Chapter 3

2073 Words
- New faces - "Hoy! Bungol. Gumising kana jan!" Teka! Bakit nandito silang tatlo at nasan ba ako? "A-anong nangyari?" Naguguluhan kong tanong. Ang natatatandaan ko ay tinurukan ako ng pampatulog. Naalala ko tuloy bigla yung boses nun. Hindi ko lang malaman kung pang babae ba o lalaki, kasi yung boses ay pang lalaki ngunit yung paraan niya ng pananalita ay parang pang babae. Dumagdag pa tuloy yun sa iisipin ko. "Matapos mo kaming iwan kagabi, wala kaming ka ide-ideya kung saan ka napadpad. Sinubukan ka naming hanapin sa mga museleo kaso wala naman. Nung napag desisyunan na naming bumalik muna dito. Nakita ka na namin na nakahiga sa isa sa mga lawn lots na malapit dito sa kotse." Salaysay ni Maurice. Bakit naman ako iiwan na lang nung tao na yun. Diba chance na yun para gumawa ng hakbang pero bakit di niya ginawa? "Oh! Uminom ka muna ng tubig." Nag pasalamat lang ako bago kinuha sa kamay ni Ate yung baso. "Wag na muna nating isipin 'yun, atleast safe si Chase," bumuntong hininga lang ako sa sinabi ni Dale. Di naman kasi mawawala sa isip ko 'yun kaagad lalo na't ako yung naka experience. 'Di madaling kalimutan ang mga bagay na ganon. Nakuha lahat ng atensyon namin ng may dumating na kulay itim na honda civic. Hindi lang basta-basta na civic kasi naka set up 'to! Sa katunayan niyan, hindi siya pure black. May ibang kulay pa na hindi ko mawari kung ano. "Mukhang dumadami na tayo dito huh." Wika ni Dale. Pasimple ko namang tinignan yung loob ng civic kaso masyadong tinted kaya wala akong makita. Kinibitan ko na lang iyon ng balikat tsaka sinulyapan ang aking cellphone para makita ko kung anong oras na ba. 8:27am Binalik ko na lang ang tingin ko sa civic. Nag park ito sa di kalayuan sa pwesto namin. Siguro nasa tatlong sasakyan yung pagitan namin. Niluwa ng pintuan ng kotse ang tatlong lalaki. Siguro mag tro-tropa. Dahil sa gusto kong makalimutan ang nangyari, nag balak akong lumabas para maiba naman ang mga nakikita ko. "Oyy lalabas lang ako para mag pa load sa may tindahan." 'Di na ako nag antay pa na sumagot sila. Mag papa load ako kahit ayaw nila. Kating-kati na kasi ako maglaro ng among us, na miss ko lang. Isang araw ko na din hindi na lalaro yun simula nung pumunta kami dito. Nag lakad ako ng payapa sa sidewalk. "Magandang umaga po." Ngumiti lang din ako pabalik sa guard na nandito sa gate. "Magandang umaga rin po." Siya maganda ang umaga pero ako, hindi. Hanggang ngayon di ko pa din matangal-tangal sa kukote ko yung naganap kagabi. Sobrang bilis din kasi ng pangyayari! Pagkalagpas ko sa gate, nakakita ako ng mag-ina na medyo nagkakaalitan, bahagya akong lumapit para marinig ang pagtatalo nila. Hindi sa ikwe-kwento ko, sadyang trip ko lang talaga. "Anak, wala tayong pambili." Malumanay na sambit nung ina. "Pero mama, gusto ko po talaga nung taho." Gumawa na ako ng mabilisan aksyon. Yung taho vendor ay nasa tawid. Tumawid ako para bumili ng dalawa. Isa para sa nanay at isa para don sa batang lalaki. "Dalawang sampu po," dumukot lang ako sa aking bulsa ng 20 pesos bilang pambayad. "Salamat iho." Kumamot lang ako sa ulo. "Manong, pwede pong dito muna kayo? Bibili pa po ako ng apat pagbalik ko. Ibibigay ko lang po muna ito don sa mag-ina." Ngumiti ito ng matamis at saká nag tatango. "Ang bait mo iho." Ngumiti na lang din ako pabalik. Tumawid ako bitbit yung dalawang taho, nang nakita ko naman ang malungkot na mukha nung bata, ibig sabihin ay hindi ito nagtagumpay na pilitin ang kanyang ina. Mas lalo ding lumala yung lungkot nito nung nakita niya akong may dalang dalawang taho. Ang hindi niya alam, para sakanila ito. "Ahmm.. Excuse me po, sainyo na lang po 'to," nanlaki ang mata nung bata. "Naku! Nakakahiya naman. Di mo naman kailangan mapilitan noh!" Inilingan ko na lang ang sinabi ng ina. "Para sainyo naman po talaga ito kaya tanggapin niyo na po." Magalang kong wika. Bumalik ako kay manong tindero para bumili ng apat na sampung piso. "Diyan po ulit sa sampung piso, apat na piraso po." Shemay! Pano ko pala 'to bibitbitin? 'Di ko yun naisip. Takte! "Ako na muna mag hahawak niyang isa mo 'tas isa din dito sa anak ko." Napayuko na lang ako. Kinuha na nung mag ina yung dalawang binili ko. "Thank you." Tumawa lang silang dalawa. "Hindi ko alam kung pano kita ma babayaran kaya ito na lang ang naisip ko." Inilapag ko muna sa may table ng isang tindahan yung dalawang hawak kong taho. "Hindi niyo na po kailangan bayaran yun. Okay na ang lahat." Hinarap ko yung nag titinda para bumili ng lava cake at mag pa load. Tatlo na ang binili ko para sa dalawang ito. Akmang mag papasalamat na yung nanay kaso inunahan ko na. "No need." Tumawid kami pabalik sa sementeryo. Nakasunod lang sila saakin hanggang sa marating namin ang pwesto nila Ate. Medyo nasa bungad lang naman 'yun kaya di na kailangan pang lumayo. Napansin ko lang ngayon na medyo gumalang ako. Hindi pala medyo ang tamang term, sobrang galang ang dapat. Di ko naman kasi gawain ang mag po sa mga nakakatanda saakin. Perhaps, masamang ugali ang ipinapakita ko, most of the time. "Chase, who are they?" Taas kilay na tanong ni Ate. Kasalukuyan siyang nakapamewang sa labas ng sasakyan. Si Maurice nasa loob ng sasakyan habang si Dale naman ay hindi ko alam kung saang lupalop napunta. "Ako nga pala po si Jepson." Masiglang ani nung bata. Yung nanay naman ay napa singhap na lang. Siguro nahiya na siya. "Ako naman ang nanay nitong makulit na ito, ako si Erin." At dahil naging introduce yourself na ang nangyayari, nagpakilala na rin kami. "Ako si Chase. Ito naman po ang maganda kong Ate na si Allison. Iyon naman ang kaibigan namin na si Maurice." Pagpapakilala ko, 'di na nagawa pang mag salita si Ate at Maurice kasi ako na ang nagpakilala. "Last but not the least, Dale." Singit naman nitong bugok na tinawanan lang naming lahat. Dahil sa pagtawa ko, di ko namalayan na pinahid niya yung kamay niya sa damit ko. "Bwisit ka!" Alam ko kasi kapag ganon. Nakakabadtrip! Nagtawanan uli sila. "Maraming salamat Chase, dito na kami." Nag paalam lang yung mag-ina saamin hanggang sa tuluyan na silang maglaho sa tanaw ng aming mata. Siguro yung puntod na meron sila ay nasa pinaka likod. "Atleast binigyan tayo ng taho nun." Napakunot ako. "Hoy! Ako bumili nito Dale." Binigyan niya lang ako ng hindi makapaniwalang mukha. Di ko na lang siya pinansin. Gago siya! Pinunas niya ba naman saakin yung kamay niya, malay mo jan may ihi niya. Kinuha ko na lang sa bulsa ko yung phone ko para tignan kung nakuha ko na ba yung load. Di kasi nag vibrate kanina. Pag open ko. Fifty pesos load agad ang sumalubong saakin. Nice! Makakapag laro na rin ako sa wakas. Ni-regestered ko lang yung 50 pesos sa GoSurf 50 tas may 1 Gb freebie pa yun per day. Syempre, Go Watch & Play na yung kinuha ko. Nang mag text na ito. Dineretsyo ko kaagad yung Among Us subalit nahagip ng mata ko ang mga taong padating. October 29 palang pero ang dami ng tao dito. 'Di ko expected na ganto pala ang mangyayari. Di naman sobrang dami ang dumating, siguro 20+ kaming nandito sa sementeryo, more than two ay considered nang madami. Akala ko lang kasi talaga na kaming apat lang ang nandito. Pabayaan na nga! Maglalaro pa ako. "Bwisit!" Daing ko. Nakuha ko tuloy yung atensyon nitong tatlo. "Bakit? Anong nangyari?" "Nahuli akong impostor." Malungkot kong saad na hinalakhakan lang nila. "Adik kana boi!" Pinakyuhan ko lang si Dale. Siya nga, adik kay Maurice e. "Pasali nga kami." Napakamot na lang ako saaking ulo. Pagtatawanan nila ako tapos mag lalaro din pala sila. "Wala! Pinagtawanan niyo ko. Bahala kayo jan, mag lalakad-lakad muna ako." Bago ako lumabas sa sasakyan. Kinuha ko muna sa sling bag ko yung headphone para mag soundtrip habang nag mumuni-muni. Nag shuffle lang ako sa spotify at payapang naglakad. Habang nag lalakad, nakakita ako ng lalaking nasa loob ng isang museleo. Sa labas naman nito, may nag ta-tagong dalawang babae. Siguro mga nasa 15-17 yung age nila habang yung lalaki naman ay nasa.. 16 or 17 siguro. Hininaan ko yung volume nung headphone ko tsaka medyo inurong para makarinig sa paligid. "Lyle naman! Kung gusto mo siyang sundan e 'di gawin mo pero sana wag mo akong isama. Magmumukha akong naghahabol. Gaya na lang nung lalaki na yun, baka iniisip niya na crush ko din yang Arc mo." Napa tameme ako ng marealise na ako pala yung lalaking tinutukoy niyang nakatingin sakanila. Ano na naman bang gulo 'tong pinasok ko! "Arc Martin Reyes. Mag pakasal na tayo!?" Sigaw nung babaeng nagngangalang Lay? Lie? Lae? Lail? Pano ba yung spell ng pangalan nun? Basta siya. Hindi siya sinagot nito. Nag lakad lang papalayo yung Arc habang yung babae ay nakabusangot. "Try again next time, Lyle." Wika nung kasama nito. Ayan na naman tayo sa pangalan na yan. Akmang aalis na sana ako ng makaramdam ako ng isang palad. "Oy pagpasensyahan mo na yung kaibigan kong si Lyle. Super crush niya kasi talaga yun. Stalker na nga yung babaeng 'yun e." Tinitigan ko lang siya. "May tanong lang ako." Tahimik siyang tumango. "Paano i-spell yung pangalan ng kaibigan mo?" Alam ko na isa itong nakakatawang tanong pero kasi, nalilito ako. "L Y L E. Lyle." Pag spell nito. Okay gets ko na. "At dahil kilala mo na si Lyle, mag papakilala na din ako. I'm Heather Mendoza." "Chase Benedict Adiel." Buong pangalan sinabi niya e 'di buo din sasabihin ko. "Una na ako! See you around." Ngumiti lang ako saka kumaway din pabalik. Mag babanyo nga muna ako. Nag play lang ulit ako ng music hanggang sa matunton ko yung banyo. Inihinto ko lang yung kanta tapos nilagay ko yung headphone ko saaking leeg. "Excuse me," napatingin ako sa nag salita. Siya yung Arc kanina. "Can you do me a favor?" Taas kilay ko siyang pinagmasdan. Di na lang ako nagsalita para mapakingan yung kailangan niya mula saakin. Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang mag salita. "Paki sabi naman don sa babaeng yun na nasa Museleo si Arc. Pati ba naman kasi sa CR, susundan ako. Ang creepy na kaya." Mukhang wala naman akong ibang choice kaya ginawa ko na lang din. "Lyle right?" Panay lang ang pag mamasid niya sa paligid. Mukhang hindi niya ako narinig. "Alam ko kung nasan si Arc." Nung pagkabangit ko ng pangalan, biglang saakin napunta yung atensyon niya. "Bumalik sa Museleo." Walang gana kong saad. Sa totoo lang, ayokong gawin to kasi baka mauwi ako sa point na ako yung sisihin nitong babaeng 'to. Edi damay pa ako! Palihim lang akong nagsenyas kay Arc na okay na ang lahat. Umalis naman yung Lyle ng walang pasa-pasalamat. Grabe naman yun! Baliw na yata siya don sa lalaking iyon. "Salamat." Tinapik ko lang yung balikat niya. "No problem pero badta labas ako sa problema mo." Pumasok na ako sa loob ng Restroom. Pagkalabas ko. Nag patugtog na uli ako but this time, kinain ko na yung lava cake na binili ko. Pinagmasdan ko na lang muli ang paligid ko. May iilang nag haharutan, may mga magkakaibigan, mag pinsan at marami pang iba. Nakakatuwa lang minsan pagmasdan yung mga tawanan at biruan ng mga magkakadugo. Minsan mahahawa kana lang din. Isang bola naman ang tumama sa gilid ng aking sapatos. Pinulot ko ito at pinagmasdan kung saan nangaling. Tinangal ko din yung headphone para makarinig ako. "Kuya! Dito po." Hinagis ko lang sa gilid ng bata para hindi siya matamaan. "Salamat po." Wika naman nung batang babae. "Walang anuman." Nag salute ako sa 'di ko malamang dahilan. Wala na, nagawa ko na kaya hindi ko na mababago pa 'yun. Naglakad na muli ako. Nag balak akong puntahan uli yung gubat na part ng sementeryo, umaasang makakita ng kahit ano kaso wala talaga. Nakakita ako ng isang anino kaya naghanda kaagad ako. "Sino ka? Lumabas ka jan sa puno!" Humakbang ang isang paa nito. "Sorry kung natakot kita. Gusto ko lang kasi sanang makabawi sa pagtulong mo saakin kanina. Kahit papaano nakatulong yun sa pag tatangal stress ko sa Lyle na iyon." Hindi ako sumagot. Alerto padin ako, hindi lang siya yung nandito ngayon. May isa pa kaming kasama! Ramdam ko yung tingin nito saakin na parang tinatansya lahat ng galaw ko. Hindi 'to magandang senyales. Isa lang ang kilala kong posibleng nagmamay-ari nung mata na yun. Walang iba kundi yung nag turok saakin ng pampatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD