap sa sariling cellphone. Hindi ko talaga magawang hanapin ang telepono ko kahit saan. Napadpad na ako sa sasakyan, sa mga bagahe namin, sa damitan, sling bag, backpack pati mga damuhan ay tinignan ko subalit wala talaga. Hindi magandang senyales 'to para saamin.
Siguro tina-target na kami kasi may unti kaming nalalaman sa nangyayari. Unang tumatakbo sa isip ko ay ang mga memory pictures, message at mga mahahalagang nilalaman ng cellphone ko.
"Guys, mukhang hindi lang tayo ang may issue." Sinilip ko ang mga tao sa paligid namin. Nagkakagulo din sila gaya namin. Nakuha din kaya ang mga gadget nila?
Dali-dali akong tumakbo papunta sa isang lugar. "Chase! Saan ka pupunta?" Habol na tanong ni Ate Allison ngunit 'di ako nag patinag 'don. Kung may barrier sa gate. Ibig sabihin, posibleng walang harang ang dulo ng gubat na parte nito.
Takbo lang ako ng takbo. Di ako runner para hindi mabilis hingalin, nag mo-morning jog ako subalit hindi takbo ang ginagawa ko. Ngayon kasi parang akong nasa contest at may hinahabol na time limit or let's say na nasa isang marathon.
Pagkadating ko sa kadulu-duluhang gubat na part ng sementeryong ito. Isang malaking pader ang bumugad saakin.
Mukhang planado na 'to nung punyetang 'yun. Hindi ako makapaniwala na nadali kami! The worst part is... Lahat kami.