- Caught - "A-anong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Ate Allison. Napadako ang kanyang mata sa hawak kong larawan. "Walang hiya kang babae ka!" Sumugod si Beatrice. Teka! Diba kanina lang ay kasama ko pa itong di Beatrice tapos ngayon ay ganto ang nangyayari? Siya pa ang nangunguna. 'Di kaya ay sinapian din siya gaya ni Marxus? Humarang kaagad kami ng makalapit si Beatrice sa pwesto namin. Prinotektahan namin si Maurice. Akala ko pa man din ay magiging maganda ang pag balik ko rito kasi may nakuha kaming ebidensya tapos malalaman ko na lang na ganto na ang nangyayari. "Kinakampihan niyo pa talaga yang babae na 'yan? Siguro kasabwat rin kayo niya o 'di kaya ay sinapian din kayo para protektahan siya." Dinuro-duro niya pa si Maurice habang nasa likod namin. Ang katawan talag

