Chapter 1

2245 Words
- Tragedy - 9 Months Ago... "CHASE BENEDICT ADIEL!!" Grabe! Nakaka bingi naman 'tong sigaw ni mom. Tamad ko na lang siyang tinignan. "What?" Taas noo kong tanong. Ano na naman kayang meron? "At sino nag sabing pwede kang mag boarding house!?" Tinangal ko na ang headphone na suot ko.. Naglalaro kasi ako ngayon sa aking desktop. "Mom." Lumapit ako sakanya para yakapin siya at halik-halikan. "Wag mo kong idaan-daan sa lambing mo kasi hindi niyan mababago ang desisyon ko. Talagang mag bo-boarding house ka tapos mas malayo sa paaralan niyo kung ikukumpara ang distansya galing dito sa bahay natin." Buntong hininga akong tumingin sakanya. Patay na! Pano niya naman nalaman 'yon? "Pero mom gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa!" Umiling-iling lang ito. "Enough buts. One thousand times mo ng sinabi yan at one million times na akong sumasagot ng NO. Ilan ba gusto mo? Billion times ba? Para lang tumigil kana." Napasinghap na lang ako. Bwisit! Ako na ang umalis sa kwarto ko. Bumaba ako ng hagdan at nakasalubong ko lang si Ate Allison. "Oh! Anong nangyari?" Yung tono ng pananalita niya ay concern pero yung mukha niya, nang-aasar. "Ikaw ba yung nag sabi tungkol sa pag pla-plano kong mag boarding house?" Gigil kong tanong at padabog akong umupo sa sofa. Tumabi lang din saakin si Ate. "Huh? 'Di ko nga alam na mag bo-board kana pala. Dapat sinabi mo sa'kin para natulungan kita agad na makaalis dito," "I heard you, Allison!" sigaw ni mom mula sa kwarto ko. "Hayaan mo na kasi yang si Chase sa gusto niya." Pagtatangol naman ni Ate sa akin. Alam ko naman kung anong reason niya kung ba't niya ginagawa 'tong pagtatangol sa'kin, kasi nga ay gusto niya na akong paalisin. Well I agree with that idea subalit ang magulang ko lang talaga ang problema. "Ehem," Nakuha nito ang atensyon namin ni Ate. "So Chase, boarding house pala ha! Boarding house tapos malayo sa school mo pero malapit sa mga barkada mo." Dumagdag pa si Dad. Naku naman oh! Ano ng gagawin ko? Gusto ko munang lumayo-layo sakanila ng pansamantala. Hindi naman ako pwedeng mag walk out na lang basta-basta kasi alam ko na pag balik ko ay gegerahin na naman nila ako. This is sucks! Tumakbo na lang ako papuntang kwarto ko. "Where are you going?" Tanong ni Mom. "Mag C-Cr lang ako." 'Di naman talaga ako na-iihi o ewan. Balak ko ng tumakas gamit yung bintana sa banyo. "Wag mong ilolock," bilin nito na agad kung sinagot. "Mom! Mag babanyo lang naman ako." Pag dadahilan ko kahit alam kong hindi magiging sapat para makumbinsi siya. "Don't lock the door or else papatangal ko yang Desktop mo at lahat ng gadget mong 'to." Tinuro niya pa ang mga gamit na meron ako. Kapag pumalag pa ako, gagawin niya na talaga 'yon, hindi nag bibiro si Mom kapag nag sasabi ng ganyan. Kapag sinabi niya. Gagawin niya talaga, that's my Mother. Naiinis ako sakanya most of the time pero mahal ko 'yan kasi napaka-galing mag alaga saamin, it includes my Dad. Kaming tatlo specifically. "Fine." Pumasok ako sa banyo ng hindi nag lolock. Mapapa change of plan ako ngayon. Lumitaw ang isang ngiti sa aking labi, tatakas ako gamit ang kwarto ni Ate, kailangan ko lang makuha yung wallet ko sa table para may budget kapag gumala o tumambay sa mga tropa. Dahil sa intense na nararamdaman ko. Nakaramdam tuloy ako ng pagkaihi kaya ayon, nilabas ko na. Atleast hindi na iisipin ni Mom na may binabalak ako. Pagkatapos kong magbuhos ay agad din akong lumabas. "Mag luluto muna ako ng gabihan. Hindi ka aalis ngayon gabi ha!" 'Di ko na lang siya pinansin at payapang nahiga sa higaan ko. Mamaya na ako pupunta sa kwarto ni Ate. Nanamnamin ko muna 'tong higaan ko. Pinagmasdan ko kung paano isara ni Mom ang pintuan. Napakagaan niyang mag sarado, ni isang tunog ay wala akong narinig. Nag talukbong na lamang ako ng kumot. Tinext ko si Dale na sakanila muna ako mananatili ngayong gabi. Kailangan ko syempre ng matutulugan ngayong gabi tsaka kailangan ko din siyang iinform na pupunta ako, gusto ko lang talagang makipag kwento sa lalaking 'yon. Alam ko rin kasing hindi din siya pinayagan ng parents niya na mag boarding house. Sobrang close kasi ng nanay ko at nanay ni Dale kaya ayan. Nakakasagap din ng balita. Umalis na ako sa higaan para asikasuhin ang aking mga dadalhin. Kumuha ako ng maliit na backpack saka jacket kasi malamig ang panahon ngayon sa labas, January ba naman! Kapag naliligo nga ako kailangan ko pa ng mainit na tubig. Sinarado ko yung bintana ko para hindi isipin ni Mom na tumakas ako gamit ng bintana ng kwarto tsaka may CCTV dito sa side ng bahay na hagip ang bintana ng kwarto ko samantalang yung kwarto ni Ate Allison ay walang CCTV na makakahagip don kaya safe spot iyon. Alam kasi nilang Matino daw si Ate. Kahit hindi naman talaga. Matino siya kasi 'di siya pala labas, ang problema naman, siya yung nag dadala ng mga kaibigan dito. Kaya nga gusto niya na akong paalisin para itong kwarto ko ay maging guest room then mas madami na ang maipapasok niya na kaibigan dito sa bahay. Kumatok na lang ako sa kwarto nito. "Ate Allison?" Tawag ko rito. Kaagad namang nag bukas ang pintuan. "Tatakas ka?" Wow! Instant 'yon. "Pasok na," Agad ko naman siyang sinunod. Ako na ang nag lock ng pinto kasi nakahiga na siya sa kama niya. "So staying at Dale's house huh!?" Naupo lang ako sa edge ng kama niya. "Ano bang kapalit?" Tanong ko. Kilala ko na 'tong kapatid ko. Once na tutulong siya, kailangan laging may kapalit. "Hmm.. Let me think of it," Sana lang hindi sobrang hirap ng ipapagawa niya or something. "Wala na lang kapalit kaya Gora na!" Nanlaki ang mata ko. Ito ang pinaka unang beses na hindi siya nag bigay ng kapalit. Himala yata! "Thanks." Niyakap ko siya bago pumunta sa bintana. Kaya ko namang talunin kasi nasanay na ako sa kakatalon mula sa bintana ko sa kwarto. "Ang landi mo ngayon." We both giggled. Grabe naman siya makapag sabi ng landi pero I admit naman kasi kanina nanlambing din ako kay mama and now kay ate na. Sino kayang next? Natawa na lamang ako sa aking isipan. Mga kalokohan ko talaga, I jump then roll. To be honest, hindi naman ganon kataas itong kwarto namin ni Ate. Kahit na nasa second floor pa 'to, 'di naman ganon kataas. Ang weird nga ng pagpapagawa nila Mom dito sa bahay e! Sa baba ng kwarto namin ay basement na pero di siya gaanong naka lubog sa lupa. Minsan nga, kino-consider na namin yung basement as first floor. Yung hagdanan naman papuntang second floor ay di ganon ka haba, tatlong steps lang at mararating mo na yung hallway papunta sa kwarto namin ni Ate. Pasimple ko na lang na kinuha yung jacket mula sa bag ko habang naglalakad. Pagkatapos kong mag suot ng jacket ay agad kong binilisan ang aking paglalakad. Baka mahabol pa ako ni Mom kapag nagkataon kaya kailangan kong bilisan, para na rin makarating kaagad sa bahay nila Dale. Luminga-linga ako sa gilid, ganon din sa likod ko ng biglang may matamaan akong matigas. Nung hindi pa ako nakakalingon. Inisip ko na poste ito ngunit nung nakita ko na, tao pala. "Hala sorry miss." Agad kong kinuha yung nahulog mga gamit na nahulog ko dahil sa aking katangahan. "Ako na." It was a hard and harst tone of voice na ikina tigil ko. Sobrang lamig din ng pakikitungo niya. Pinagmasdan ko lang siya ng maigi. 'Di ko maaninag ang kanyang mukha dahil naka yuko siya habang pinupulot yung mga nahulog na gamit. Pag lipas ng ilang segundo ay agad siyang tumakbo papaalis. Kumabit-balikat na lang ako at saká muling nag focus sa daan. Ano kayang problema ng babaeng 'yon? Nakakatakot din siya manamit, gagi! Dumating din ako kaagad sa bahay nila Tita Amalia na nanay ni Dale. "Tao po?" Katok ko sa gate nila. Wala naman kasi silang door bell dito kaya ano bang magagawa ko, kundi tanging katok lang. "Oh Chase! Tuloy ka," ang bait din nito ni Tita. Hindi ko nga alam kung bakit sinasabi ni Dale na hindi mabait yung nanay niya, siguro kapag sila-sila na lang ay biglang manenermo si Tita. Parang katulad lang ni Mom. "Napunta ka dito? May ibibigay ba yung mama mo?" Umiling lang ako. Tumugon naman rin ako kaagad. "Tatambay po muna sana ako dito. Si Dale po?" "Nasa kwarto niya." Umiba na kami ng daan. Si Tita ay pumunta sa kusina habang ako ay sa pangalawang palapag para sa kwarto nung bugok. "Dale!" Hindi na ako nag abalang kumatok. Binuksan ko na kaagad ang pinto. "f**k! Chase naman! Nangugulat ka," humakhak na lang ako ng makita ang maasim na mukha nito. "Uso katok." 'Di pa din ako timigil sa pag tawa. "Sorry sadya." Pumunta lang ako sa closet niya upang mag bungkal. Dito niya tinatago yung maliit naming fridge na puno ng alak. Actually ako ang nag suggest nito, para kapag tatambay ako dito, e 'di may maiinom kami. Tumunog naman yung pintuan na ibig sabihin ay kinandado ito ni Dale. Syempre para hindi kami mahuli na umiinom kahit na nasa legal age naman na kami, ayaw pa din ng mga magulang namin. Ganon talaga ka strict at protective ang mga magulang namin. Ayaw nilang magkasakit kami sa baga. Binuksan ko ang aking hawak na can ng alak at saka lumagok."Hoy! Nag gabihan kana ba?" Di ko siya inimik bagkus ay nilaklak ko yung isang bote. "Chase. 'Di ka pa kumakain. Napaka-gago mo talaga." "Pake mo ha?" Pang babara ko sakanya. Hindi naman siya natinag. "Baliw kaba? Kapag nagkasakit ka ako sisisihin kaya may pake ako. Ayoko namang madamay sa katarantaduhan mo." "Asus! Sabihin mo na lang kasi na may pake ka sa bestfriend mo." Pinakyuhan niya lang ako tapos kumuha din siya. "Eh Ikaw kumain kana ba?" Natawa siya na parang ewan. Isa lang ang ibig sabihin ng tawang iyon. That means hindi rin. Kumuha ulit ako ng isa. "Oh! Cheers." Sabay naming ni lagok yung beer. "Dale. Dinner is Ready!" Nagtitigan lang kami ni Dale. Shemay! Baka maamoy kami nito lalo na't mahilig din uminom yung tatay ni Dale. Malalaman nun yung amoy ng ininom namin tapos papagalitan kami then malalaman ni Mom and Dad tapos gulo-gulo na. We need to do something. "Tita, dito na lang daw po siya kakain. May mahalaga po kasi kaming pinaguusapan." Tugon ko. "Okay okay. Sige dadalhin ko na lang jan, ikaw ba Chase? Nagugutom kana ba?" Nagningning bigla yung mata ko. Masarap kasing magluto si Tita. Si Mom naman ay nagpapaturo para gumaling din. "Sige po Tita. Makakatangi ba ako sa masarap niyong luto?" Natawa lang ito bago mula sa labas ng pintuan, bago tuluyang umalis. Parehas kami ni Dale na nakahinga ng maluwag. Muntik na kami don. "Chase dali! Magmumog ka ng tubig o di kaya ng Plax para di tayo maamoy ni Mom." Tumango ako at nagmumog sa banyo ni Dale. Agad kaming bumalik pagkatapos kasi narinig din namin yung yabag ng paa ni Tita kaya ayon. "Dinner is here." Amoy palang masarap na, pano pa kaya kapag tinikman. Napangiti ako. Mukhang mapapawi nito yung inis ko sa mga nangyari kanina. "Salamat po," ngumiti lang si Tita ng matamis bago umalis. "Hmmm.." Ano ba yan! Inunahan ako nung bugok. Dinakma ko kaagad yung garlic butter shrimp with fried rice gamit yung kutsara. Shrimps are also my favorite kaya ganon na lang ako ma-excite nung nakita ko 'to. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ni Dale ay bigla na lang may kumatok sa pintuan. "Chase, may masama akong balita." malumanay na wika ni Tita. Kalmado ko lang siyang kinunutan ng noo. Ang weird kasi! Ang kalma ng pagkakasabi niya subalit yung mukha niya ay mangiyak-ngiyak na. Nag salita naman si Dale. "Ma? Anong problema? Bakit ka umiiyak!?" Wala na. Hindi na kinaya ng mata niya na pigilan kaya tuloy-tuloy na umagos ang luha sa mukha nito. "Ma?!" Wala pa din kaming nakuhang sagot ni Dale. Hikbi lang siya ng hikbi. Naguguluhan talaga ako ngayon. Ano ba talagang nangyari? Sumulpot naman bigla si Tito. "Chase, iuuwi na kita." Wala na akong nagawa, sumama na lamang ako. Si Dale ay nagpaiwan para bantayan si Tita Amalia. "Ano po ba talagang nangyayari? Naguguluhan na po kasi talaga ako," tanong ko kay Tito Darylle habang nag mamaneho ito ng pagkabilis-bilis. Para kaming may emergency na ewan. "Tito?" Saglit niya akong nilingon tsaka muling ibinalik ang tingin sa daan. "Malalaman mo pag naiuwi na kita." Parang lutang siya ngayon o baka ako yung lutang? Basta! Ilang minuto lang ay narating na din namin ang bahay. Mas lalong kumunot ang aking noo ng makakita ng mga tao. May mga kapitbahay, police at medic--- Wait WHAT? Medic Kumaripas ako ng takbo papasok sa loob. "Bawal pong pumasok." Pag pipigil saakin nung police. "Anak po siya nung na biktima." saad ni Tito kaya agad akong pinapasok, natigilan ako. Isang butil ng luha ang tumakas sa mata ko. Hindi 'to totoo diba? Asan si Ate Allison? Paano ito nangyari? Sino ang may kagagawan? Isang hakbang ang ginawa ko bago natanaw ang kinaroroonan ni Ate. May iilan siyang galos na natamo. Lumapit ako ng walang ginagawang ingay. "A-ate."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD