- Picture - Nang matagpuan ako nila Ate ay agad nila akong tinangal sa pag kaka gapos. Kasama nito ang buong squad namin. "Anong nangyari sa'yo?" Nag aalalagang tanong ni Ate na hindi ko masagot bagkus ay iba ang aking sinabi. "Tumakas siya doon," tinuro ko ang direksyon kung saan nag laho yung tao na iyon gamit ang aking nguso dahil hindi pa ako nakaka kawala sa pag kakagapos. Agad na tumakbo si Arc at Dale papunta doon samantalang ang mga babae ay inaasikaso ang taling pinangtali saakin. "Ang hirap naman nitong tangalin, wala ba kayong gunting o kahit ano jan?" Reklamo ni Maurice habang sinusubukang pigtasin ang tali. Ako naman itong napapa daing dahil sa kung anu-anong ginagawa nito. "Wala akong mahanap na kahit anong pwedeng gamitin," saad ni Lyle na makabalik na ito saamin. "Sure

